Pages

Wednesday, March 19, 2014

TIMELINE

Hi! Oo buhay pa ako at ang blog na ito. \(^_^)/
 
"All our dreams can come true, if we have the courage to pursue them." - Walt Disney
 
April 2011 - I took the IELTS exam here in Tokyo. And while waiting for the result I told myself that I will start writing my CDR (Competency Demonstration Report) for Engineers Australia (EA). After writing the first paragraph for my first career episode nakatulog na sa kangkungan ang CDR ko.
 
August 2012 - I decided to continue writing my CDR. I was already pregnant with Miko. During this month may isang babaeng butete na muntik ng mawala sa loob ng Australian Embassy para magpanotaryo ng mga dokumento. I planned to finish my CDR before I return to the Philippines by the end of September.
 
September 2012 - I unexpectedly gave birth here in Japan. By this time nawala na sa isipan ko ang aking CDR.
 
December 2012 - Ate Joy asked when my IELTS will expire. April 4, 2013. I only have 3 months to finish my CDR or else I have to take again the IELTS exam. Since the fee was very expensive for me to waste it, it pushed me (very very very hard) to finish my CDR. I already finished my first career episode. Two more to go.
 
March 19, 2013 - The day I sent my CDR to EA via fedex. I was supposed to send it on March 23 (Saturday). So that will give me 2-3days to clean/polish my CDR before sending it. Ate Joy (who is currently residing in Au) mentioned about the upcoming holidays (holy week) and she made me realize that there was a possiblity that my CDR might not reach EA before April 4 if i'm going to send it on Sat. Walang tulugan itwu. While Miko was soundly sleeping, Basuraman and I were very busy proofreading, revising and printing. Naksiama naman ang mabait kong anak. I had to take a leave of absence from work maipadala lang ang aking CDR. At muntik ko pang hindi makita yung fedex. Ako na talaga ang mahina sa directions.
 
Gusto kong maiyak, matawa, matae, humagulgol, magpagulong-gulong sa putik, tumulay sa alambre sa tuwa nung natapos ko yung CDR at naipadala na. Sobrang haaaaaay...ang sarap sarap ng feeling! I did not expect that I can still make technical reports/essays since I hate doing them. Pero ito na rin ang simula ng pagsakit ng tyan ko. Hindi dahil sa diarrhea kundi dahil sa nerbiyos.
 
March 27, 2013 - I received a letter from EA via post that they received my CDR last March 22, 2013. Result will be released after 16 weeks. 16 freaking weeks. The pain of waiting starts...
 
Of course I have worries. Lalo at non-stop din ang pagbabasa ko ng forums. Anjan yung worry na baka kulang yung career episodes na sinulat ko and mag-request sila ng additional episodes. Or baka hindi ako pumasa sa assessment nila at masayang lang ang ibiniyad kong fee na 850 AUD (Do the conversion!).
 
June 8, 2013 - I took again the IELTS exam here in Tokyo for the visa application. This time I reviewed big time for the Writing part. During my first take I got 6.5 in Writing. Not enough. I needed to get a minimum score of 7 in all the sections of the exam (Listening, Reading, Writing and Speaking) for me to acquire 10 points in our visa application. Kapag below 7 kasi ni singkong duling wala akong makukuhang points for english proficiency.
 
June 21, 2013 - My IELTS result: 8.5/8/7/7.5 - Thank you Papa Jesus!
 
July 16, 2013 - The moment of truth. A letter from EA arrived in our mailbox. I got a positive assessment for my CDR (Professional Electronics Engineer with 8 years of overseas work experience)! Status ko sa facebook: God is good all the time!
 
July 17, 2013 - I submitted my Expression of Interest (EOI) to apply for visa subclass 189 (skilled independent) via Skillselect (with Basuraman and Miko as secondary applicants).
 
Sakit sakit ng tyan. Tumbling-tumbling. Miya't-miyang pagcheck sa email sa Skillselect account kahit alam ko na first Monday of August pa mare-release ang next round ng invites. Bakit ko ginawa yun sa sarili ko? Hindi ko rin alam kung bakit.
 
August 5, 2013 - Got an invite! Nagpagulong-gulong sa putikan. Pasok na pasok sa banga ang aking 70 points! Yeaboi!
 
***Commercial break***
August 8, 2013 - 3rd year Wedding Anniversary namin ni Basuraman. Ayiiiiii!
 
August 25, 2013 - We officially submitted our visa application online. This is it pusit. Goodbye 5,355 AUD! (Do the conversion again!) 8 weeks ulit ang waiting time bago kami magkaroon ng Case Officer (CO). Palagi na namang masakit ang tyan. Gusto ko na sanang gawin ang medicals namin kaso may ka-engengan akong ginawa sa medical health history ng anak ko. Na lalong nagpasakit ng tyan ko. Kaya hinintay ko na lang na magkaroon kami ng CO.
 
