Discrimination. Bonenkai 1
So we had our group's bonenkai last Wednesday. We had dinner at this place where we had our "Uchiage" party (party after finishing a project). Shempre tabehodai (eat-all-you-can). Kasama namin si Leader na magaling mag-nihonggo at siya ang tumawag sa resto para sa reservation. We had our reservation at 6pm. Upon reaching the place we're kinda surprised by the not-so-warm welcome that the staff showed us. Very unlikely for Japanese.
While waiting for our orders Leader told us something. At ito ang nakapagpawalang-gana saming lahat. Tumawag ang resto nung afternoon to ask kung malakas daw ba kaming kumain. Like "duh????". They shouldn't have offered a tabehodai service if they can't afford. nagkaroon daw kasi ng incident na may foreigners na kumain dun at naubos daw yung stocks nila. hindi na nabanggit kung anong lahi. kaya mejo cautious na daw sila sa pagtanggap ng foreigners na customers.
at lalong nawalan kami ng gana kasi inaabot ng 1000 years bago dumating yung orders. pakiramdam namin sinasadya nila. meron lang kaming 2 hours para lumamon. so kung tatagalan nga naman nila ang pagseserve e di konti lang makakain namin. kaya ekis na sila.
hindi nako nakakuha ng mga litrato sapagkat naiwan ko ang memory card (na naman) ng aking cam pati na rin ang aking nyelpown. galing ko talaga.
Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part A
December 17, 2010. Bonenkai naman ng company. at hindi totoo na libre lahat kapag bonenkai ng company. nagbayad kaya kami. anyhoo first time naming umattend dahil last year e nasa pinas na kami nung dinaos ang companybonenkai. sulit naman dahil sobrang nag-enjoy kami.
tables. liqours. foods. but no chairs. ganyan ang setup nung party. advantage na rin samin para derecho kagad sa talampakan ang kinakain. at dahil kami ay mga dakilang KUMPU kids (KUMPUmulutan parang nasa picnic lang) madaling naubos ang pagkain sa aming hapag kumapara sa mga inumin. aba'y kailangang sulitin ang binayad!
minna-san konbanwa! (magandang gabi ebribadeh!) watashi o-namae wa マリア desu. (My name is *****.) Thank you for havin' us here. Enjoy the night.
panauhing pandangal??? hello???? ang engot lang. yan yung sinabi ko. wala na kasi akong maisip na matino. nagsisimula na kasing umikot ang paligid ko nung ako na yung magsasalita.
meron ng lasing kaya orange juice na ang tinitira. |
pampainit ^o^ tanpo yata ang tawag dito. |
Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part B
Karaniwan na dito na after ng party e merong 2nd party. usually umaatikabong kantahan sa karaoke. on the way na kami sa aming suking karaoke station ng biglang nayaya si bossing ng ibang group for another session ng inuman for second party. since kasama kami ni bossing at dahil mabait kami go go go na lang.
the crazy Harada-san |
bossing is second from right |
sino ang tuwang-tuwa? |
edamame (green beans) |
skewered things ^_^ forgot the name |
pren prays! |
lasang fishball |
since nomihodai(drink-all-you-can) toma lang ng toma. Kanpai!
Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part C
It was already 12mn when we decided to go home. tama na sobra na bibigay na ang aming katawang lupa. punta na kami sa train station para habulin ang last trip. BUT WAIT! THERE'S MORE! si bossing nagyaya naman mag-karaoke. nanangkupo. ituloy daw yung naudlot na plano. sabi namin next time na lang kaso mapilit talaga. kung hindi lang siya mabait hindi siguro namin pagbibigyan. jusmio marimar. umabot kami ng 3rd party @_@
Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part D
Oo may Part D pa. joke. pero muntik na. after an hour umuwi na kami. final answer. magtataxi na sana kami ni mommy joy kaso ang haba ng pila kaya sumabay na lang kami dun sa 2 na naka-bike. at naloka kami ng bonggang-bongga dahil nakita namin si bossing na bumabalik! mag-ramen daw kami. during that time tumanggi na kami ng totoong-totoo dahil kung papayag pa kami e malamang hintayin na lang namin ni ate joy yung first trip ng train. at sabi ko nga baka isuka ko na yung kakainin ko if ever. pumayag naman si bossing and next time na lang daw pero kita mo ang lungkot sa kanyang kaliwang mata...awwww...LOL
nakauwi na kami ng bahay: 2am.
kinbukasan: nagtatae ako
pramis. hindi napo ako uulit....
7 comments:
aaahhh... yun pala ang bonenkai...
hehe, akala ko bone ni kakay yun, pinaiksi mo lang :)
pasaway yung sa unang part. grabe lang... talagang sabihin kung malakas kumain ang guests? a big no-no sa service industry ang ganun
wow! ayun lang! hahaha enwei, saya naman ng party nyo. :)
emoteramuch.blogspot.com
Lokong tabehodai iyon a, nananadya! Kung ako nanjan, ibabalibag ko na iyong mga platito kasi masama akong pinaghihintay na gutom! RAAAAWWWWWRRRRRR!!!
Ano beh! bat kailangan itanong kung malakas kumain. E dapat lagi sila handa at maraming stocks. Mawawalan sila ng customers pag ganyan.
@MD - e sino naman si kakay?
@khanto - nakakadismaya. gusto na nga namin magwalkout kaso nakapagbayad na.
@emotera - salamat sa pagdaan at pagkumento
@michael - ang puso mo! haha
@anney - front lang yata nila yung tabehodai para maraming pumasok na customers.
Grabe lang yung sa tabehodai!!!!! Nakakainis. Hindi naman lahat ng foreigners malalakas kumain! Tsura nila ha.
Pero okay yung meaning ng forget-the-year party. Yun naman talaga dapat. Alisin ang nega vibes.
Post a Comment