Pages

Wednesday, April 6, 2011

trade off

watdaep. status ko sa fb nung sabado at linggo. natapos na yung exam na nabanggit ko sa post ko isang libong taon na ang nakakaraan. imbes na makapagpahinga nung weekend e 2 araw ako na parang natatae na naiihi na nanlalamig with matching panginginig. nerbiyosa lang. pag naalala ko yung mga pinagsasagot ko gusto kong mamaluktot sa hiya. ang katangahan nga naman lumalabas sa mga panahon na ayaw mong palabasin. pero wala naman na ako magagawa. tapos na. move forward. gawin ang susunod na hakbang habang naghihintay ng resulta. kapag hindi na kayo nakabasa ng patungkol sa resulta nung pagsusulit ibig sabihin hindi ko nakuha yung kailangan ko na band. pero shempre umaasa pa rin ako na makukuha ko yung target ko na band. ang mahal kaya nung jinayupak na exam. heniwei.....

++++++

graduate na si bunso ^_^ sa wakas. naka-sched ang paguwi ng tatay kong saudi boy para sa graduation ng bunso naming si macoy kaya ako lang ang absent sa family picture. sabi ko nga sa tatay ko e magretire na siya para naman may kasama na ang nanay ko sa bahay. meron pa kasi siyang naiisip na project para sa kanila ng nanay ko at pag natapos na daw yun e tsaka siya magreretire.

family picture minus me :(

graduate na si bunso ^_^

nung nakita ko itong larawan na ito akala ko nanay ko ang grumadweyt ^_^

++++++

flight kahapon ng kapatid ko papuntang abu dhabi. at pangatlong beses na niyang alis ito sa pinas. para lang nagbabakasyon. sabi nga namin ng tatay ko last chance na itwu kung hindi ibabaon na namin siya sa pinas para hindi na siya makaalis. officially tatlo na ulit kaming OFW sa pamilya.


si magie at ang asong niregalo ko sa nanay ko nung pasko, si mica.

++++++

sa weekend in full bloom na ang mga sakura (cherry blossoms). baka pumunta kami sa Shinjuku Gyoen Garden sa Linggo. Last year kasi busy sa trabaho at kung anik-anik kaya hindi man lang ako nakapunta ng park. ang napiktyuran ko lang e yung mga sakura na nadadaanan ko papuntang office.

++++++

lately madalas kong naiisip kung worth it ba lahat ng ginagawa ko dito. worth it ba na unahin ko ang career ko kesa sa pagkakaroon ko ng sariling pamilya. i'm not getting any younger. kasal nga ako pero hindi ko naman kasama ang asawa ko. parang masabi lang na kinasal ako. it's just so fucking senseless. kung kelan naman nakaayos na lahat para sa pagsunod ni Basuraman dito nangyari yung malakas na lindol. basta. oo inaatake ako ng pagiging homesick tapos samahan mo pa ng kung anu-anong shit ng nuclear plant. fuck.

8 comments:

Trainer Y said...

kongratsumeleyshens sa inyong bunso..

at nakarandom post ka ngayon..

im glad ure okay..

ingat ka jan!

GB

www.lifes-a-twitch.com

Anonymous said...

Waw, ang bilis talagang maka-recover ng Japan, parang wala lang. LOL. Hapi-hapi na kaagad after para kay bunso! Kongrats! :D

khantotantra said...

ambibilis nung dalawa, kanina wala pang comment.

congrats sa kapatid mo sikolet :D

2ngaw said...

congrats naman sa kapatid mo :)

ako minsan naiiyak kapag nakikita ko ung pix ng pamilya ko na kumpleto at ako lang wala :(

Gusto mo bang manalo ng $25?

fiel-kun said...

Waah sikolet-chan! nilindol na naman kayo jan this evening ah >_< hope you are all well. Still in recovery pa ang Japan at heto, may 7.4 na naman na lindol. Active na active talaga ang mga fault line jan. Nakakatakot!

Anyways, Sakura festival na nga pala jan. Post ka ng maraming pics ng cherry blossom ha.

Congrats din pala sa kapatid mong grumaduate. Proud Thomasian!

Take care and God Bless!

Ishmael F. Ahab said...

Wow! OFW family talaga kayo ah. Hmmmm...Thomasian pala kapatid mo. Congrats sa kanya at sa inyo.

anney said...

Lahat ng paghihirap mo dyan e masusuklian din balang araw. May mga pangyayari na di natin talaga maiiwasan. I'm sure one of these days e forever na kayo magkakasama ni basuraman sa isang lugar lang.

stevevhan said...

naku, first off all congrats wah kasi graduate na si bunso niyo at ang daming achievements ng iyong pamilya.

Pero mandatory na ang pag-alis ng mga pinoy diyan sa japan ayon kanina sa news, uuwi ka na?