For the first time sa tanang buhay ko nakuha kong mag-exercise ng almost everyday. Takbo/Jog/Brisk walk for 1hr every night. Oatmeal for dinner. Kahit ako hindi makapaniwala na nakaya kong gawin yun. Sa sobrang takot ko na bumagsak sa medical exam ko. Consistent akong obese class 1 / overweight for the past 8 years. Hindi ko naman maipilit na underheight lang talaga ako.
 
***Commercial break ulit ***
September 10, 2013 - 1st Birthday ni Miko! We went to Tokyo Disneyland to celebrate her birthday. Tuwang-tuwa ang batang machaba! Yey!
September 21, 2013 - 31st birthday ko! We went to Sanrio Puroland. Tuwang-tuwa ang matandang machaba! Yey!
 
October 13, 2013 - Pucha naman! 8th week na pero wala pa rin kaming CO. Sunday ngayon so baka bukas meron na.
 
October 21, 2013 - Tengenes. Wala pa ring CO. Gusto ko nang lumuha ng dugo. Pati dulo ng buhok ko sumasakit na.
 
October 24, 2013 - Nagparamdam na si CO! Status ko sa facebook: All the time God is good! We were given 28 days to complete the required documents.
 
October 30, 2013 - Scheduled date of our medicals. 10am ang earliest possible time na napa-schedule ko. Masasabay kami sa rush hour. Welcome to hell ang drama pag nasabay ka sa rush hour ng trains dito sa Japan. Walang halong exaggeration yung mga videos sa youtube na parang mga sardinas na sinisiksik ang mga passengers sa loob ng train. Sobrang napagod ako sa byahe dahil ako ang may hawak kay Miko. Kinailangan naming sumakay sa cars designated for women only para "less siksikan". Hindi kaya na isakay sa stroller si Miko sa sobrang dami ng pasahero. Salamat sa mga babaeng animal (na hindi naman matanda/buntis/pilay/may batang kasama) na hindi man lang natinag sa pagkakaupo nila sa priority seats. Tengene kayo. Tapos nagtatae pako sa nerbyos. Ang saya di ba? Kaya nung kinuhanan ako ng blood pressure ng mabait na nurse e HIGH BLOOD ako. Ako na low-blood e biglang na-high-lood. Gusto kong malusaw nung narinig ko yun. Marami akong nabasa sa forums na nagkakaproblem pagdating sa medicals lalo na yung may mga high blood pressure. Pero sabi naman nung nurse e baka dahil napagod lang daw ako. Iche-check naman daw ulit ng doctor yung blood pressure ko later. For 30 minutes I calmed myself. Nakaupo lang ako sa isang tabi habang tinititigan ang Tokyo Tower. (Tapat lang kasi ng clinic yung Tokyo Tower. As in. Walang halong eklavoo.) Tulala. Walang iniisip. Kailangang bumaba ang blood pressure. Kaya ko 'to. Whoooosah. Whoooosah. Whooooooosaaaaah....... Kung walang problem sa medicals namin within 3 days maifo-forward na sa DIBP Australia (Department of Immigration and Border Protection) ang results. Sakit na naman ng tyan ko.
 
Ito rin yung araw na kumuha kami ng police clearance sa Tokyo Metropolitan Police Department (TMPD). First time kong pumasok sa isang lugar na pakiramdam ko pag may ginawa akong mali bigla na lang akong mahe-headshot ng isang sniper. Damang-dama ko ang tightness ng security. Mas tight pa sa bagong botox na mukha ni Aling Dionisia. Nagkaroon pa ng eksena na antagal bago kami dinala sa kung saan kami dapat dalhin dahil sa different pronounciation ng pangalan ni Basuraman. They were looking for "Shi-ri-ru". Kaso we pronounced Basuraman's name as Sai-ri-ru(Cyril). At dahil kami na lang ang tao sa waiting area we insisted na si Basuraman din si Shi-ri-ru. Ay ayaw patinag ni Boi. Mga 48 years na nakipag-argue si Boi sa receptionist. Eto namang receptionist ayaw i-confirm na si Basuraman yun. Engotz. After 12 decades of meditation and realization dinala niya na kami sa kuhanan ng police clearance. Wala naman naging problem pagdating sa loob. Sana sa pinas digital na rin pagkuha ng finger prints para wala ng dumi-dumi sa daliri. We were escorted again paglabas ng building. Akala ko paglabas namin gagamitan pa kami ng neuralyzer.
 
Pasyal-pasyal sa Tokyo Imperial Palace pagkatapos. Nasa kabilang daan lang kasi ng TMPD ang Tokyo Imperial Palace. Enjoy na enjoy si Miko sa paglalakad.
 
