Pages

Thursday, January 27, 2011

Sikoletlover and Basuraman in Bohol Part 2

sabi na e aabot ng 100 years bago ko maipost yung karugtong ng aming bohol eskapeyd. anyway as requested by number 1 fan here's part 2.
 
sa pagpapatuloy....


Upon arriving at Dumaluan Resort Basuraman requested the receptionist to have our breakfast packed for the next day since we have to be early for the dolphin watching. 5:30am ang departure namin from the resort and same time ang sinabi ni basuraman para pick-upin namin ang bfast.

we stayed in a cottage type (air-conditoned) room.


may sampay na si aleng nena :P




  

check
1. parang kami yata ang unang gumamit ng room. hektwali yung katabing cottage e ginagawa pa.
2. panalo ang (?) inch lcd tv (with cable na 10 lang yata channel hehe). eventhough we're on a vacation there has to be a cabletv. isa ito sa mga requirement nung pinahanap ko si basuraman ng tour package.
3. i love love love the shower.
4. may alambre sa labas para sampayan ng basang damit ^_^
5. the cottage has a small terrace. kakatuwa kahit hindi man kami tumambay dun kasi mainit sa labas
6. wifi
7. free breakfast. actually ito yung deciding point sa pagpili namin ng resort LOL juk lang.
8. easy access to the white sand beach

ekis
1. walang hot water (syet na syet)
2. no side table/chair. kaya lahat ng aming personal stuff nasa ibabaw ng aming mini-ref.
3. walang closet. kahit maliit na cabinet man lang for the clothes wala. kaya lahat ng damit/gamit namin sabog-sabogers sa sahig.
4. cute yung room pero masikip.
5. mali pagkakapwesto nung bidet/shower for pwet. ininstall sa left side tapos inikot sa ibabaw papunta right side. magaling magaling magaling.
6. the rest of the cottages are still under renovation so ang gulo gulo sa labas. nagkalat ang mga gamit and trabahador na kung makatingin e...no comment na lang -_-

pagkatapos ikalat ang gamit sa sahig e nagtampisaw na kagad ako sa dagat. huweeeeeeeeeeee!

Dinner at Dumaluan Restaurant and Lounge


3 garlic rice, pork sinigang, grilled stuffed squid plus 2 mango shake
gluttony!

fruit platter

i-forgot-the-name dessert ^_^
basuraman: 3 garlic rice
kuya waiter: ano po yung rice natin sir garlic, plain....
basuraman: garlic rice.
basuraman: tsaka 2 mango shake.
kuya waiter: ano po yung drinks natin sir juice, shake....
basuraman: mango shake. shake

pagkaalis ni kuya waiter...


ako: mahina ba yung pandinig nung waiter.

basuraman: hindi. slow lang talaga siya.


4 thumbs up for this group who entertained us during dinner.
ang galing galing galing galing galing ni ateng kumanta! pati na rin yung 2 kuya. kinabog si sitti pramis. mapapakain ka ng bonggang-bongga ^0^

After dinner we went to the front desk to ask for the duplicate key of our room and also requested for a small table kasi nga wala ng space sa sahig para sa gamit namin. lumipas ang magdamag walang lamesitang dumating.


Day 2
  • dolphin watching (waters between Pamilacan and Balicasag Island)

alas singko y media ng umaga impunto nasa front desk na kami para kunin ang aming packed breakfast. sa awa ni Tralala wala yung nirequest naming packed bfast. sinabi ko na rin na walang lamesa na dumating kagabi. ang tanging nasabi ni ms. receptionist e wala daw kasing nag-endorse sa kanya. hindi tayo marunong humingi ng pasensha ate??? tapos may bayad daw yung styro na gagamitin for packed bfast. ok payn madami kami pera wahaha juk. tapos etong si kuya bangkero ang sabi dun daw kami sa frontdesk maghintay. yun pala dun na sa tabing dagat. pinilit tanggalin ang imbyerna. hde ako pumunta ng bohol para mainis.

umagang kay payapa


 ako lang ang may pink na lifevest!!!! ^_^
the packed breakfast = rice +boiled egg+veggies+1/4 fried bangus
pak na pak...

ang dami-dami naming nakitang dolphins! as innnnn! e kasi naman nagtransform ako into sirena pano namang hindi sila lalabas lahat LOL




