Pages

Monday, November 29, 2010

Autumn at Takao-san (Part 2)

oh well oh well dahil tataas na ang presyo ng pandesal at kakanin sa pilipinas eto na ang part2 ng Autumn at Takao-san....








gusto ko sanang makipila. baka sakaling tumama ako sa lotto sa pinas kapag sumuot ako sa butas na yun. kaso mahirap na. baka hindi ako magkasya at bigla ma-trap. may pasok pa naman ako kinabukasan.



i love this tree!
Yaku-ou-in temple
kainan na!
kabilin-bilinan ni mommy joy na yung black and white ang ipost sa facebook kasi nakakahiya daw. yung pinagmamalaking tent ni kuya kim e sako lang pala :P


this is it! kadaming tao....
buti na lang pagdating namin sa Yaku-ou-in temple nagdecided na kami kumain. kung nagkataon saan pa kami sisiksik sa dami ng tao. nakakatakot pa mandin magalit ang mga taong gutom.

ice cream muna :)
sa totoo lang ang init sa taas. mas maginaw pa sa baba. ang teorya namin e mas malapit na kasi kami sa araw bwahahahaha

supposedly mt. fuji can be seen at this spot. unfortunately we didn't find it.
hektwali hindi naman na ako intereresado kay mt. fuji kasi kita ko naman siya from our office(6th floor) basta maganda ang panahon ^_^












time to go down
dahil mashadong fit ang mga katawan namin para sa ganitong akyatan at lakaran e napagkasunduan na mag-chairlift ulit pababa. marami ng sumasakit sa katawan namin (lalo na ang mga tuhod ng thundercats). palibhasa malulusog na nga wala pa exercise sa katawan. go with the flow of the crowd na naman kami.

lecheng sign hde nakatulong


pagkanganaman sinuswerte hindi namin namalayan na yung TRAIL #6 na pala yung tinatahak namin. umaatikabongbongbong 3.3km. ok lang naman yung haba kaso hindi naman patag yung trail at hindi kami prepared. naka-set na ang aming minds na magche-chairlift kami. with matching matutulis na bato-bato at magkabilaang bangin ang drama ng trail na itey. ang pinakamasaklap e ang dulo nito e yung starting point. meaning hindi na dadaan sa esteyshen ng chairlift! jusmio marimar! gusto naming umiyak at maglupasay! ng makita namin na may malapit na toilet doon na namin napagtanto na nasa kalagitnaan na kami. no choice kundi magpatuloy. napakasakit kuya eddie!!!!

idaan na lang sa pektyur-pektyur


may umiihi...

tingin sa kaliwa: bangin
tingin sa kanan: bangin



katatapos ko lang umano dito LOL




konti na lang....


masaya na kami ulit kasi nakikita na namin ang baba. yey!





sa sobrang pagod namin kumain na lang kami sa labas for dinner. at pagkadating na pagkadating sa bahay nakatulog nako. 7pm. as in wala ng tutbras-tutbras or hilamos. pagpasok sa office kinabukasan di kami makalakad ng maayos. para kaming dumaan lahat sa hazing.

we were tired but we had fun. babalik ulit ako dito. kasama ko na si basuraman nun ^_^

10 comments:

Anonymous said...

LOLOLOLOLOLOL. Buti nag-survive pa kayo mula sa madugong adventure na iyan. Sama naman ako sa susunod.. Hahahah.. :D:D:D:D

Tong-tong said...

hangkyut naman all the trees there na hakala ko eh sa anime at sa oh tokyo ko lang mapapanuod.

pero mascute ka.

hihihi


i hope sana makapunta me rin there

Mom Daughter Style said...

ang ganda naman ng pictures.pero mukhang nakakapagod nga

BatangGala said...

ayown! eto na pala ang kadugtong ng last kwento na nabitin ako. :DDD anyways, nagenjoy po ako sa pagtingin sa inyong mga photos especially dun sa mga puno at mga dahon na ibat iba ang colours.

khantotantra said...

ganda ng pics. Gusto ko yung leaves na redish-orangish. Parang sa mga koreanovelas lang pag autmn.

Benh said...

ganda ng mga pics ah. Tlagang malakoreanovela ang dating.. Mala "endless love" hehehe!

halojin said...

Hi sikoletlover? Opo final answer ko na talaga.. Hehe salamat po sa comment at pag dalaw.. Nga pala cool po yung adventure nyo hahaha dapat talaga tnry mu po sumu0t dun sa may butas. Pero mahirap na baka mauntog ka pa dun ai hehe.. :p

-halojin

Kayni said...

beautiful fall colors :). i love autumn and it's my favorite time of the year.

tama ka, nakakatakot magalit ang mga taong gutom...kasi ganoon ako...lol.

MiDniGHt DriVer said...

HONGONDO naman nito.. :)

sikoletlover said...

@michael - we did it hahaha ikaw na lang kaya hinihintay :P

@tong-tong - shempre ako ang pinakacutestest ^0^ parang mascot lang :P tenchu!

@MDS - salamat po :)

@BatangG - tenchu tenchu :D

@khanto and benh - favorite ko talaga ang autumn dahil sa colors ng leaves ng puno :D

@halojin - sa tangkad kong ito mauuntog ako??? sus haha

@kayni - same here :)

@MD - hong orte mag-comment. uu maganda talaga. hope you can see them too personally :)