Pages

Wednesday, August 7, 2019

Week 32: Celery

July 29-30 (Monday and Tuesday) - 2 days ako pumasok sa aming office sa city para magwork kasi may pumuntang tauhan from Sydney para sa project na ginagawa namin ngayon. Hinahatid ako ni Basuraman at Miko sa bus stop then from there nag-bus na lang ako pa-city. Tapos konting lakad na lang naman na. Buti na lang jontis mey kaya kahit puno ang bus nakakaupo ako. At sa kalagayan ko ngayon e mahihirapan akong bumiyahe na nakatayo. Yun nga lang (dahil siguro heightened din ang senses ko) amoy na amoy ko yung mga bantut elements sa bus. From amoy panghe to amoy putok na bulok. 

Ang ayaw ko sa pagpunta ko sa office e yung mga naninigarilyo kung saan-saan or habang naglalakad. Napakawalang konsiderasyon sa totoo lang. Imagine kung araw-araw ako pumapasok sa office, araw-araw din ako makakalanghap ng second hand smoke. Kumusta naman si bibi nun di ba? After work nag-uber na ako pauwi pero derecho sa school nila Miko. Then lakad na lang kami from school to bahay. Buti na lang pagdating ng Wednesday ay work from home na ako kasi mga Mumshies sobrang pagod ko. As in sinamaan ng katawan si watashi. Kakalurkey. Kaya saludo ako sa mga working pregnant mums tapos pisikalan yung trabaho. Ako nga nakaharap lang sa PC/laptop grabe ang pagod na nararamdaman, e papaano pa kaya sila. Mabuhay kayo mga Mumshies! Hip hip hooray!

Aug. 2, 2019 9AM -  Schedule ng checkup ko sa MFM. A day before nag-message sakin si Ms. K (midwifery student) regarding my appointment kasi pupunta siya. Ay buti na lang nabanggit niya yung time. Akala ko kasi Mumshies 9:30AM. Yun pala 9AM. Ayun kaya nagpasya na lang akong magbus papunta kasi nga need pa ihatid si Miko sa school. E maaalangan ako sa appointment time ko. Tapos nagkita na lang kami ni Basuraman sa hospital. Keribels lang naman yung commute. Kaso nakaamoy si watashi ng amoy bulok sa bus. Sabi ko nga kay Basuraman baka kumapit sa akin yung amoy. Ayos lang naman ang dating ko sa hospital. Nakapagbigay pako ng reseta sa pharmacy then kukunin ko na lang after ng appointment. Ayun na nga mga Mumshies, nawawala ang MFM clinic. May renovation na nangyayari. Dapat babalik ako sa baba para magtanong kaso maalangan nako sa appointment time ko. So dumerecho na lang ako tapos sakto naman pagdating sa dulo ng walang hanggan e nakapaskil kung saan pansamantala nakapwesto ang MFM. Minessage ko si Ms. K at si Basuraman sa bagong location ng MFM.

Hindi na nakaabot si Basuraman dahil naipit na naman siya sa parking lot kaya si Ms. K na lang ang kasama ko nung tinawag nako ng OB. Let's call him Lolo Happy kasi smiling face si lolo mo. Bale inultrasound muna ako ni lolo bago niya ako chinika about baby. Pippa is looking good. By the time na manganganak nako nasa 3 plus kilograms si bibi which is a good size/weight naman daw. Tinaong ko siya about sa tightening ng tummy ko and kung kelan ako dapat magworry. Sabi naman niya normal naman ang tightening as long as walang water discharge or bleeding. Sinabi ko na rin kay Lolo Happy yung request ng hospital sa Japan regarding my birth records. At alam niyo ba na half Japanese si Lolo Happy. Hapon ang nanay niya pero parang di naman siya masyado nagstay sa Japan kasi survival Japanese lang daw alam niya. Naalala ko siya nung nag-undergo ako ng clerage kasi parang isa siya sa nag-observe and nakaantabay in case na magkaroon ng problem. Parang consultant level si Lolo ganyan. Super seniores baga. Medyo ambilis lang niya magsalita kaya nahihirapan ako intindihin sinasabi niya. After 2 weeks yung next appointment ko and by that time idi-discuss na sa amin yung birthing plan ko. Usually a month before ng due date tsaka nila inaasikaso yung bagay na yun. Mukhang nasa side na talaga ako ng CS pero di ko rin alam kung makukuha ba nila yung record ko sa Japan and kung meron ba siyang epekto sa kung paano ako manganganak.

Hanggang ngayon iba pa rin talaga ang pagod at antok ko. Siguro dumadagdag pa yung stress na ang kalat ng bahay namin dahil nga lilipat kami. Sobrang nai-stress ako sa kalat promise. Tapos meron pa akong mga plantsahin. Hay naku ayan na-stress na naman ako. Hindi ko man sila nakikita ha. Naiisip ko lang. Sige tigilan ko na kasi baka napapano na si Pippa. Relax ka lang anak. Parang lagi kang may kaaway sa loob ng tyan ko. Panay ang tumbling mo. Minsan feeling ko nagka-karate ka or nagsasayaw ng floss. Mahal na mahal ka namin anak. Chill ka lang sa tummy ni Mummy.

No comments: