I know I know... Anong petsa na. February 2015 na pero yung post ko e pang September 2014. Ang motto ko kasi sa buhay e "Better late than latererererererer."
September 10 ang birthday ni Miko pero ginanap ang party nung September 13 (Saturday). Nakakalungkot mang isipin na pareho kaming wala sa Pinas ni Basuraman for Miko's second birthday e ganun talaga. Sacrifices. Anyways Basuraman and I decided that it will just be a smiple party. As in stapegi with flayd shiken na handa lang. Plus cake and konting balloons. Gustung-gusto kasi ni Miko ang cake. Tapos tawagin ang mga streetchildren. Parang feeding program lang. Choz! Pero seriously speaking ganun lang naman ang gusto naming handa para kay Miko. Simple pero alam naming mage-enjoy ng husto ang anak namin. Madali lang naman kasi paligayahin ang bata.
Came Saturday. Nagpost ng pictures ang ate ni Basuraman ng setup ng birthday party ni Miko. May malaking tarpaulin. May catering. May magandang cake bukod sa cupcakes na binake ng Ate Liz para kay Miko. Bigla kong kinuha yung calculator ko para mag-compute. Tapos message kagad kay Basuraman. Sobrang nagandahan ako sa setup and kinda nag-worry lang ng konti kasi parang hindi kasya yung pinadala namin for Miko's party. Anyways I'm very thankful and super happy sa family ni Basuraman for everything (time, effort, etc.) para maging masaya at successful ang party ni Miko. Kitang-kita naman sa pictures na ansaya-saya ng anak ko.
2 comments:
Otanjoubi omedetou.
Anata wa Nihon jin desu ka?
Watashi wa anata ga Firipin jin da to omoimasu. :)
Hey,My name is Pradana. Do you know or ever heard about Batik from Indonesia?
I'm from "The world's Batik city". Jogja city, Indonesia.
Nice to meet you.
honbookstore.com
pag 7th bday mo na lungs bonggahans ang celebration ng cutie baby mo ms. Sikolets.
regarding dun sa taxi na naganaps sa amin sa japans, nakakapanghinayungs, madaming kitkat na sana akong mabibili duns. pero we learned our lesson, the expensive way hahahaha
Post a Comment