Pages

Thursday, December 2, 2010

dabaks

convo with a transtech agent

ako: hi mag-avail lang sana ako ng balikbayan box serice ninyo...
agent: ok ma'am. meron nga din po pala kaming ibang services na inooffer like blah blah blah blah
ako: *yawns* ho hummmm.....


ng tumigil sa kadadakdak si agent after 100 years....

ako: a ok. yung balikbayan box service lang.
kinuha na ni agent ang aking name, postal code, street number and name & no. ng apartment.

ako: ah ok na yung info na binigay ko sa address? ok na yun? (e kasi naman puro number lang kinuha niya)
agent: ok napo ate. eto yung address niyo di ba blah blah blah blah.
ako: ok a...
agent: ate naman nasa japan tayo kaya automatic!
ako: haha oo nga no...


gustuhin ko mang mainis sa agent naunahan nako ng tawa. mabait and accommodating naman kasi si agent at may point sha ^_^


dabaks
jumbo size pa yung kinuha ko. then i just realized pano ko pupunuin ang naknampuchang box @_@
pakiramdam ko magpapadala ako ng relief goods
finished product
4.5 rolls of packaging tape. yung 1 nasa basurahan na. maygas. sumakit ang kasu-kasuan at likod ko.

pasensha na hindi ako Best in THE
sa almost 1.5 years kong pamamalagi sa nihon e ngayon ko lang naisipan magpa-box. dahil sa isang makasariling kadahilanan. gusto ko kasi paguwi ko this december hindi mabigat ang maleta ko. nakakatuyot ang magcommute mula sa bahay hanggang airport karag-karag ang 27-kilo luggage with hand carry! tama na. sobra na. ang arte ko lang. hinihiling ko lang sa poong maykapal e makarating ng matiwasay ang aking padala sa pinas. sayang naman ang nissin shifuds kap nudols ng nanay ko!

pakiramdam ko isa nakong ganap na OFW! yay! choz hahaha

++++++

OT: epektib yata yung drama ko kahapon hihi

8 comments:

Kayni said...

ang hirap punuhin ang balikbayan box. inis sa aking ang aking ate kasi months bako mapuno...lol. safe trip sa pag-uwi.

Xprosaic said...

Naks! isa ka na talagang ganap na OFW... hehehehehe

Unni-gl4ze^_^ said...

penge ng noodles kkkkk~~~
naks naks tiyak masisiyahan yung pamilya mo dito s pinas pagnaresib n nila yang baks mo wakuku~~

AdroidEnteng said...

nandyan na ba yung para sakin..di ko makita yung pangalan ko..hahaha

Anonymous said...

Ate! Ate! Merry Christmas! Size 9 iyong paa ko, medium kapag T-shirt, tapos 34 lang ang pantalon,, Oo nga pala, nawala iyong cp ko kamakailan lang.. Wag mong kalimutan iyong sa akin.. :D:D:D:D:D

nyabach0i said...

shet nissin seafood *naiinggit*

sikoletlover said...

@kayni - diko nga mashadong napagplanuhan yung box na yun kaya nagpanic pako na baka di mapuno. may deadline kasi para makaabot sa pasko hehe

@lloydie - finally! haha

@unni - you like? padadalhan kita if u want :D

@enteng - kung nagparamdam ka lang..kaso hindi haha

@michael - napadala na e. sayang :P

@tabs- meron din naman jan satin. buy na :D

Ang Babaeng Lakwatsera said...

enge nissin seafood noodles.. wahihihi.. LOL.. makabili nga mamaya sa 711.. wahihihi..