November 12, 2013 - Pagkakuha ng police clearance sa TMPD derecho padala sa DIBP Australia via Fedex. Hindi kasi pedeng buksan ang envelope. Sa pagkakaalam ko wala naman kaming krimen na ginawa dito sa Japan so wala namang kaming magiging problem. I emailed our CO that we already sent our PCC (Tokyo). We already completed all of the requirements. Another painful waiting. This time walang timeframe kung kelan ire-release ang result. The time frame varies. May nabasa ako sa forum na after 1-2 days na makumpleto nila yung requirements nabigyan na kagad sila ng result. Yung iba inaabot ng weeks and even months.
 
I tried not to think of our application while waiting for the result. Pero ang hirap. Kada maaalala ko sumasakit bigla tyan ko. Sabi nga ni Ate Joy at least meron kaming hinihintay kesa sa wala. At least habang malaki pa yung points na makukuha ko sinubukan na namin kesa naman kung kelan mahirap na mag-apply tsaka ako magre-regret na sana dati pa ginawa ko na.
 
Wednesday to Friday lang ang pasok ni CO sa Immigration Office. Nabanggit niya sa akin yun nung may tinanong ako sa kanya. Buti nga pinaalam niya sa akin para naman hindi ako magtaka kung hindi siya magpaparamdam pag Lunes at Martes. November 15 (Friday) nakarating ang PCC namin sa Australia. So sa Wednesday pa siya mache-check ni CO.
 
November 20, 2013 (Wednesday) - Checked my email before going to office. Nothing from my CO. Checked again my email pagdating sa office. Waley pa rin. Ako na makulit. Diko rin kasi matiis. Pero impossible naman na may result na kagad kasi possibleng hindi pa naasikaso yung application namin. Makulit lang talaga ako.
 
After an hour or two naisipan ko na i-check ulit ang email ko. There was an email from our CO. Pootengeness. Kusang binuhol ng bituka ko ang sarili niya using 16 types of knots habang nagsa-sommersault ang 10 libong butterflies sa tyan ko. Breathe in, breathe out. Baka may hinihingi lang na additional requirements si CO. Baka may itatanong lang siya. Or baka may mali sa documents namin. Or baka namali lang siya ng send ng email tapos blanko lang pala laman.....
 
Status ko sa facebook: "God is good all the time! All the time God is good!"
 
My father and I are both OFWs. My father has sacrificed a lot while being an OFW especially with his time with us his family. Mahihirapan ng magkasama kaming pamilya ng pangmatagalan lalo at 2 saming magkapatid ang nasa ibang bansa na nakatira. Kailangan pa ng timing para sabay-sabay magbakasyon sa Pilipinas. Alam ko rin na hindi habambuhay ang pagiging OFW. At gusto kong lumaki si Miko (and her future siblings) na kasama kaming dalawa ni Basuraman. My family has been my greatest motivation to pursue this dream. At lahat gagawin ko para sa pamilya ko. Para kay Basuraman at Miko. This is only the start but as long as I have my family I know we can make it through.
 
Special mention si Ate Joy dahil sa kanya nagsimula ang lahat ng ito. Nung nakatanggap siya ng positive result sa EA dun na niya sinabi sakin na nag-aapply sila for permanent residence visa sa Australia. And then they got a visa grant. Sinabi niya sakin na bakit hindi ko subukan tutal I have the resources. Kung nakaya niya for sure kakayanin ko rin. Siya yung nagpukpok sakin ng bonggang-bongga (hanggang magkaroon ako ng internal bleeding. joke!) matapos ko lang ang CDR ko. From conceptualization hanggang proof reading tinulungan niya ko. Aside from Basuraman, siya yung constantly na nagreremind sakin na tapusin ko na ang CDR ko. She also guided me during our visa application kapag meron akong sangkatutak na questions. Alam niya lahat ng pagsakit ng tyan ko. And next to Basuraman siya ang sumunod na nakaalam nang nabigyan na kami ng visa. Pwedeng-pwede na ngang maging agent e. Thank you berimats Mommy Joy!
 
2013 has been a great year for us. Andami kong nababasa sa facebook noon claiming that 2013 is going to be their year. At dahil gaya-gaya ako I also claimed that it is going to be my year (na sinamahan ko ng mataimtim na pagdarasal). And it really was.

See you Australia in April!

2 comments:

Abi V said...

Congrats sa inyo! Buti buhay pa ang blog, I'm a biiig Faaaan! Post some more. :D

Unknown said...

Hi. I really enjoyed my brief visit on your site and I’ll be sure to be back for more.
Can you please consider placing my website on your link list?

Please email me back.

Thanks!
Kevin
kevincollins1011 gmail.com