  • snorkeling in the reefs of Balicasag Island

Nanghihinayang ako ng bonggang-bongga kasi wala kaming dalang underwater camera ni basuraman. tulo-laway si watashi sa ganda ng reefs ng Balicasag. kinabog ang snorkeling experience ko sa hundred islands (pangasinan) at boracay. walang halong exaggeration. hindi namin kinailangang maglabas ng pagkain para lang lumabas ang mga isda kasi andun na kagad sila na parang nakalublob ka lang sa isang higanteng aquarium.

paglubog na paglubog ko sa tubig e pumaibabaw kagad ako. akala ni kuya-bantay e nalulunod nako. e pano ba naman kasi 2 meters mula dun sa kinatatayuan namin e bangin (ano ba tawag sa bangin na nasa ilalaim ng tubig?). dun daw kasi yung dive site. kahit alam kong may life vest ako e inandaran ako ng niyerbiyos. bigla ko pang narinig yung DUN DUN DUN DUN (soundtrack ng Jaws) sa imagination ko. pano kung biglang may lumabas sa kawalan na yun? at bigla ako kunin? pano ha? panoooooo???

kaya holding hands tuloy kami nag-snorkeling at nagpakain ng isda ni basuraman hihi

  •  lunch at balicasag dive resort


we love the balicasag soup!

lunch
  • virgin island

low tide

buko stand ^0^


at its own

uni = sea urchin
 

dahil nainggit ako sa jumpshot ni basuraman


uhaw
  • dinner at DBR grill
ayaw na naming lumayo ni basuraman kaya sa DBR grill na lamang kami nagdinner. located sa public area ng dumaluan beach resort. nalowka kami ni basuraman sa kainan na itetch. hindi ko nakuhang magtake ng pictures kasi naimbyerna na naman si watashi. antagal naming naghintay sa pag-oorder pa lang.
- busy yung isang attendant sa pagtake ng order nung lalakeng naabutan namin sa counter. ewan ko kung anong pinagtatalunan nila kasi bisaya yung salita. after 100 years tsaka lumapit yung isang attendant para kunin ang order namin.
- basta na lang kinuha nung tomboy yung order namin without even repeating kung ano ba yung inorder namin or kung may gusto pa kami. she wasn't speaking to us! basta na lang niya kinuha yung bayad at binigay sa cashier without even waiting for the change. hintay mode na naman kami sa sukli.
-ok yung food. negative CS lang talaga.

wala pa rin yung lamesita na nirequest ko. hindi ko na tuloy naitanong yung tungkol  sa hot water at housekeeping kasi wala silang kwentang kausap. kung hde available e di sabihin nila samin hindi yung ni ha ni ho wala man lang response sa request ko. pag foreigner at nag-eenglish ang kausap nila napaka-accommodating. hay hay hay....

dapat pupunta kami ni basuraman sa Dana for our day 3 to try the "Sui-slide" and "the plunge". kaso nung nakita namin yung bus and kung gano kadalang ng public vehicles e tinamad na kami. 3,500 petot ang rent sa isang private car for 8hrs kung gusto naming pumunta dun. hindi na namin kaya ni basuraman yun. andami na kaya nung pang-jollibee ^_^


may part 3 pa!!! jusmio marimar.

Saturday, January 15, 2011

Sikoletlover and Basuraman in Bohol Part 1

basuraman and i stayed in bohol for 4 days and 3 nights (1.4-7.11). yung lang. bow ^_^

isang bagsakan na lang. kasi pag hinati ko pa ang entry na ito sa ilang parts e malamang natuwid na ang kulot kong buhok e diko pa nagagawa/naipo-post yung part 2. ang mag-skip read e mag-skip read na. wala ako maisip na parusa. ang bait ko kaya ^_^

hektwali the original plan was to go to Sagada with elotte and jep. tapos naging balai isabel na nauwi sa kaming 2 na lang ni basuraman kasi nga hde magtugma-tugma ang mga sched. at dahil winter ngayon dito sa japown e sinamantala ko ang init sa pinas and i want some white sand bebeh!

hanap si basuraman ng mga travel package echlavoo sa bohol with accomodation and everything chenes in it sa internet and he found Green Earth Tours & Travel, Inc. Nung una 3d/2n lang kaso we thought parang bitin kaya we ended getting the 4d/3n package with the 3rd day as our free day kasi nangarap ang inyong lingkod na makapunta ng Danao para i-try ang Sui-slide and the Plunge. kaso....

