Wednesday, January 26, 2011

Sikoletlover and Basuraman in Bohol Part 2

sabi na e aabot ng 100 years bago ko maipost yung karugtong ng aming bohol eskapeyd. anyway as requested by number 1 fan here's part 2.
 
sa pagpapatuloy....


Upon arriving at Dumaluan Resort Basuraman requested the receptionist to have our breakfast packed for the next day since we have to be early for the dolphin watching. 5:30am ang departure namin from the resort and same time ang sinabi ni basuraman para pick-upin namin ang bfast.

we stayed in a cottage type (air-conditoned) room.


may sampay na si aleng nena :P




  

check
1. parang kami yata ang unang gumamit ng room. hektwali yung katabing cottage e ginagawa pa.
2. panalo ang (?) inch lcd tv (with cable na 10 lang yata channel hehe). eventhough we're on a vacation there has to be a cabletv. isa ito sa mga requirement nung pinahanap ko si basuraman ng tour package.
3. i love love love the shower.
4. may alambre sa labas para sampayan ng basang damit ^_^
5. the cottage has a small terrace. kakatuwa kahit hindi man kami tumambay dun kasi mainit sa labas
6. wifi
7. free breakfast. actually ito yung deciding point sa pagpili namin ng resort LOL juk lang.
8. easy access to the white sand beach

ekis
1. walang hot water (syet na syet)
2. no side table/chair. kaya lahat ng aming personal stuff nasa ibabaw ng aming mini-ref.
3. walang closet. kahit maliit na cabinet man lang for the clothes wala. kaya lahat ng damit/gamit namin sabog-sabogers sa sahig.
4. cute yung room pero masikip.
5. mali pagkakapwesto nung bidet/shower for pwet. ininstall sa left side tapos inikot sa ibabaw papunta right side. magaling magaling magaling.
6. the rest of the cottages are still under renovation so ang gulo gulo sa labas. nagkalat ang mga gamit and trabahador na kung makatingin e...no comment na lang -_-

pagkatapos ikalat ang gamit sa sahig e nagtampisaw na kagad ako sa dagat. huweeeeeeeeeeee!

Dinner at Dumaluan Restaurant and Lounge


3 garlic rice, pork sinigang, grilled stuffed squid plus 2 mango shake
gluttony!

fruit platter

i-forgot-the-name dessert ^_^
basuraman: 3 garlic rice
kuya waiter: ano po yung rice natin sir garlic, plain....
basuraman: garlic rice.
basuraman: tsaka 2 mango shake.
kuya waiter: ano po yung drinks natin sir juice, shake....
basuraman: mango shake. shake

pagkaalis ni kuya waiter...


ako: mahina ba yung pandinig nung waiter.

basuraman: hindi. slow lang talaga siya.


4 thumbs up for this group who entertained us during dinner.
ang galing galing galing galing galing ni ateng kumanta! pati na rin yung 2 kuya. kinabog si sitti pramis. mapapakain ka ng bonggang-bongga ^0^

After dinner we went to the front desk to ask for the duplicate key of our room and also requested for a small table kasi nga wala ng space sa sahig para sa gamit namin. lumipas ang magdamag walang lamesitang dumating.


Day 2
  • dolphin watching (waters between Pamilacan and Balicasag Island)

alas singko y media ng umaga impunto nasa front desk na kami para kunin ang aming packed breakfast. sa awa ni Tralala wala yung nirequest naming packed bfast. sinabi ko na rin na walang lamesa na dumating kagabi. ang tanging nasabi ni ms. receptionist e wala daw kasing nag-endorse sa kanya. hindi tayo marunong humingi ng pasensha ate??? tapos may bayad daw yung styro na gagamitin for packed bfast. ok payn madami kami pera wahaha juk. tapos etong si kuya bangkero ang sabi dun daw kami sa frontdesk maghintay. yun pala dun na sa tabing dagat. pinilit tanggalin ang imbyerna. hde ako pumunta ng bohol para mainis.

umagang kay payapa


 ako lang ang may pink na lifevest!!!! ^_^
the packed breakfast = rice +boiled egg+veggies+1/4 fried bangus
pak na pak...

ang dami-dami naming nakitang dolphins! as innnnn! e kasi naman nagtransform ako into sirena pano namang hindi sila lalabas lahat LOL




  • snorkeling in the reefs of Balicasag Island

Nanghihinayang ako ng bonggang-bongga kasi wala kaming dalang underwater camera ni basuraman. tulo-laway si watashi sa ganda ng reefs ng Balicasag. kinabog ang snorkeling experience ko sa hundred islands (pangasinan) at boracay. walang halong exaggeration. hindi namin kinailangang maglabas ng pagkain para lang lumabas ang mga isda kasi andun na kagad sila na parang nakalublob ka lang sa isang higanteng aquarium.

paglubog na paglubog ko sa tubig e pumaibabaw kagad ako. akala ni kuya-bantay e nalulunod nako. e pano ba naman kasi 2 meters mula dun sa kinatatayuan namin e bangin (ano ba tawag sa bangin na nasa ilalaim ng tubig?). dun daw kasi yung dive site. kahit alam kong may life vest ako e inandaran ako ng niyerbiyos. bigla ko pang narinig yung DUN DUN DUN DUN (soundtrack ng Jaws) sa imagination ko. pano kung biglang may lumabas sa kawalan na yun? at bigla ako kunin? pano ha? panoooooo???

