dear manay charo,
isogashii mode na naman si watashi kaya 11:40 na ng gabi e nagluluto pa akesh ng babaunin para bukas. habang kinakain ang ramen na tira ni ate joy na tira ni kuya roel e napaisip ako kung bakit nagshi-shrink ang meatballs na aking piniprito. mula sa size ng pimpom bols e naging kasinglaki na sha ng jolens. anyhoo dadamihan ko na lang ang sweet&sour sauce para kunwari marami....
hanggang ngayon hindi pa ineemail sakin ang naknampuchang bagong itinerary ko. ilang beses kong kailangan tumawag sa PAL? one hundred times? bat kasi hindi nila gayahin ang Delta pwede online...
sa
shokudo (canteen) kami kumakain ng dinner kapag nagre-render ng overtime. hindi na namin mahintay na makauwi ng bahay para kumain dahil kadalasan past 10pm na kami nakakalabas ng office. dati kasi magtitinapay kami sa hapon tapos sa bahay na ang hapunan kahit abutin pa ng 11pm. eto nga pala yung ilang sa mga kinakain ko.
 |
yakisoba and yoghurt drink with pambura sa ibabaw |
 |
shempre di mawawala ang nudols. light para sa mga health konshus kuno nyarharhar |
 |
coffee jelly plus biscuits. wala na kasi pambali ng kanin :) |
 |
onigiri - rice on the go :) |
 |
obento 1 - fish/salmon and sausage with kung anik-anik plus rice |
 |
dambuhalang tonkatsu and rice with macaroni salad |
 |
eto yung kinain ko kanina. 2 mini-onigiri, boiled mushroom and carrot, meatball, and 2 tofu-covered rice chenes. |
dahil bonggang-bonggang overtime ang aking haharapin sa mga susunod na araw e hindi ko na alam kung saang parte ng mukha ko mapupunta ang aking mga eye luggages. nasabi ko tuloy kay mommy joy "antaba ko na nga ampangit ko pang uuwi ng pinas"...
natutuwa ako sa nabili kong celpown holder. buti na lang napagkasya ko ang aking nyelpown. 100 yen lang yan ^_^
 |
bumukol sa gilid. napghahalatang pinilit XD |
hanggang sa muli. paalam!
lubos na gumigiling,
sikoletlover