sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko na para bang may masong bumabayo sa dibdib ko.
para akong kinikiliti na ninenerbiyos na tuwang-tuwa na hindi mapalagay na ewan.
shet no? parang tanga lang.
at ang salarin......
naiinis ako kay Judith McNaught. hindi ko akalain na mae-excite ako ng sobrang-sobra sa mga libro niya. kumbaga sa ano e ano. nakuha niya kiliti ko. ni-recommend sakin ni mommy joy na try kong basahin yung "A Kingdom of Dreams" at ayun. tinamaan na ng lintek ang siraulong hopeless romantic....
nakalimutan ko ang mundo ng internet.
walang check-check ng emails
once lang magcheck ng facebook
walang nood-nood ng tv-series/movies
tsaka na ang pagpopost ng entries sa blogspot
sinimulan kong basahin yung A Kingdom of Dreams noong myerkules ng hapon at natapos ko ng byernes ng umaga. nakuha kong basahin yung libro sa oras ng trabaho. sorry naman sa mababang EQ. siguro nagtataka na rin yung mga hapon nung mga panahon na yun kung paano ako nakakapag-design ng nakatitig lang sa monitor at hindi gumagalaw ang mouse. masama ang epekto ng libro sakin once na nakuha niya ang interes ko. hindi ako mapakali hanggang hindi ko sha natatapos.
this weekend natapos ko naman basahin ang Once and Always. ihi at kain lang ang pahinga. walang ligo-ligo nung sabado.
the last time na nagkaganito ako e nung napanood ko yung twilight na movie. na-intriga ang lola mo hanggang sa binasa ko na yung mga libro. including yung draft ng Midnight Sun. sa office, dorm, bahay, kubeta, sa duyan, sa bus, kahit saan at basta may oportunidad binabasa ko yung libro. nakuha kong magdownload ng pdf viewer for PSP para kahit saan pede ako magbasa. lalo kapag weekend kain at ihi lang talaga ang pahinga. umaabot ako ng 5am sa pagbabasa nung libro. nagalit na sakin si Basuraman dahil sa sobrang pagkahumaling ko sa libro lalo na sa karakter ni Edward at Bella. mababaw much? adik lang.
iba kasi pag binasa mo yung libro kumpara sa movie version nito. sa libro kasi andaming possibilidad na mabubuo ng imahinasyon mo samantalang sa pelikula limitado ang lahat sa kung ano lang ang makikita at maririnig mo. e tindi pa naman ng imagination ko. LOL
kaya sa ngayon lie low muna ako. magsisimula na kasi yung bago naming project at ayoko muna ng kahit na anong distractions.
8 comments:
dahil di ko siya kilala, mukang kailangan ko na ngang simulang halughugin ang mga bookstores ulit.
salamat!!!
meron akong 2 books ni judith.. pero mas gusto ko si Danielle Steel..
hehehe ako ocne maumpisahan ko, hinding-hindi ko bibitawan hanggang di natatapos. kesehodang walang tulog matapos lang ang libro.gusto ko akse ugn isang upuan lang.. pangit ung patigil-tigil ka kase nawawala ung thrill at excitement ng bawat eksensang binabasa mo hehehehe
aha! kaya pala bihira ka magpost this week. heheheh.
okay lang yan, kung san ka nag-eenjoy, go for it. :D
hmmm...mukhang naiintriga ako sa libro ng author na ito :)
Haha! Parehas tayo na hindi mapakali pag nahohook sa story. Love story ba yan? more on mystery and suspense kasi ako. I love Dan Brown and James Patterson's novels.
Happy Halloween!
nacurious ako!!! hahahaha! never pa ako nakabasa ng libro niya pero sa reaction mo parang... woah HAHAHAHA!!! makakuha nga ng libro na yan haha!
@mots - diko alam kung mahilig ka sa romance novel kasi yun yung genre ng books nya. saan ka nga pala sa bulacan? :D
@yanah - haha nadale mo :D kaso pag ginawa ko yun natapos ko nga yungl libro nasisante naman ako sa work hehe
@khanto -uu hehe
@Cens - exag lang talaga ako magreact :P
@benh - yup love story. love dan brown too! yung lost symbol diko pa nababasa :(
@traveliztera - OA lang ako magreact haha actually binigyan ako ni McNaught ng 3 kendi para isulat yung post haha
Post a Comment