d mnl-tgblrn trp

December na nung nagbook kami ng flight kasi nga super last minute na lang na naipilit ko yung bohol hehe. Dahil hindi kaya ng budget ang PAL at CebuPac during that time we landed having our flights booked at Air PhilExpress. so far so good. it was my second time to fly domestic and luckily i haven't experienced any delay. the first time was last aug2010 when basuraman and I went to Boracay via Cebu Pac. dapat nga mas maaga makakalapag yung eroplano kaso walang parking. pramis nisabi yun nung pilot! 2 planes lang pala ang kaya ng Tagbilaran airport.

ang lapit na pala ng Tagbilaran sa Mindanao :D (sorry mahina akesh sa geography).


si machong Basuraman habang naghihintay ng flight ^_^


Day1

pagdating sa Tagbilaran airport sinalubong kami ni Ms. Karen na siyang tourguide namin for that day. We immediately procedeed to our Bohol Countryside Tour.

  • Loay River Cruise

been raining daw for days kaya brown ang tubig


i think we were the last persons to board the floating resto. obvious naman kung sino ang gutom na gutom ^_^ btw do not expect something bonggacious in the buffet. the food is "ok lang".

ako: miss can i have a plate for the fruits.
miss @#$%: wala na.

sabay talikod. talk about customer service. first day pa lang namin.....

entrance to the ATiTribe
  • Tarsier viewing
tarsiers are nocturnal animal meaning they are asleep during day and active during night.

i think this one has insomia. siya lang ang nakita naming gising.
According to our guide tumaas ang mortality rate ng mga tarsiers kaya nilimit na lamang ang mga tao sa pag-view sa kanila. We are not even allowed to wake them up kaso nakakagulat lang nung nakita namin na mismong  yung bantay ang nanggising sa tarsier dahil may isang pamilya na ingisero at inglesera na gustong magpapicture. Tarsiers are suicidal when they get stressed. Tarsier holds its breath to death.
  • Chocolate Hills


  • Butterfly Sanctuary
the butterfly playing dead ^_^


They provide guides for those availing the tour. And ours was the best! Kuya Michael was so spontaneous and hindi nawawalan ng banat at (green) jokes.

Try their "Madame Butterflies Natural Fruit Ice Cream". No they're not made from butterflies. Waleylung. The guide suggested kasi na we try the ice cream. kumain naman kami. It was good. I had Ube and Basuraman I think had Halo-halo (para daw andun na lahat).

  • Bilar Manmade Forest
  • Baclayon Church and Museum
Inside Baclayon Church
Hindi nakalusot sa mapanuring mata ni manang. People here are still very much conservative and they strictly follow dress codes inside the church.
I tried to hide my plunging neckline with my curls kaso nakita ni manang yung likuran. Binalutan niya tuloy ako ng parpol na cloth.


Taking of pictures inside the Baclayon Museum is not allowed. Everything is so old and fragile inside the museum.
  • Blood Compact Site
Before going to the shrine Ms. Karen asked us if we already wanted to buy "pasalubong". We agreed and went to this souvenir shop na nakalimutan ko na ang pangalan. we were given discount coupons. they have everything there. different souvenirs like clothings, keychains, accessories, ref magnets, bag, etc. Native delicacies like ube jam, bohol's peanut kisses, ube and cheese bar, etc. sa sobrang tagal namin sa shop e napagsarhan na pala kami nung shrine. baka daw may date yung nagbabantay kasi ang aga nagsara. kaya kinuhanan na lang ni Basuraman yung shrine.

according again to Ms. Karen this wasn't even the exact place where the blood compact took place. maganda daw kasi ang scenery kaya jan siya nilagay.



After the Bohol Countryside Tour Ms. Karen and Kuya Tony dropped us in our resort.


Our experience with bad customer service continues here.....

hindi pala kakayanin ng minsanan. it's already past 1AM here and may pasok pako bukas i mean later. yup saturday and may pasok ako! anakngteteng. gustuhin ko mang mag-emote maghapon sa aking kwarto dahil homesick ako e kailangang magbanat ng buto para may panggala ulit sa susunod na bakasyon hehe. So there goes Sikoletlover and Basuraman's Bohol Escapade Part 1 ^_^

to my number 1 fan >>>>> promise gagawin ko yung next part mimiya paguwi ko. antok na talaga ako e.

Tuesday, January 11, 2011

overbooked

gusto kong patulan kanina yung offer ng Delta na 600 dollars (Delta) cash plus hotel accommodation (in Manila Hotel) kapag pumayag kang bumiyahe kinabukasan dahil overbooked ang flight DL172 kanina. e di sana sabay kaming kumain ng longganisang calumpit ni basuraman for dinner.

i just fuckin' hate what i'm feeling right now....