a repost from my multiply blog account. paalam..... |
"uwi akong bahay. sinugod si papa."
nagreply ako sa kanya na mag-ingat siya at sana'y nasa mabuting kalagayan na si papa pagdating niya ng bulacan. confident ako na malalagpasan pa ni papa ito. ilang beses na rin siyang isinugod sa taong ito at nakarecover naman siya kagad. masaya pa kaming kumakain ng OT meal kanina. hde ko inaasahan ang mababasa kong SMS...
"wala na ang papa ko."
hde ko alam kung paano ako magre-react. bigla na lang tumulo ang luha ko. wala akong kwentang nobya pagdating sa mga ganitong bagay. kung katangahan man yung ganun e inaamin kong tanga ako. siraulo talaga ako. kasama pa namin siya nung linggo. hde ko na nakuhang mag-OT. nagpaalam ako sa boss ko habang humihikbi at sinabing magli-leave bukas. uuwi ako ng bulacan. kailangan ako ni cy....
umiiyak ako para sayo dahil kung gaano ako ka-emosyonal sobrang hirap mo naman magpakita ng emosyon. nung tumawag ako naramdaman ko na yung sakit sa boses mo kahit sabihin mong ok ka lang.
para sa tatay ng kasintahan ko....
ingat po kayo sa byahe. sayang di niyo na masasasaksihan ang kasal namin ni cy. di niyo na rin makikitang tumakbo ang mga apo niyo sa amin. di bale malakas naman po ang signal jan sa taas. walang obstruction at hde kelangan ng monthly fee or internet connection para masaksihan niyong lahat ang magiging pangyayari sa buhay namin. madalang kayong ngumiti ngunit nagpapasalamat ako sa mga panahon na binigyan niyo ako ng oportunidad na masilayan ang inyong ngiti. siguro po ngayon alam niyo na kung gaano kayo kamahal ni cy. ikumusta niyo na lamang po sa aking lolo ama at lola ina.
P.S. bawasan niyo napo ang pagmumura. baka mapagalitan kayo ni Papa Jesus....
++++++
2 years...
and yet every time i visit your grave i always cry as if you just left us yesterday. as i type this entry i am on the verge of crying...
i always cry maybe because i feel guilty with the way i acted at your funeral. but i know you understood my situation.
i always cry maybe because i just miss you.
basuraman misses you.
nanay misses you.
ate and kuya miss you.
2 years...
you are always remembered papsy...
5 comments:
we "always" remember the people we love no matter how many years have passed. i lost my grandma this year and i think it hasn't sunk in that she's gone. i keep thinking she's still here.
i hate reading that multiply post kasi whenever or wherever i am basta nabasa ko to umiiyak ako, mind you "umiiyak" hindi naiiyak.
I grew up without him. He was an OFW for a very long time. During my college days we became closer and closer. He seldom smiles so i treasure every moment he smiles and laughs with me.
Namimis ko macyado ang papa ko. ang pag-upo nya sa kabisera ng hapag kainan. Ang pag-iinisan nila ng nanay. Ang amoy ng kape sa pag gising ko sa umaga. Ang pagkukwento nya ng kanyang adventures sa KSA. Ang pagmumura nya sa mg politiko. Ang pagiging critic nya sa lahat ng tele novela pero pinapanood naman nya lahat. Ang walang humpay na pagtira nya sa mga commercial kasi false advertisement daw. Ang pag-inom nya ng kape sa harap ng bahay habang hinihintay kami na makauwi. Naparaming bagay ang naalala ko. Miss na miss na namin cya.
Laging sinasabi ng Nanay na "ang Papa nyo nagpunta lang sa trabaho e di na umuwi"... i know thats her way of masking her loneliness. Alam namin masaya ka na kung nasan ka man. We have no regrets because we know you were happy when you were still with us.
To my Papa,
We know you have reached your goal of securing our futures. You have done your part and its time we do ours. Don't worry about Nanay, kami na ang bahala sa kanya and we promise hinding hindi namin siya papabayaan.
the thing is.. you have happy moments. :)
*hugs* for basuraman and lalyn
This post made me remember my grandfather and grandmother na hindi ko man nakasama ng matagal ay nami-miss ko rin.
Miss na miss na sila ng aking mom and dad.
Awww... sicolet-chan! mahirap talagang limutin ang mga mahal natin sa buhay na wala na dito sa lupa.
Post a Comment