Pages

Showing posts with label jirita jackson. Show all posts
Showing posts with label jirita jackson. Show all posts

Wednesday, December 1, 2010

jirita jackson mode: ON

sumasabay pa yung trabaho sa homesick (hindi na pala ako homesick) na nararamdaman ko. ayoko sanang isulat ang mga hindi magandang nangyayari sa akin/amin sa trabaho dahil gusto ko sana e happy memories lang ang nilalaman ng blog na itey (at tsaka baka mabasa ni #$%&@. mahirap na). anyhoo mejo jirita jackson mode ako ngayon dahil meron na namang ipinipilit sakin yung leader namin. hektwali matagal na itong bagay na ito and like it's so last year. hindi ako nagpakita ng interes and eventually bigla na lang nawala. kaso eto siya at nagbabalik! gusto kasi nila na ipahawak ang APR sakin at magfocus lang sa tool na yun. kesho ako na daw ang magiging "future" expert pagdating sa tool na yun blah blah blah. expert yer effin' face. pag nagkataon logic/digital circuits na lang palagi ang iha-handle ko. taliwas sa pagdedesign ko ng iba't ibang analog/digital/mixed modules na 5 years ko ng ginagawa. open naman ako sa pag-aaral ng bagong tool pero parang ayoko na ma-stuck lang ako sa iisang bagay. lalong nawawalan ako ng interes na mag-aral dahil naunahan na ako ng inis.

ang isa pang kinaiinis ko e sinabi na ni magaling na leader ko sa aming bossing na japon na kaya ko ng gamitin yung tool at pwede ng isabak sa paggawa ng product. haller?! can i just kill him right now? e ilang beses ko ng sinabi na hindi pa nga kaya. parang sinabi niya na pede na magtake ng college entrance exam ang isang grade 1 pupil. imbyerna!

meron naman ako choice na tuluyang tanggihan kaso baka isipin nila na hindi ako versatile at hindi ko pa mandin nasusubukan e umaayaw nako. nakakatakot na baka hindi ko magawa ng maayos at tama pero tsaka ko na iisipin yung bagay na yun. sa ngayon gagawin ko na lang muna ang kaya ng powers ko. kung ano man ang magiging resulta, sa bandang huli masasabi ko pa rin na "i tried...".

magagamit ko na ulit tuloy ang binili kong fenk na notebook para sa pag-aaral na itey. hay....

p.s. tinatamad akong i-elaborate pa ng husto ang ginagawa ko sa trabaho. tsaka ang rason naman talaga kung bakit ayaw ko yung tool kasi tinatamad ako mag-aral. oo ako na ang tamad. tamad tamad tamad tamad..... (~<>~)zzzzz

++++++

at ang isa pang kinakainis ko sa mga panahong eto: ang hirap humingi ng oras sa mga tao sa pinas. hindi naman anytime pede ako umuwi ng pinas, hindi naman ako ganun katagal magbakasyon sa pinas. maswerte na kung umabot ng 2 weeks! nakakawalang gana magplano ng bakasyon. basta najijirita ako! nakakainis! RAWRRRRRRRRRRRRRRR!

Tuesday, August 24, 2010

nakakajirita jackson!

may mga blogs akong nais bisitahin

mga posts na nais basahin

pero wag na lang...

++++++

hindi kasi kinakaya ng powers ko ang mga blogsites na bigla na lang may tumutugtog na musika kada buksan mo. imaginin mo na lang kung sabay-sabay ko silang bubuksan. di ba nakakajirita? anyhoo bahay nila yun at problema ko na ito. minsan tsina-tyaga kong hanapin ang pause button kapag gusto ko talagang basahin yung post. pero kadalasan kapag sinaniban nako ng espiritu ni jirita jackson e konting ingay lang close na kagad sabay lipat sa ibang blog. marahil sadyang matanda na ako kaya ayaw ko na sa maingay...hay...

++++++

sa 17 days ko sa pinas 3 college friends and 4 former colleagues ang nagbigay ng effort para makipagkita sa akin. hde dahil sa ililibre ko sila kundi dahil gusto nila ako makita. nagcancel pako ng apppointment sa doctor para sa ibang tinuturing kong kaibigan pero ano nangyari? ako ang na-cancel. parang araw-araw nasa pinas lang ako.

promises.

bullshit.