Pages

Thursday, January 30, 2014

Drafapafapafapaft

Dahil may puwang sa blog site na ito ang mga entries na nanatili na lamang sa kanilang draft form.

Dahil may pera sa basura. Nakapulot ako ng 1 lapad (10,000 yen) sa basurahan kanina. Charaught.

Dahil kinikilig ako kay Chichay at Joaquin. Bawal ang spoiler. Nasa Nov.15 episode pa lang ako.


Unfinished Business (November 2013)

This entry has nothing to do with Halloween or All Saint's/Soul's Day or anything with kamumu. Dahil A-OK na daw yung ginawa ko may time nakong magpahinga saglit bago dumating yung susunod na work. Habang nag-aayos ng files, natuklasan ko na may mga ginawa akong entries na hindi ko pa naipopost because they are still in their draft form. Sayang naman kung hindi ko ipopost. Yun lang hindi sila tapos. Susubukan kong tandaan kung kelan ko sila ginawa.

Entry #1 June 2010

1. climb mount fuji
2. try sky diving
3. try bungee jumping
4. buy a luxury bag
5. join a fun run
6. learn how to swim
7. learn how to play guitar
8. learn how to drive
9. learn a filipino dialect (kapampangan, ilocano, etc)
10. weigh 52 kgs. (isang matinding awwww!)

Entry #2 October 2011

1. The untimely demise of Basuraman's laptop - So right now the two of us are using one laptop since we still do not have a budget to buy a new one for him. Plus we are using the same laptop everytime we watch downloaded movies or tv series since again we still do not have a budget to buy a video streamer.

2. Resident Evil game - Ha! Finally I was able to finish this naknamputchang game. Do you know I started playing this shit when I was in college? Back when I was into pc games like Starcraft, Warcraft, Diablo, Red Alert, Dungeon Siege, etc. Sa kadahilanang matatakutin ako e hindi ko siya kayang laruin ng gabi. Promise. I dunno what happened why I wasn't able to finish it. Since isa lang ang laptop namin naghanap si Basuraman ng game for PSP. Ewan ko ba kung anong tawag dun pero yung laro for PS1 pwede sa PSP. Die Nemesis! Die! Bwahahaha!

3. Patapon 1& 2 - Dahil meron ng Patapon 3 naengganyo akong tapusin ang Patapon 1 at laruin ang Patapon 2. Sa hindi ko na matandaang kadahilanan e isang stage na lang sa Patapon 1 e hindi ko pa tinapos


Entry #3 April 2013

Dumaan lang para mag-harvest ng kamote! Ga-graduate na nga pala ang anak ko ng kolehiyo. Joke. Yung dapat na i-popost kong entry 5,000 years ago ayun hindi pa rin tapos. Siguro 1 buwan pa tatapusin na niya yung sarili niya.

Spring na ngayon dito sa lupain ni Hello Kitty pero ang shitty lang ng temperature. Kaya hindi ko pa maitabi yung mga pang-winter naming jackets. Minsan parang nasa Baguio lang ang temperature. Tapos biglang kinabukasan ang init. Aakalain mong summer na at nilagpasan ang spring. Tapos biglang lalamig. Winter mode. Tapos tataas ng konti ang temperature. Biglang parang summer naman na. Lalamig ulit.  Paulit-ulit ulit ulit ulit ulit...fade... May mga lugar dito na ngayon pa lang bumubukadkad ang sakura/cherry blossoms. Sa may bandang norte ng Japan. Ngunit sa kasamaang palad kahit spring na e umulan pa rin ng nyebe. Ang kinalabasan: pwede ng gumawa ng halo-halo sakura flavor.

Speaking of sakura, hindi kami nakapag hanami (sakura viewing) this year (T T). Napakasaklap kuya Eddie. Isang taon hinintay ni Basuraman. First hanami sana ni Miko-chan. Kaso nagkasakit si Miko-chan kaya napagdesisyunan naming wag na lang lumabas. Isang linggo ang nakaraan umulan naman. Pagkatapos ng ulan windstorm naman. Kaya nung pwede ng lumabas si Miko-chan wala na ang mga sakura (T T). From sakura nauwi kami sa tulips.

Sabi ko dati lagi akong magpopost ng entry regarding sa paglaki ng aking bebe gurl. Kaso pag-uwi ng bahay busy na sa pag-aalaga kay Miko-chan. Pag nakatulog naman na ang batang mataba chance na para kumain ng hapunan, maghugas ng bote, magligpit ng kwarto, etc. Kaso lately ayaw magpababa ni Miko. Gusto laging karga. O di kaya once na nakatulog at ilalapag na siya sa higaan biglang nagigising. Gusto ko lang gawing dahilan yung pagiging busy. Sa totoo lang tamad lang talaga ako.

Nagpapasalamat kami ni Basuraman sa patuloy na pagbigay sa amin ni Lord ng biyaya partikular sa kalusugan ni Miko-chan. Hindi 

Entry #4



Yun leng. tenks!

1 comment:

fiel-kun said...

Sikolet-chan!!!

Kamusta na kayo nila Kuya Basuraman at Baby Miko? Long time no see/hear ah. Looks like busy mom ka din ngayon ah :))

Glad you were able to find time na magpost ng kahit isang post today hehe.

may FB po ba kayo? gusto ko sana kayo i-add hihihi :D

o kaya search nyo na lng po ako, "Fiel-kun" yung unang lalabas sa search box na naka yellow shirt na bata (bata talaga? ahaha) ako po yun.

Salamat!
*pakurot sa cheeks ni baby miko*