Pages

Wednesday, April 29, 2009

tantanan mo ko edward! anubeh!

umiibang level ka na ha impernessss...hanggang dito ba naman e minumulto mo pa rin ako....

when i thought i already got over you e eto ang dvd sa aking maleta nagpupumiglas at sumisigaw na panoorin ko sha. kung di lang ako inaantok papanoorin ko pa yung featured scenes dun sa isang disk! asus....

di pa naman ako mashado sinasaniban. wala pa yung drive para mag-install ulit ng pdf reader sa psp ko at icopy ang mga ebooks para magbasa ulit....

noooooooooooooooo!

Tuesday, April 28, 2009

bishi

parang nakainom ng cobra energy drink ang aking oras...ambilis!

bukas nako magpopost ng matinong entry. kung di man bukas baka sa makalawa....or pwedeng pagkatapos ng makalawa...next neks nek dei?....

Thursday, April 23, 2009

yelo

this past few days e may mga kamalasan na nangyari sa akin....

-nagbara yung inodoro pagkatapos kong tum@3
-nabutas yung pants ko
-natanggalan ng isang tahi yung hook ng pants ko
-bigla ako nagt@3 kanina
-nabakbak yung isa kong sandals (palibhasa ngayon ko lang nasuot ulit)
-sobrang lakas ng hangin kaninang pauwi na akala ko winter na naman

pero sa kabila ng lahat na ito e nagpapasalamat pa rin ako dahil:

-sa wakas pagkatapos ng ilang araw e n@t@3 din ako. at kinabukasan din e bigla na lang maayos na yung inodoro. ang teorya ng kasama ko e dahil sa ulan.
-napilitan akong manahi kaya sa wakas yung dapat kong tahiin e natahi ko na rin
-nung mga panahon na nagt@t@3 ako e walang tumawag ng meeting
-madidispatsa ko na ang hayup na sandals. muntik na akong malumpo dahil sa kanya
-mejo makapal yung blazer ko kanina buti na lang. hde ako super nilamig. sobrang nilamig lang hehe

Count your blessings! (^O^)

Wednesday, April 22, 2009

uma

mawalan nako ng makakain wag lang magbabarado ang kubetaaaaa! salamat kay Lord at naayos na sha kaninang umaga. i thought bibili ako ng pambomba kanina sa hyakuen shop while in my office attire. dyahe!

im blessed inspite of the recession thing na kumakain sa world economy ngayon. and I'm thanking God for that. Ayokong magreklamo. Kumbaga sa design yung nangyayari sakin ngayon ay isang "trade-off" sa pagpili ko sa paglabas sa aking comfort zone. shempre kakayanin ko itetch. ako peh!

bakit nga ba uma ang title ng entry ko. ako kasi ang speaker kanina sa morning meeting namin. shempre nihongo. si uma (stuffed toy na kabayo) ang marker kung sino na ang speaker. para shang nakatitig ng nakatitig sakin. basta ayaw ko sa kanya...

nilalaman ng short speech ko kanina:

mahilig ako sa aso.
may aso ako sa pinas.
ang pangalan niya ay cholo.
ang lahi ni cholo ay chowchow.
magta-tatlong taon sha sa June.
Bow.

(parang may kamukhang tula noh? hehehe promise yang yan ang sinabi ko. nakanihongo lang hehehe)

malamig....basa....ulan....

been raining the whole day....

12.28 AM na hde pa rin ako natutulog....

date today: april 21. april 13 ang bday ng tatay ko. binati ko sha thru email kanina lang....hay

"kung hde ka man umuwi ng pinas dahil sa recession e baka mapauwi ka dahil sa depression..."

ayus nag-rhyme pa...

ang boring ng buhay kung walang problema. ang buhay ko ay punung-puno ng excitement....

Monday, April 20, 2009

para sa mahal ko

while typing this entry i'm watching the news in the philippines aired yesterday. salamat sa pinoychannel.tv and pinaychannel. paki-sagot ang aking mga katanungan kung alam mo....

1. Regarding Ted Failon's case: i saw in interviews that even the relatives of Ted Failon's wife were saying that the woman was really suicidal (even their daughter agreed with the suicide chenes). So sino nagreklamo na baka may foul play? di ba ganun yun? tsaka i think there's something scandalous in the family kaya parang ayaw ibigay lahat ni Failon ang info. yun lang. bow.

2. magkano kaya ang binayad na ransom para palayain ang red cross volunteer na na-hostage? wag magdeny...aminin! ang chorva ha impernesss. una sabi naiwan daw si red cross volunteer. tas ngayon pinawalan daw sha. anubeh. be consistent sana....

3. may pera bang nakukuha kapag nakapasok ka sa guiness book of world records? magkano? 1 milyon petot?

while eating dinner [sopas na niluto ni ate dolly(sarap ng bigay), tira-tirang sinigang, masarap na japonese rice at inihaw na kalabasa] e nanood kami ng live video streaming ng channel 7. kasalukuyang palabas ang "hole in the wall". hektwali dito nag-originate yang laro na yan. mas challenging kung kumukulo yung tubig na babagsakan o di kaya e nagyeyelo sa lamig hehe. ganyan dito e. anyway sana hde na lang yung character na si angelina ang ginawang host. kasi kids could be watching the show. yung time slot kasi yun yung tipong nasa bahay na ang mga bata at nanonood ng tv unlike yung bubble gang dis-oras na ng gabi kung ipalabas. ang bad kasi ni angelina. for sure marami ng bata ngayon na tinatawag ang kanilang mga yaya na losers or whatever. bad sha promise.

++++++

ang cheesy ba ng title? korni naman talaga ako. i'm blogging again dahil sa number one fan ko. my number one who never fails to make me smile and make me cry.

haylabyu!

Thursday, April 16, 2009

homesick

ikaw na ba yan?

anong naisip mo at bigla kang nagparamdam?

ngayon alam ko na kung bakit ka naging salot sa buhay ng taong katulad ko....

bagong bayani

ang buhay ofw ay hindi biro...

promise...

kung ganun lang kadali umuwi ng pinas e ngayon din uuwi ako sasaksakin ko yung nagsasabi na mayaman na ako at ang sarap ng buhay dito...

Friday, April 10, 2009

blog is bloggier the 4th time around

hello mike test hello....

good evening philippines...

konbanwa nippon...

++++++

the first quarter of year 2009 has been a roller coaster ride for me. amidst the global crisis an opportunity came which i grabbed. you know taking the risk just to get out of the friggin' company. something happened between me and my supervisor which really pushed me to resign. i was nervously waiting for something until everything went fast and now i am here. ganun kabilis O_O

God has a plan for me and i am surrendering everything to Him....

++++++

this time i won't wish or hope that i would be blogging on this site forever. the last time i wished for it boom! i am here in blogspot.

crazy world
crazy people
crazy me......