******
Nung tinanong ako ni Madam kung gusto ko daw bang i-avail yung tour package na ino-offer sa kanya ng isang travel agency ay tinanong ko muna kung saan. Sa Noto. Never heard that place before. Ayon sa travel agency, yung tour package ay parte ng tourism project ng Noto para ipromote ang lugar nila. E kasi naman pag sinabi mong pasyal sa Japan ang una kagad na naiisip ng tao e Tokyo, Kyoto, Osaka, etc.
For 23,000 Japanese Yen included na ang:
- airfare (Haneda-Noto roundtrip) via ANA
- hotel accommodation for 1 night
- all meals (except for breakfast in day 1 and dinner in day 2)
- guided tour (bus) with English-speaking guide
- fees sa places na may bayad ang pagpasok.
At walang paliguy-ligoy ay inavail kagad namin ang tour package. Sa tingin kasi namin mura na siya sa presyo niya and excited ako kung ano yung makikita ko sa Noto.
According to Wikipedia:
Noto Peninsula (能登半島, Noto-hantō) is a peninsula that projects north into the Sea of Japan from the coast of Ishikawa Prefecture in central Honshū, the main island of Japan.
Image from Wikipedia |
Day 1 (April 16, 2016 Saturday)
We reached Haneda Airport an hour before our 8:55AM flight. Actually less than an hour na lang pala kasi kinda nalate kami sa pagsakay ng bus from Shin Yokohama. We were supposed to eat breakfast muna kaso naman wala kami matipuhan kaya kahahanap di namin namalayan we only have 20 minutes before boarding time. Takbo kami niyan sa Starbucks and nag-take-away na lang coffee and sandwich.
Carry boom boom lang kahit hindi kami magkatabi ni Madam tutal e 1 hour lang naman ang travel time from Tokyo to Noto. Ang kaso pagpasok namin ng boarding gate e magsha-shuttle bus pa pala kami papunta sa plane. Nagbibiruan pa kami ni Madam na bus lang pala sasakyan namin papuntang Noto. I know ang korni. E kasi naman anlayo. Parang nasa dulo ng walang hanggan.
Akala ko pagdilat ko nasa Noto na kami. Charot! |
At dahil nasa aisle side ako e pilit na pilit pa yung kuha ko nung pakpak nung eroplano nung malapit na kaming lumapag. Ako na lang sana yung nasa window side tutal e natulog lang naman yung 2 kong katabi.
Welcome to Noto Airport!
Staff from the tour package |
Si Lola Tour Guide. After ni Lola magkuwento ita-translate naman ni Kuya Interpreter. |
From airport derecho na kami sa aming first stop: ang Matsunami Sake Brewery, where we did some sake tasting. Kinda nagworry pa nga ako kasi hindi pa kami nagla-lunch tapos titira na kagad kami ng sake. As if naman ganun kadami ang iinuming sake. Tomador lang haha!
Kwento time! Siya si Kuya Interpreter (R). |
Siyempre yung tinikman ko yung pinaka-mahal. Panalo! So kinda nasaktan ang sikmura ko ng slight kaya hindi ko na tinikman lahat. Panalo rin yung mga fruit-based na sake. After ng tour sa brewery, dumerecho na kami sa shop nila. Wala naman talaga kaming plano bumili kaso may sake kasi silang pinatikim samin. Yung Kaki sake. Kaki is the Japanese term for persimmon. Ayun tinamaan ng magaling. Ang sarap! Kaya napabili kami.
Madam: Ito na lang ba yung papasalubong natin sa asawa ng boss natin?
Ako: Hindi no! Sa atin kaya yan.
*at sabay humalakhak ang dalawang lasenggera*
Mitsukejima Island
On the way sa Mitsukejima Island ay may mga landmarks/tourist spots kaming nadaanan na dinaanan lang namin literally meaning hindi na kami bumaba. Tinignan na lang namin from the bus.
Kinda cloudy that day kaya malungkot ang shots ko. Madilim. Pero buti kahit cloudy hindi naman umulan. Thank you Lord!
