Paborito ko ang panahon ng tagsibol dahil sa ito lamang ang panahon na lumalabas ang mga sakura. Yung larawan na nasa header ko ay isa mga kuha ko nung linggo. Ang ganda nila no? Feel na feel ko kapag humahangin kasi nagbabagsakan ang mga talulot ng mga sakura. Parang nasa isang Korean teleserye lang ^_^ Actually yung dati kong background pic ay larawan din ng mga sakura. pero that was last year. Anyway nais ko mang maglagay ng maraming pektyurs e binigyan na naman ako ng reminder na lagpas na ako sa limit at kung gusto ko daw ng mas malaking espasyo e magbayad daw ako. Kahit tamad ako e nakuha kong magresize ng pics makapaglagay lang ng kahit konti. Kung magkaibigan tayo sa pesbuk e tignan mo na lamang ang aking album na Hanami 2011. Happy viewing ^_^
Sendagaya Gate of Shinjuku Gyoen Garden |
Gutom na kami |
all-white sakura ^_^ |
my pinakamatinong pic (^_^)v |
sakura petals on the ground |
white magnolia - nakita ko lang sa gilid ng daan pauwi ^_^ |
Flash Report
*Ginulantang na naman kami ng isang malakas na paglindol nung 1st monthsary ng March 11 earthquake. Lunes. April 11. past 5pm. Akalain niyo bang nasa inidoro ako ng mga panahon na yun. Nung naramdaman kong hindi na guni-guni yung pag-uga na nararamdaman ko e biglang umurong ang dapat umurong, pinunasan ko kagad ang dapat punasan at dali-dali akong nagbihis ng aking pants sabay karipas ng takbo papunta sa aking upuan. isolated area kasi ang comfort rooms namin meaning kailangan mong magswipe ng card para makalabas sa area na yun. takot ko lang na biglang mag-shutdown/maglock ang mga pintuan at ma-trap ako sa toilet area. Ewan ko ba. pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga ng mga lindol e umaariba na naman sila ngayon na para bang nakainom ng energy drink.
*Itinaas na sa Level 7 ang Nuclear Problem ng Fukushima Daiichi Plant sa rating ng International Nuclear Event Scale (INES). The highest in the scale. Same rate that was given to the Chernobyl Nuclear Accident in 1986. Nanlumo kami lahat nung narinig namin ang balitang ito. It seems like merong tinatago ang Japanese government/TEPCO sa mga tao. Hindi namin alam.Tokyo is located 200+km from Fukushima but we're still worrying about the radiation shit because it is airborne. Malapit na ang tag-ulan and once dumating na ang summer the wind will be blowing southwards. May isang bagay na lang akong hinihintay at pag nagkataon malapit nakong mag-Hello Pilipins. Promise.
In the Lord I take refuge.
pray.pray.pray. Oyasumi!
6 comments:
i pray that you'll be safe
^^,
ang ganda ng cherry blossom. :D
sana di n kayo gaano lindolin dyan.
btw, na-gmit ko n din max sa pics. new method ko ay ng create ng new blogger account at ginawa o itong co-author ng blog ko. aun, tuloy n ang pagpopost ng pics
Bongga yung cherry blossom. Pangarap ko makakita ng ganyan sa personal. Parang ang cute magpapicture. Haha
Ayy.. Mag-iingat po kayo. Bakit nga kaya kabod bumabalik balik yang paramdam ng lindol na yan diyan hano? Take care. God bless. We'll pray for you.
At least, naranasan mong mag-hanami. LOL. Ang ganda nung mga sakura ... :D:D:D:D
Nice! Isa yan sa magagandang tanawin sa Japan. Nagkukulay-pink ang lahat. :-)
Naalala ko tuloy noog pinadalhan ako ng friend ko dyan sa Japan ng sakura petal.
Uy, sana ok lang kayo d'yan. Keep safe and keep praying.
nice photos..
Post a Comment