Pages

Monday, October 25, 2010

Tabehodai at Shakey's

sunday.10.24.10

after mass derecho kami sa aming peyborit bilihan ng kung anech-anech na filipino food. bago pa man ako nakarating sa bilihan ng banana-cue e may tumawag sakin. lo and behold! tinawag ako ng jumbo purefoods tender juicy hotdog o a stick. bago pa man tumulo ang aking laway e bumili na kami ni kuya roel ng tatlong piraso. 2 sa kanya at isa sa akin. 3pcs for 1,000yen o 350yen/pc. ang pinakamahal na hotdog na nakain ko. ayos lang. minsan lang naman magsaya ang alipin. yun nga lang di na tuloy ako nakakain ng banana-cue.



pagkagaling sa yotsuya pumunta kami sa shibuya. nagshoe-shopping ang aking mommy and daddy. ang dakilang sikoletlover na sumama lang para tumingin-tingin e napabili din.  kawawang credit card. nagasgas na naman.
the damage

akala ko next week pa kami kakain sa shakeys kaso andun na rin lang naman kami e nilubos na namin. kung alam ko lang e di sana hde nako kumain nung super juicy at sarap na purefoods tender juicy hotdog. hanggang ngayon kinikilig pako sa sarap :D

sa halagang 1,180yen e eat-all-you-can ang lahat ng pizza, pasta, patatas and salad.

ay pundido the letter S. poor much?
lamon 'to! lamon!



verdict: we're kinda disappointed. mejo lang naman. ok lang pero hindi yung tipo ng ok na babalik pa kami ulit dun. limited ang choices. ang pinaka-nagustuhan kong pizza e yung dessert pizza nila. pizza with chocolates, marshmallow and whipped cream as toppings. i just ate 1 slice kasi nabondat kagad ako sa pag-inom ng coke. kahit pasta hde na rin ako nakakain.

saan kaya ang susunod na tabehodai resto ang aming sasalakayin???

*tabehodai - eat as much as one wants, paying buffet.

9 comments:

Xprosaic said...

Wow naman! sarap ng foods hehehehehe... may chippy pa oh... hehehehehe

kayni said...

gusto ko yong hotdog. nakakamiss.

khantotantra said...

waa. like ko yung mojoes!!!! naglalaway ako !

Lord CM said...

yun ang wala dito sa Palau, Purefoods Tender Juicy Hotdog, kaka miss :)

kuri said...

parang gusto ko ng pizza for lunch. kaso sayang naman ang packed lunch ko. (nagdahilan p, ayaw lang aminin na wala akong pera!)

ung lilo&stitch na bandage antayin ko sa december ha? :D

MiDniGHt DriVer said...

Awww...Sarap naman!

sikoletlover said...

@lloydie - haha naki-lloydie talaga. oo nga e. naka-focus lang ako dun sa hotdog. yun lang kasi budget :D

@mr. kayni - wala po ba jan sa isteyts?

@khanto - mojoes pala tawag dun LOL. tagal ko na kasing hde nakakain sa shakeys.

@Lord CM -kahit po sa mga Filipino store jan?

@kuri - LOL yup sa december :D

@MD - shempre. blogging gutom eh :D

mots said...

mabuhay ang "picha" sabi nga ng nanay ko. :) ang sasagip sa kagutuman ng bayan heheh

Ishmael Fischer Ahab said...

Ah...Purefood Tender Juicy Hotdog. Kakakain ko lang nyan last week noong bumisita ako sa Manila Ocean Park.

Favorite ko yang Shakey's pagdating sa Pizza. Teka, may Yellow Cab pa nga pala na masarap din. ^_^

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails