Pages

Friday, August 2, 2024

Ang Pagbabalik....After 5 years!!!

Five fraking years. Oo fraking talaga yung nakasulat hindi freaking. Naisipan ko silipin ang aking blogger account at ito na nga ang tumabad. Meron akong naka-draft na post dating Aug 2019. Kaya fraking 5 years talaga.

Anyways, dahil hindi ako nagsasayang ng posts kaya ipa-publish ko pa rin ang last post na ginawa ko. Nakapanganak naman ako ng matiwasay kahit hindi ko na na-update hanggang sa huli ang aking 2nd pregnancy journey. I gave birth at 36 weeks. I was scheduled to have my elective CS on September 11, 2019 but my water broke on the afternoon of September 4, 2019. Buti na lang kasama ko sa bahay ang nanay at tatay ko during that time. Nasa trabaho kasi si Basuraman. Naiwan si Miko sa tatay ko at isinama ko nanay ko papunta sa WCH na mas kabadong-kabado pa sa akin Naalala ko pa nag-Uber kami ng nanay ko papunta hospital at nagulat pa siya na hindi ako nagbayad pagbaba hehe. Kapag sinipag ulit ako I might start posting again in this blog. Adios!


----------------------------------------------------------------------------------------


Week 33: Pineapple (Aug 14, 2019)

 Sabi nila kapag daw nagkaroon ng sudden change sa paggalaw ni bibi sa tyan mo e itawag kagad sa women's assessment service ng WCH. Eto na nga. Isang morning hindi pa gumagalaw si Pippa. Meron na kasi siyang routine ngayon. Usually kasi mga 6AM malikot na ang bata. Tumbling galore lang ang peg. Minsan siya na ang gumigising sa akin. Pero ayun na nga isang umaga nagising na ako at lahat hindi pa gumagalaw ang Pippa. So nag-worry na ako niyan mga Mumshies. Kapag kako hindi pa siya gumalaw by 7:15 AM e tatawag nako sa hospital. Ayun gumalaw naman bago ako bumangon. Around 7AM. Sabi ni Basuraman baka daw napuyat lang. Nakakatakot din kasi ang hirap tantyahin kung kelan masasabi na delikado na yung pag-iba ng pattern of movements niya. Pero sabi nga nila mararamdaman mo daw yun. Pero may mga mummies kasi na nawawalan ng babies kasi hindi nila na-ikonsulta yung ganitong bagay. Tapos kahit second pregnancy ko na ito e first time kong umabot ng ganito katagal na buntis dahil at 30 weeks ipinangank ko na si Miko noon.

Busy sa  trabaho kasi bago ako mag-maternity leave next month e may isang project na nasimulan. Tapos lilipat pa kami ng bahay. Actually unti-unti na kaming nagliligpit at naglilipat ng mga gamit. Kilala namin kasi yung may-ari ng bahay na lilipatan namin kaya pumayag sila na pede na maglipat ng gamit. Kaka-stress mga Mumshies ang kalat. Minsan ipinipikit ko na lang ang aking mga mata para hindi ko makita ang mga kalat. Hindi rin naman ako makatulong ng bongga kasi marami-rami na rin akong nararamdaman at baka mapaanak ako ng wala sa oras. Kay Miko kasi noon naglinis ako ng bongga ng bahay tapos days after ayun na bigla ako nanganak. Siyempre  ayaw natin maulit yung nangyari sakin sa una kong pregnancy.