deekong: pakinggan natin yung kantang "cherry pie cherry pie"
ako: nanu yun?
insan: yung kanta ni Lady Gaga
"cherry pie cherry pie nanananana poker face....."
++++++
had badminton game last friday. sa kakatingin sa malayo e meron palang sports center (kokubunji sports center) na malapit dito sa office. after office hours we immediately proceeded to the place. mahirap ng mawalan ng court. first come first serve basis para sa presyong 300 yen per head. may ipapaphiram pa silang mga raketa and shuttle cocks. not bad noh? pagdating namin dun ilan lang kaming mga adults na naglalaro. ang hindi namin alam e pagsapit ng dilim dumarating ang mga halimaw na players. kami ngayon ang nagmukhang mga batang paslit na nagpapaluan. because the courts were limited maraming japanese ang nakilaro samin. kaya ayun pinaglaruan nila kami. bwisit na mga batang hapon yan. ginawa kaming praktisan. career mode ang mga tyanak.
sumatotal we had fun (totemo tanoshikatta) and met new badminton buddies(/tyanaks). andaming taba na nalusaw na binawi naman namin ng weekend (^O^)
++++++
ako: ansakit ng buong katawan ko
basuraman: dahil yan sa badminton
ako: yups. tapos nagpunta pa kami sa isang park nung sat. meron kasing section yung park na ang tawag e children's forest (kodomo no mori). tas merong tarpaulin dome. ayun nagtatatalon kami na parang mga bata.
basuraman: tarpaulin dome?
ako: oo tarpaulin dome. yung tarpaulin tas korteng dome sha. nakalagay nga sa isang malaking room yung nagsu-supply ng hangin sa kanya e.
basuraman: tarpaulin?
ako: oo nga tarpaulin. yung tatalon ka tapos magba-bounce ka.
basuraman: baka trampoline
ako: haha toinks!
++++++
sabi ni kuya kimochi na sinabi daw ng paring kaibigan niya...
"demonyo lang ang nanunubok"
aba'y sabi ko naman naglipana pala ang mga demonyo *P
++++++
may pagkakaiba ba kung itama ka sa paraan na nalaman mong mali ka period o yung itatama ka sa paraang kulang na lang ipagsigawan niya kung gaano ka katanga?
malaki ang pagkakaiba kaibigan....
dahil sa huling sitwasyon ay malaki ang posibilidad na may mamamatay at papatay....
No comments:
Post a Comment