Noong nakaraang Linggo ika-sampu ng Abril 2011 ay nagtungo kami sa
Shinjuku Gyoen Garden upang masilayan ang mga namumukadkad at naggagandahang
cherry blossoms o
sakura. Ang nasabing aktibidad ay tinatawag dito na
Hanami. Hanami is one of the most popular events of Spring in Japan. Crowds of people - families, groups of friends, and groups from companies sit under the fully open cherry blossoms, usually on plastic tarps, and have a picnic celebration. The picnic fare consists of a wide variety of foods, snack foods, and sake (rice wine) or other drinks.Ito ang unang beses na nakapag-hanami ako. Sa kabila ng krisis na nangyayari ngayon sa bansang Hapon e hindi na namin pinalampas ang pagkakataong ito para mag-hanami. Mahirap na baka wala ng kasunod. Sa unang pagkakataon ay nakumpleto kami ngunit sa kasamaang palad ay ito na rin ang huli. Nagresign na kasi ang isa naming kasamahan sa trabaho at sa katapusan ng buwang ito ay pupunta na sha sa kung saang lupalop man sha dapat pumunta. Sikretwu itwu :P Nagkukuripot pa ang lolo at ni singkong duling ayaw gumasta para sa kanyang farewell party. Anyhoo...
Paborito ko ang panahon ng tagsibol dahil sa ito lamang ang panahon na lumalabas ang mga sakura. Yung larawan na nasa header ko ay isa mga kuha ko nung linggo. Ang ganda nila no? Feel na feel ko kapag humahangin kasi nagbabagsakan ang mga talulot ng mga sakura. Parang nasa isang Korean teleserye lang ^_^ Actually yung dati kong background pic ay larawan din ng mga sakura. pero that was last year. Anyway nais ko mang maglagay ng maraming pektyurs e binigyan na naman ako ng reminder na lagpas na ako sa limit at kung gusto ko daw ng mas malaking espasyo e magbayad daw ako. Kahit tamad ako e nakuha kong magresize ng pics makapaglagay lang ng kahit konti. Kung magkaibigan tayo sa pesbuk e tignan mo na lamang ang aking album na Hanami 2011. Happy viewing ^_^
|
Sendagaya Gate of Shinjuku Gyoen Garden |
|
Gutom na kami |
|
all-white sakura ^_^ |
|
my pinakamatinong pic (^_^)v |
|
sakura petals on the ground |
|
white magnolia - nakita ko lang sa gilid ng daan pauwi ^_^ |
Flash Report
*Ginulantang na naman kami ng isang malakas na paglindol nung 1st monthsary ng March 11 earthquake. Lunes. April 11. past 5pm. Akalain niyo bang nasa inidoro ako ng mga panahon na yun. Nung naramdaman kong hindi na guni-guni yung pag-uga na nararamdaman ko e biglang umurong ang dapat umurong, pinunasan ko kagad ang dapat punasan at dali-dali akong nagbihis ng aking pants sabay karipas ng takbo papunta sa aking upuan. isolated area kasi ang comfort rooms namin meaning kailangan mong magswipe ng card para makalabas sa area na yun. takot ko lang na biglang mag-shutdown/maglock ang mga pintuan at ma-trap ako sa toilet area. Ewan ko ba. pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga ng mga lindol e umaariba na naman sila ngayon na para bang nakainom ng energy drink.
*Itinaas na sa Level 7 ang Nuclear Problem ng Fukushima Daiichi Plant sa rating ng
International Nuclear Event Scale (INES). The highest in the scale. Same rate that was given to the Chernobyl Nuclear Accident in 1986. Nanlumo kami lahat nung narinig namin ang balitang ito. It seems like merong tinatago ang Japanese government/TEPCO sa mga tao. Hindi namin alam.Tokyo is located 200+km from Fukushima but we're still worrying about the radiation shit because it is airborne. Malapit na ang tag-ulan and once dumating na ang summer the wind will be blowing southwards. May isang bagay na lang akong hinihintay at pag nagkataon malapit nakong mag-Hello Pilipins. Promise.
In the Lord I take refuge.
pray.pray.pray. Oyasumi!