kaya holding hands tuloy kami nag-snorkeling at nagpakain ng isda ni basuraman hihi

  •  lunch at balicasag dive resort


we love the balicasag soup!

lunch
  • virgin island

low tide

buko stand ^0^


at its own

uni = sea urchin
 

dahil nainggit ako sa jumpshot ni basuraman


uhaw
  • dinner at DBR grill
ayaw na naming lumayo ni basuraman kaya sa DBR grill na lamang kami nagdinner. located sa public area ng dumaluan beach resort. nalowka kami ni basuraman sa kainan na itetch. hindi ko nakuhang magtake ng pictures kasi naimbyerna na naman si watashi. antagal naming naghintay sa pag-oorder pa lang.
- busy yung isang attendant sa pagtake ng order nung lalakeng naabutan namin sa counter. ewan ko kung anong pinagtatalunan nila kasi bisaya yung salita. after 100 years tsaka lumapit yung isang attendant para kunin ang order namin.
- basta na lang kinuha nung tomboy yung order namin without even repeating kung ano ba yung inorder namin or kung may gusto pa kami. she wasn't speaking to us! basta na lang niya kinuha yung bayad at binigay sa cashier without even waiting for the change. hintay mode na naman kami sa sukli.
-ok yung food. negative CS lang talaga.

wala pa rin yung lamesita na nirequest ko. hindi ko na tuloy naitanong yung tungkol  sa hot water at housekeeping kasi wala silang kwentang kausap. kung hde available e di sabihin nila samin hindi yung ni ha ni ho wala man lang response sa request ko. pag foreigner at nag-eenglish ang kausap nila napaka-accommodating. hay hay hay....

dapat pupunta kami ni basuraman sa Dana for our day 3 to try the "Sui-slide" and "the plunge". kaso nung nakita namin yung bus and kung gano kadalang ng public vehicles e tinamad na kami. 3,500 petot ang rent sa isang private car for 8hrs kung gusto naming pumunta dun. hindi na namin kaya ni basuraman yun. andami na kaya nung pang-jollibee ^_^


may part 3 pa!!! jusmio marimar.

12 comments:

Arvin U. de la Peña said...

miss ko na ang bohol..nakapunta na rin ako diyan..

khantotantra said...

wow naman. ikaw na ang may kikay na lifevest.

heheh. nakakaaliw yung waiter, kailangan tanungin nia kung garlic rice ang garlic rice. :p

Nice yung tinulugan nio, aircon na hut/kubo

sana one time ay makapunta ako dyan

Jag said...

Huwaaahhh! Nang-iinggit! namiss ko tuloy ang BOHOL hayst!Makapunta nga dun mamaya hahaha as ef...

Wonderful escapade...lovely photos!

Ang Babaeng Lakwatsera said...

nakakainggit.. hindi pa ko nakakapunta ng Bohol.. impernes like ko yung lifevest mo.. ayieeeeeee..

nyabach0i said...

tagal mong nawala ah?

bentang benta to!

basuraman: 3 garlic rice
kuya waiter: ano po yung rice natin sir garlic, plain....
basuraman: garlic rice.
basuraman: tsaka 2 mango shake.
kuya waiter: ano po yung drinks natin sir juice, shake....
basuraman: mango shake. shake

looks like you had fun! buti naman. :)

Michael said...

Pasensya naman daw sa waiter, sikolet, bobita lang talaga.. At, hindi ka rin nag-iisa sa karanasang poor CS sa mga ganyang lugar.. Imbis na makapag-relax ka, mas lalo lang kukulubot ang mukha mo... Ahihihihih.. :D:D:D:D:D:D:D

anney said...

Ang saya naman! Sana matuloy din kami sa bohol sa summer!

tekamots said...

Bohol hay naku pangarap kong mapuntahan yan...sana sana sana...

Ishmael Fischer Ahab said...

Wow! Dolphy! este...dolphins.

Kainggit naman kayo ni Basuraman.

Gusto ko rin pumunta ng Bohol.

AdroidEnteng said...

saya naman..makapag bohol nga sa cubao din mamaya..marami din mga sirena dun...hahahaha

Super Balentong said...

panalo yung jumpshot mo! wala akong masabi, enjoy na enjoy kayo jan.

sikoletlover said...

@arvin - ako din nami-miss ko na ang bohol

@khanto - gusto ko nga iuwi yung lifevest hihi

@jag - go na. now na!

@babaeng lakwatsera - it's a nice place kaya punta na :)

@nyabachoi - saglit lang naman

@michael - kahit saan yata may bad CS hehe

@anney - sana nga matuloy kayo!

@tekamots - makakapunta ka rin dun. nararamdaman ko hihi

@Ish - andaming Dolphy este dolphins :D

@Enteng - marami ding dolphins dun sa cubao?

@SB - tamang timing :)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails