Araw-araw pakiramdam ko Friday. Totoo pala yung sinasabi ng iba na kahit anong pagod mo mawawala sa sandaling makita mo na yung anak mo. Kapag nasa bahay ako kasama si Miko-chan hindi ko naiisip na may pasok na naman kinabukasan.
Kahapon umuwi na ang nanay ko. Tatlong buwan din siyang namalagi dito para tulungan kami ni Basuraman sa pag-aalaga kay Miko-chan. Kahapon ng gabi naman dumating nanay ni Basuraman.
Laging malinis ang apartment namin. Hobby ng nanay ko ang maglinis. Masaya siya kapag naglilinis siya. Katiting na alikabok sa lamesa e hindi niya pinapatawad. Mahilig siyang maglaba. At pag natuyo na ang labada plantsa kagad. Kaya madalas paguwi namin nakaligpit na ang mga damit. Yun nga lang pagdating ng gabi umaatake ang rayuma sa kaliwang braso niya. Taglamig pa mandin ngayon dito. Siya ang nag-aalaga kay Miko habang nasa trabaho kami ni Basuraman. Actually kahit sa madaling araw siya pa rin ang nagpapadede. Minsan nagigising ako para ipagtimpla ng gatas si Miko. Tapos nanay ko na ang bahala magpadede at magpadighay sa kanya at hahayaan na ako matulog ulit kasi may pasok pako. Kapag nakikita niya na pagod nako sa paghehele kay Miko kukunin na niya si buchichay para siya na ang magpapatulog. Ewan ko kung anong kapangyarihan ang ginagamit ng nanay ko kay Miko at kapag siya ang naghele e automatic tulog kagad ang batang mataba. Hindi magaling magluto ang nanay ko (aminado naman siya) pero lagi niya kaming pinagluluto para paguwi namin galing trabaho e may makakain kami. Basta sasabihin ko lang sa kanya kung ano ang lulutuin. Lagi niya akong pinagsasabihan na magmedyas at magpangginaw. Mula kasi ng nanganak ako lalo ako naging ginawin. Ganun daw kasi yun. Parte ng init ng katawan ng nanay napupunta daw sa anak. Huwag niyo ko tanungin kung sino nagsabi nun. Hindi ko alam. Sabi kasi ng nanay ko may namamatay sa ginaw. Pag namatay daw ako madali daw ako papalitan ni Basuraman. Oo sinabi ng nanay ko yun. Niregaluhan namin siya ng iPad nung pasko. Kasi naman ayaw na niya bitawan ang iPad ko simula ng natutunan ang pagfe-facebook. Adik na adik sa facebook. Nakukuhang mapuyat ng dahil sa facebook. Like dito like doon. Share dito share doo. Comment dito comment doon.
ano ba yung status? ano ilalagay dun?
bakit hindi pa lumalabas sa timeline ko yung pinost ko?
pano ba magpost ng pektyur?
uy may naglike kagad sa pinost ko.
uy may nag-react kagad dun sa pektyur.
pano ba babalik?
bakit walang facebook si xxxxx?
lagi na lang nagpopost si yyyyy.
thnx sa like....
Ang hilig magpapicture ng nanay ko. bago kami umalis ng bahay kapag ipapasyal ko siya tatanong muna niya kung dala ko ba yung camera. nung umulan ng niyebe nung isang lingoo siyempre kinuhanan ko siya ng picture habang tuwang-tuwa na naglalaro sa snow. may video pa. siyempre pinost niya sa facebook. Hanggang airport kinukuhanan ko siya ng picture. Gusto hanggang pagpasok niya ng immigration e kuhanan ko pa rin siya. Jusmio.
Iba kasi ang pag-aalaga ng nanay. Palagi niyang tinatanong kung kumusta ba yung sugat ko (na-CS kasi ako). Huwag masyado magbubuhat kasi kahit daw mukhang magaling na sa labas e hindi pa daw galing sa loob. Siya pa ang kukuha ng medyas kapag nilalamig na yung paa ko. Minsan pinahiran niya ng ointment yung paa ko para daw mainitan. Ayun lalo ako nilamig hehe. Siya ang nagpeprepare ng breakfast naming dalawa pag Saturday/holiday (may pasok kasi si Basuraman). Lagi daw ako mag-girdle. Ayaw nga niya na nagbibike ako kaso kailangan ko para sa pamamalengke at pagpasok sa opisina. Nilinis pa niya kuko ko sa paa bago siya umalis kasi aabutin na naman ng 100 years bago ko yun malinis. Madalas ko siyang pinapatawa. Mababaw lang naman kasi kaligayahan ng nanay ko. Sundutin mo lang sa pwet yun tatawa na.

At Diver City, Odaiba, Tokyo
At Mt. Takao
At Tokyo Disneyland
At Asakusa, Tokyo
Bike ride
With Hachiko at Shibuya Station
Dinner at Juubanya
First snow of the year in Tokyo. Naglaro ang bata!
Walang patawad! ^_^
Anak ng tae. Parang gusto ko ng umuwi ng Pinas. Tantanan mo ko homesick.
4 comments:
nakakainggit ang snow! kung ako andyan sisiguraduhin kong gugulong ako sa snow! hehe.
at ang cute ni mother dear. ganyan talaga lahat sila. hehe.
ganyan talaga ang magic ng mga nanay naten. mahirap i-explain pero ramdam na ramdam mo ung pagmamahal nila.
kakatuwa naman si mama mo haha. adik much sa fb. wagas ang pictorial session ahahaha XD
pa kurot sa pisngi buchichay!
I'm sure mamoo will miss you too. at si miko-chan. hahaha. :) see u soon sis. muah
huwag ka muna uwi..may bakbakan ang MNLF at Abu Sayaff,hehe...
Post a Comment