after mass derecho kami sa aming peyborit bilihan ng kung anech-anech na filipino food. bago pa man ako nakarating sa bilihan ng banana-cue e may tumawag sakin. lo and behold! tinawag ako ng jumbo purefoods tender juicy hotdog o a stick. bago pa man tumulo ang aking laway e bumili na kami ni kuya roel ng tatlong piraso. 2 sa kanya at isa sa akin. 3pcs for 1,000yen o 350yen/pc. ang pinakamahal na hotdog na nakain ko. ayos lang. minsan lang naman magsaya ang alipin. yun nga lang di na tuloy ako nakakain ng banana-cue.
pagkagaling sa yotsuya pumunta kami sa shibuya. nagshoe-shopping ang aking mommy and daddy. ang dakilang sikoletlover na sumama lang para tumingin-tingin e napabili din. kawawang credit card. nagasgas na naman.
| the damage |
akala ko next week pa kami kakain sa shakeys kaso andun na rin lang naman kami e nilubos na namin. kung alam ko lang e di sana hde nako kumain nung super juicy at sarap na purefoods tender juicy hotdog. hanggang ngayon kinikilig pako sa sarap :D
sa halagang 1,180yen e eat-all-you-can ang lahat ng pizza, pasta, patatas and salad.
| ay pundido the letter S. poor much? |
| lamon 'to! lamon! |
verdict: we're kinda disappointed. mejo lang naman. ok lang pero hindi yung tipo ng ok na babalik pa kami ulit dun. limited ang choices. ang pinaka-nagustuhan kong pizza e yung dessert pizza nila. pizza with chocolates, marshmallow and whipped cream as toppings. i just ate 1 slice kasi nabondat kagad ako sa pag-inom ng coke. kahit pasta hde na rin ako nakakain.
saan kaya ang susunod na tabehodai resto ang aming sasalakayin???
*tabehodai - eat as much as one wants, paying buffet.