sa pagpapatuloy...
bitbit ang baon naming onigiri umakyat kami ng bundok tralala noong nakaraang linggo. joke. hindi sa tralala kundi sa
Takao-san (Mt. Takao). Hindi ito yung akyat na tipong hard-core climbing. tamang akyat. tamang pasyal. tamang pag-appreciate sa uber gandang view. at ang hindi mawawala tamang picture-picture ^o^
Isang maiksing description ng Mt. Takao...
"Mount Takao (高尾山 takaosan) is a mountain in the city of Hachioji, Tokyo, Japan. It is protected within Meiji no Mori Takao Quasi-National Park.
Standing 599 metres (1,965 ft) tall and located within an hour of downtown Tokyo, it is a popular hiking spot, with eight hiking courses and more than 2.5 million annual visitors...." (source)
let the pictures do some of the talking ^_^
|
parang field trip ^_^ |
|
@takaosan-guchi esteyshen |
|
ginkgo tree |
|
kunwari marunong magbasa ng mapa na naka-japanese ^_^ |
dahil hindi namin alam kung saan magsisimula ginawa namin ang pinakamdaling paraan kung paano makakarating sa tuktok ni Takao-san.....go with the flow of the madlang pipol!
|
We decided to take Trail 1 but will be using the chairlift to reach sanjo esteyshen. |
|
daboys. habang naghihintay sa pila |
|
coverboi kuya kim |
naiinis ako kay kuya kim. kasi nakuhanan ko sha ng maganda. gusto ko rin kasi ng ganyang pic. naiinggit lang haha. diko na inedit yung mga pics kaya yung iba merong mga sabit. pasensha napow ^_^?
|
sa ngalan ng picture. di baleng tumagilid... |
my first chairlift experience! nakakalerky kasi walang harang or tali yung upuan. tapos sakto lang sa wetpaks yung upuan. since naka-tights ako mejo dumudulas-dulas pako. jusmio marimar. masarap na nakakatakot. bangin na kasi ang babagsakan mo kapag lumagpas ka dun sa lubid.
|
tignan ang kapit ng kamay ni kuya mylo sa upuan XD |
|
@takaosan sta. |
|
octopus sa bundok??? |
may kwento yang pugita na yan. ang main attraction talaga e yung katabi niyang puno na tinatawag nilang "tako-sugi/octopus tree/octopus cedar" dahil sa mga ugat nito na na-curl na parang tentacles ng pugita. sorry nakalimutan kong kuhanan ng picture yung puno :P ask niyo na lang si ms. bing :D
|
@Joshin gate |
|
pumopose kasama ng cedar tree |
yun lang. tapos na ^_^ nyowk. tinatamad na ako e. sa part 2 na yung iba.
hanggang sa muli! paalam!
11 comments:
Takao-san. Akala ko kaya Takao-san kasi ibig sabihin takaw-san. Matakaw sa onigiri. :-P
Wow.. parang ansayang sumakay dun chairlift.. ayieeeeeeeee.. kainggit!
cherry blossoms ba yung red tree? naaliw din ako dun sa yellow tree. ang gandang pagmasdan sa pics.
Hahaha, ang tindi ng kapit sa upuan tapos di pa nakuhang mag smile ni kuya milo lolzz naki kuya lang :D
Yun oh! field trip nga! wow nasan ang mga IDs?! lol... ganda naman... saya rin tingnan ang mga pix... hehehehhehehe
whaha namiss ko bigla yung best ko.. huhuu dahil sa mga pic na yan :(
waaah!nabitin ako,pramis!i love the pics, ang ganda ng view! gusto ko din po maekspiryens ang cheyrlip. kaso lang baka di kasya ang wetpaks ko, mahulog me sa bangin. haha:))
Awww, ang ganda nung scene. Gusto ko rin makakita ng ganyang tanawin!! D:D:D:D:D:D:D
Ang ganda namn jan! Looking forward sa iba pang mga pictures nyo!
sobrang ganda ng view lalo na yung puno na may red na dahol. Maple tree ba yan? Di ko alam. Sana makabisita rin ako ng japan pag mayaman na ko, gusto ko spring time. Or summer para buhay na buhay ang nature, more pictures please...
@ish - haha
@kazumi - uu masaya :)
@khanto - momiji or japanese maple po ang tawag :)
@Lord CM - inamin naman po ni kuya mylo na talagang takot na takot sha dun sa chairlift :)
@lloydie - pasaway kami kawa wala ids
@axl - awwww :(
@batangG - haha hindi naman siguro :D
@michael - punta ka na dito bilis haha
@anney - kaya gustung-gusto ko ng autumn
@jepoy - japanese maple :) maganda rin ang spring time dahil sa sakura/cherry blossoms. e mayaman ka naman na e kaya punta ka na dito :D
Post a Comment