Pages

Monday, November 29, 2010

Autumn at Takao-san (Part 2)

oh well oh well dahil tataas na ang presyo ng pandesal at kakanin sa pilipinas eto na ang part2 ng Autumn at Takao-san....








gusto ko sanang makipila. baka sakaling tumama ako sa lotto sa pinas kapag sumuot ako sa butas na yun. kaso mahirap na. baka hindi ako magkasya at bigla ma-trap. may pasok pa naman ako kinabukasan.



i love this tree!
Yaku-ou-in temple
kainan na!
kabilin-bilinan ni mommy joy na yung black and white ang ipost sa facebook kasi nakakahiya daw. yung pinagmamalaking tent ni kuya kim e sako lang pala :P


this is it! kadaming tao....
buti na lang pagdating namin sa Yaku-ou-in temple nagdecided na kami kumain. kung nagkataon saan pa kami sisiksik sa dami ng tao. nakakatakot pa mandin magalit ang mga taong gutom.

ice cream muna :)
sa totoo lang ang init sa taas. mas maginaw pa sa baba. ang teorya namin e mas malapit na kasi kami sa araw bwahahahaha

supposedly mt. fuji can be seen at this spot. unfortunately we didn't find it.
hektwali hindi naman na ako intereresado kay mt. fuji kasi kita ko naman siya from our office(6th floor) basta maganda ang panahon ^_^












time to go down
dahil mashadong fit ang mga katawan namin para sa ganitong akyatan at lakaran e napagkasunduan na mag-chairlift ulit pababa. marami ng sumasakit sa katawan namin (lalo na ang mga tuhod ng thundercats). palibhasa malulusog na nga wala pa exercise sa katawan. go with the flow of the crowd na naman kami.

lecheng sign hde nakatulong


pagkanganaman sinuswerte hindi namin namalayan na yung TRAIL #6 na pala yung tinatahak namin. umaatikabongbongbong 3.3km. ok lang naman yung haba kaso hindi naman patag yung trail at hindi kami prepared. naka-set na ang aming minds na magche-chairlift kami. with matching matutulis na bato-bato at magkabilaang bangin ang drama ng trail na itey. ang pinakamasaklap e ang dulo nito e yung starting point. meaning hindi na dadaan sa esteyshen ng chairlift! jusmio marimar! gusto naming umiyak at maglupasay! ng makita namin na may malapit na toilet doon na namin napagtanto na nasa kalagitnaan na kami. no choice kundi magpatuloy. napakasakit kuya eddie!!!!

idaan na lang sa pektyur-pektyur


may umiihi...

tingin sa kaliwa: bangin
tingin sa kanan: bangin



katatapos ko lang umano dito LOL




konti na lang....


masaya na kami ulit kasi nakikita na namin ang baba. yey!





sa sobrang pagod namin kumain na lang kami sa labas for dinner. at pagkadating na pagkadating sa bahay nakatulog nako. 7pm. as in wala ng tutbras-tutbras or hilamos. pagpasok sa office kinabukasan di kami makalakad ng maayos. para kaming dumaan lahat sa hazing.

we were tired but we had fun. babalik ulit ako dito. kasama ko na si basuraman nun ^_^

Friday, November 26, 2010

Autumn at Takao-san (Part1)


sa pagpapatuloy...

bitbit ang baon naming onigiri umakyat kami ng bundok tralala noong nakaraang linggo. joke. hindi sa tralala kundi sa Takao-san (Mt. Takao). Hindi ito yung akyat na tipong hard-core climbing. tamang akyat. tamang pasyal. tamang pag-appreciate sa uber gandang view. at ang hindi mawawala tamang picture-picture ^o^

Isang maiksing description ng Mt. Takao...

"Mount Takao (高尾山 takaosan) is a mountain in the city of Hachioji, Tokyo, Japan. It is protected within Meiji no Mori Takao Quasi-National Park.
Standing 599 metres (1,965 ft) tall and located within an hour of downtown Tokyo, it is a popular hiking spot, with eight hiking courses and more than 2.5 million annual visitors...."
(source)

let the pictures do some of the talking ^_^


parang field trip ^_^

@takaosan-guchi esteyshen
ginkgo tree
kunwari marunong magbasa ng mapa na naka-japanese ^_^
dahil hindi namin alam kung saan magsisimula ginawa namin ang pinakamdaling paraan kung paano makakarating sa tuktok ni Takao-san.....go with the flow of the madlang pipol!

We decided to take Trail 1 but will be using the chairlift to reach sanjo esteyshen.

daboys. habang naghihintay sa pila
coverboi kuya kim
naiinis ako kay kuya kim. kasi nakuhanan ko sha ng maganda. gusto ko rin kasi ng ganyang pic. naiinggit lang haha. diko na inedit yung mga pics kaya yung iba merong mga sabit. pasensha napow ^_^?

sa ngalan ng picture. di baleng tumagilid...


my first chairlift experience! nakakalerky kasi walang harang or tali yung upuan. tapos sakto lang sa wetpaks yung upuan. since naka-tights ako mejo dumudulas-dulas pako. jusmio marimar. masarap na nakakatakot. bangin na kasi ang babagsakan mo kapag lumagpas ka dun sa lubid.

tignan ang kapit ng kamay ni kuya mylo sa upuan XD

@takaosan sta.


octopus sa bundok???
may kwento yang pugita na yan. ang main attraction talaga e yung katabi niyang puno na tinatawag nilang "tako-sugi/octopus tree/octopus cedar" dahil sa mga ugat nito na na-curl na parang tentacles ng pugita. sorry nakalimutan kong kuhanan ng picture yung puno :P ask niyo na lang si ms. bing :D

@Joshin gate


pumopose kasama ng cedar tree


yun lang. tapos na ^_^ nyowk. tinatamad na ako e. sa part 2 na yung iba.

hanggang sa muli! paalam!