naikwento ko na ito dati. yun nga lang hindi in full detail.
naranasan mo na ba na yung alam mong gising ka pero di ka makagalaw? gusto mong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa iyong bibig? naranasan ko na ito dati pa pero ang pinakamalala yata e nung marso taong dalawang libo at sampu....
ordinaryong gabi. patulog nako. ng biglang parang may dumagan sakin. di ako makagalaw at hindi ako makasigaw. kitang-kita ko ang paligid ko. hindi ko alam kung gising ba talaga ako o nakatulog na. pucha binabangungot yata ako! pagod nako sa kakapilit gumalaw. natawag ko na lahat ng santo. buti naalala ko na sa mga ganung pangyayari daw e subukan mong igalaw ang daliri mo sa paa at magigising ka. epektib. nakakatakot kasi akala ko katapusan ko na. mag-isa ko ko pa mandin sa kwarto. nagdasal ako at sinubukan kong matulog ulit pero nakabukas ang ilaw. at dahil hde ako talaga makatulog binuksan ko na lang ang laptop. nanood na lang ako ng kahit na anong palabas hanggang sa nakatulugan ko na ito.
nangyari na kasi sakin dati yung ganun kaya hindi ko na lang pinansin. e pagkanganamansinuswerte e naulit na naman kinagabihan. at ang sobrang nakapagpatakot sakin e 3 beses shang nangyari nung gabing iyon. parang 3 beses ako binangungot. kada pikit ko e bigla na lang ako hde makagalaw. sa sobrang takot ko na baka sa susunod kong pagpikit e hindi nako magising natakot akong matulog. walang halong eklavoo pramis.
bumili ako ng LED lightbulb/lamp para yun na lang ang bubuksan ko pag matutulog ako kasi magastos kung gabi-gabi na lang nakabukas yung fluorescent lamp ng kwarto ko. hindi ako natutulog ng wala akong naririnig na musika. maaga na ang 3am kong pagtulog. once/twice a week nakikitulog ako sa kwarto ng aking mommy joy at daddy roel para makatulog lang ng maayos. halos isang buwan akong ganito. araw-araw tuloy lagi akong inaantok sa opis. na-master ko na nga ang pagtulog ng nakadilat ang mata.
eto na yata ang climax. pagkatapos ng isang buwan sinubukan kong matulog ng patay ang ilaw at walang musika. baka kasi nagiging OA na lang ako. at muli nangyari na naman ang kinatatakutan ko. ang kaibahan nga lang e isang babaeng naka-itim ang dumagan sakin. wala shang mukha. pero alam ko babae sha. diko na alam kung paano ako nagising. kinabukasan kila mommy joy ako natulog at sa mga sumunod pang araw.
natapos ang kalbaryo ko ng namatay ang aking lola. simula nun nakakatulog nako ng normal. siguro dahil mashado na akong occupied sa lungkot. nkatulong malamang ang gabi-gabi kong pag-iyak. hindi kasi ako nakauwi ng pinas para masulyapan ang labi ng aking lola.
mula nun hindi nako ulit binangungot. actually nangyari lamang ulit yun nung umuwi ako sa pinas sa unang gabi na hindi ko katabi si basuraman kasi nasa sucat siya nun. tapos nung unang gabi ko pagbalik ko dito sa japan.
sabi ni ate joy baka daw kasi hindi ako nagdarasal bago matulog. o baka naman dahil sa homesick or stress. baka naman kasi takot ang lola ko na bumiyahe sa kabilang buhay mag-isa kaya pilit niya ako isinasama. after 1 month at wala pa ring nangyari sa plano niya e nagdesisyon na siyang lumakad mag-isa. pwede rin naman ang lola ko ang tumulong sakin para makatulog nako ng maayos. kung ano man ang dahilan ng pangyayaring iyon e isa lang naman ang hiling ko: huwag na sanang maulit dahil baka sa susunod na bangungutin ako e hindi nako magising.
p.s. epektib talaga yung paggalaw ng daliri sa paa pramis. tsaka shempre wag kalimutan magdasal.
isa pang p.s......
Happy birthday pareng Chano!
(a.k.a. NAFA)
chano's bday ??? years ago.... from sikoletlover on Vimeo.
ikaw na may kulay ang buhok! porenjer! wala si enteng. busy sa pangchi-chicks hehe
diko na matandaan kung anong year 'to (2007????) pero according sa name ng folder e bday mo daw itetch. kitang-kita sino papansin LOL ^o^
pasensha na kung sa kwentong bangungot pa nasama ang pagbati ko sayo ng maligayang kaarawan. diko sinasadya. pramis. nagkataon lang talaga ^_^
(a.k.a. NAFA)
chano's bday ??? years ago.... from sikoletlover on Vimeo.
ikaw na may kulay ang buhok! porenjer! wala si enteng. busy sa pangchi-chicks hehe
diko na matandaan kung anong year 'to (2007????) pero according sa name ng folder e bday mo daw itetch. kitang-kita sino papansin LOL ^o^
pasensha na kung sa kwentong bangungot pa nasama ang pagbati ko sayo ng maligayang kaarawan. diko sinasadya. pramis. nagkataon lang talaga ^_^
8 comments:
nangyari na rin sa akin ito. i agree, nakakatako. ako rin natutulog na bukas ang ilaw at tv.
ingat lagi.
iskeri yung ganyang pagkakataon. ang di makakilos dahil sa nightmare.
api birthday kay sir nafa. :D
naging magka-ofis kayo nila nafa, md, kuri at enteng?
nakakatakot ung ganyan.. lalo at mag isa ka alng natutulog hayssss ilang beses na nangyari sa akin yan.. iskeyri talaga.
natatawa ako sa picture.. kase sabi mo berdey ni kuya chano.. amf iba ang bumabangka sa pikshur.. lol.. sino ba tlaga may berdey nung panahong kinuhanan yan? hahaha
**ang hirap magcomment huhu walang name/url option.. ayaw pumasok pag ung WP ang gagamtin ko :( ***
http://twitchylife.wordpress.com
Nangyayari din sa akin iyan,, ang tawag diyan, sleep palsy o sleep paralysis. Ang alam ko, sa stress iyan, o kaya sobrang inom ng alak tapos konti lang ang sleep. Iyong pakiramdam na parang may dumadagan sa iyon, isa siya sa parang symptoms niyan. Pray ka na lang lagi, sikolet, ha!! :D:D:D:D:D:D
madalas mangyari sakin yung ganyan ate lalyn nung hindi pa ko nagdadasal bago matulog.
magiingat ka lagi oki...
sino ang may hawak na kutsilyo sa litrato? parang tanga lang. lol
dapat talaga manalig muna bago matulog..pero minsan kahit ganun binabangungot ka pa rin..
naexperience ko na nayan.. umiyak pa nga ako one time kc akala ko hindi nako makakakilos..
@kayni - salamat po :)
@khanto -magkaklase kami nila md, nafa at enteng nung college. si dadi kuri nameet ko lang nung kasal ni md :)
@yanahbananah - maysakit si md pag di sha ang bumangka hehe
@Michael - yun pala tawag dun. now i know. salamat po!
@MD - yup i will :) ewan ko ba kung sino yun.napadaan lang gumitna pa sa pektyur :P
@arvin - diko rin alam kung bakit
@babaeng lakwatsera - hirap no?
Post a Comment