One beautiful saturday morning, Madam Joy and I were having our breakfast at Tully's. After I finished my heavenly pancakes everything went to a blur and wallah! I already booked a flight from Tokyo to Adelaide for our summer vacation. Watdaep right??!! Deym credit card! Alam mo yung pumunta ka sa palengke para lang bumili ng suka tapos paguwi mo meron ka ng bitbit na kabayo? As usual nadala na naman ako ng bugso ng aking damdamin. Pede rin naman ako umuwi ng pinas kaso kailangan ko pa dumaan sa POEA for the OEC and naiisip ko pa lang naiinis at napapagod nako. Tsaka gusto ko kasing takasan ang init ng summer dito sa Tokyo. Winter kasi sa Australia nun. You know, can't stand the heat. Chararararat! Repeat ng aking Isang Linggong Pag-big entry. Adelaide version naman.
As usual nasa dulo na naman ng walang hanggan ang gate ng Jetstar. Gusto mo ng mura. Ayan magdusa ka! At Narita Airport.
We ate first before boarding the plane. Nagtitipid kasi si watashi at hindi ako kumuha ng meal sa flight namin. UNAGI!!!!!
Actually from Tokyo sa Melbourne ang dating namin. Afternoon of August 9 ang departure namin from Tokyo then arrival sa Melbourne Airport ng midnight of August 10. Wala kasing direct flight ang Jetstar from Tokyo to Adelaide. And we had to attend my inaanak's christening the next day which will be held in Melbourne. Oo dumayo pa talaga ako ng binyag sa Australia. Ganyan ka-busy schedule ko. Andami bookings chahahahar! After a 10hr-flight diko malaman kung anong mangyayari sakin sa simbahan. Naalala ko kasi yung isang episode sa show ni Mr. Bean na tumumba na lang siya forward while attending church kasi antok na antok siya. Susme. Everything went fine naman and after ng binyag bumiyahe na kami papuntang Adelaide via car. Almost 8 hours din ang byahe. I was very happy to be with Basuraman again. But we both know that it would've been better kung andun din si Miko.
Most of the times e either nasa bahay lang kami or nasa city. Or nasa Woolworths. Batang Supermarket. Ewan. I just love grocery shopping. And the best thing is naiintindihan ko kung ano yung mga products kasi they are written in english. Unlike here sa Japan nakaka-frustrate madalas. Basta mukhang edible pede na. I remembered one time when we were loooking for some cooking sake. Inabot kami ng 10 years bago namin nakita. May tulong pa yun ng internet.
Pero takot pa rin ako gamitin yung coins sa Australia. Ang tanga lang. Ang hirap naman kasi kabisaduhin. Feeling turista ang gaga. Bills palagi ang pambayad.
What I like about the place where we have stayed in Adelaide is its accessibility to public transpo like the train. Wala pa naman kasi kaming car ni Basuraman kaya umaasa lang kami sa public transpo kung gusto namin lumibot. Tumbling lang ng 100 times nasa train station ka na. I prefer riding trains than buses. Pero hindi ko alam kung gugustuhin kong sumakay sa MRT sa pinas kesa sa bus. Actually ayokong nagko-commute papuntang Manila kapag nasa Pinas ako kasi feeling ko mas malaki ang chance na mawala ako dun kesa dito sa Tokyo.
At Glenelg Beach. Ganyan trip namin. Winter tapos beach. At gustung-gusto ko ang piktyur na ito kasi nakikita ko ang haba ng leeg ko. Sobrang dalang nyan!
At parang isang panaginip ulit nasa Adelaide airport na kami by Sunday afternoon (August 17). Waiting for our domestic flight bound for Melbourne.
Bilang mabubuting empleyado e pumasok pa kami kinabukasan. Kahit nasa dulo ng walang hanggan ang gate pagdating sa Narita Airport e ayos lang dahil this time on-time ang Melb-Tokyo flight namin. Yun nga lang pagdating sa bag carousel e naramdaman na namin kagad ang Summer heat ng Japan.
Hindi kami mayaman. Kaya kahit nasaktan ang budget namin dahil sa unexpected travel ko na ito e hindi naman ako nagsisisi. Dumating na kasi ako sa punto ng buhay ko na itinanim ko sa isip ko na panindigan ko lahat ng desisyon na ginagawa ko sa buhay ko. No wasting of time for regrets. Lahat ng nangyayari may dahilan. Move forward kagad. I thank you. Bow.
Tumatanda nako kaya lately mas gusto ko magtravel over buying gadgets/things. Kaya sana magmaterialize ang aming Sapporo trip this autumn! Woot-woot!
1 comment:
Kelan kaya ako mkkarating dyan , ang kulet mo din mgkwento i like u na
Post a Comment