Mitsukejima Island |
The bell na hindi ko alam ang ibig sabihin kapag binatingting mo siya. |
Gusto ko sana pumunta sa dulo ng daanang bato papunta dun sa island kaso naman inandaran ako ng kapraningan at takot. Kakapanood ng mga pelikula. Alam mo yung pano kung habang nasa kalagitnaan ako ng daan biglang tumaas ang tubig. O di kaya may lumabas na monster.
Lunch at Suzu Beach Hotel
After Mitsukejima derecho kami ng Suzu Beach Hotel for our lunch. Provided by the tour.
My Noto Beef Bowl |
Suzumisaki
After lunch nagpunta kami sa Suzumisaki, one of Japan's top three power spots. Nalaman ko lang ang tungkol sa power spots nung nakapanood ako ng isang Japanese drama series. Pero sabi ng Japanese friend namin e sobrang popular daw nila. As in pinupuntahan ng mga tao para makasagap ng energy. Parang ganun.
Medyo umaliwalas na ang panahon kaya kitang-kita yung ganda ng view. Sobrang relaxing tapos isama mo pa yung hangin na nagmumula sa karagatan. Panalo para sa pre-nup, gawa ng music video, mga ganyan.
Nalerkey mey ng slight nung nagpakuha ako ng picture sa spot na ito kasi medyo mahangin so meron siyang uga effect.
Okunuto Enden (Salt Farm)
Hindi na nagtranslate si kuya nating interpreter sa place na ito. Siguro kasi may English naman na nakasulat sa mga signage. Pero sobrang nakakatuwa yung staff na nag-eexplain (in Japanese) in a sense na feeling ko naiintindihan ko siya kahit hindi.
According to uncle wikipedia, Noto is the only region in Japan to still produce salt using the Agehama method of salt manufacture, where sea water is brought up in buckets from the ocean to salt fields. Kids palaging tandaan, knowledge is power!
Anlakas ni lolo. Sinubukan ko siyang buhatin after the tour. Ayun gumalaw lang yung tubig sa bucket. |
Medyo in the process of pagluluto pa yung asin. Hindi naman siya sobrang kumukulo kaya pede daw i-dip yung daliri para matikman. E di siyempre hindi tayo papahuli mga kapuso. Naki-dip ako niyan. Pero mainit talaga. Ayun e di siyempre maalat.
At bago pumunta sa susunod na destinasyon.....soft cream muna! Ang soft cream na medyo na maalat. Pero masarap!
Tarumizu Falls
Diko malaman kung bakit siya naging attraction. Binigyan kami ng chance na bumaba ng bus para makita siya. Nothing spectacular honestly kasi anliit tapos andumi pa nung paligid with matching malansa na hangin.
Shiroyane Senmaida (Thousand Rice Paddies)
Sa wakas nakita ko na ang rice terraces ng Banawe. Charot!
Pero sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang rice terraces ng Banawe. Kawawa me. Anyways, ang scenic lang ng lugar kasi tabing dagat. Tapos pa-sunset na nung nakarating kami dito. At bilang pagoda na ang mga matatanda e hindi na kami bumaba para tignan ng malapitan ang mga rice paddies.
On the way sa aming hotel na tutuluyan, marami pang kinuwento at tinuro na tourist attractions si ate nating tour guide. Medyo umaliwalas na ang panahon kaya nakita namin yung sinasabi nilang 7 islands.
Nawa'y ma-sightung niyo ang 7 islands |
At pagkatapos ng maghapong tour ay dinala na kami sa aming hotel. Japanese style ang rooms kasi wala naman kaming ibang choice hehe.
Ako: Paano kaya kung biglang magka-tsunami....
Madam: Huwag ka nga!
After dinner pumunta pako sa Taiko/Drum Performance sa basement ng hotel. Hindi na kinaya ni Madam ang pagod kaya kahit mag-isa go lang mey. Sayang naman ang chance di ba mga ka-pamilya. Kudos sa drummer na mula simula hanggang huli ay hindi tumigil sa pagtambol. As in! Like, robot ka ba kuya?
At diyan nagtatapos ang aming unang araw sa Noto. Bow.
Yung day 2 after 2 years na ulit. Weyheyheyhey.....