Pages

Showing posts with label onigiri. Show all posts
Showing posts with label onigiri. Show all posts

Thursday, February 10, 2011

O-bentong benta

Bento (弁当 bentō) is a single-portion takeout or home-packed meal common in Japanese cuisine. A traditional bento consists of rice, fish or meat, and one or more pickled or cooked vegetables, usually in a box-shaped container. (source here)

Here are the O-bento(s) I prepared for Basuraman during my vacation in the Philippines. ^_^


O-bento 1



Purefoods Corned Beef.


Longganisa and tamagoyaki (Japanese egg roll)
cha-han (fried rice) with smiley (>_^)



O-bento 2



tamagoyaki ulit and fried chicken

cha-han ulit with smiley pa rin (>_^)

Yan lang. huwag ng mag-expect ng marami. At sa nag-expect ng bonggang-bonggang komplikadong pagkain sorry namen. hanggang prito at gisa lang ang inyong lingkod. bumawi naman ako sa presentation dabah? ^_^

pag sinipag ako share ko sa inyo paggawa ng tamagoyaki ^0^ o kaya tanungin niyo na lang si manong google para hindi niyo na ako maabala hehe imperness naguwi pako ng rectangular shaped kawali para lang magawa ko yun.

pahabol......bumili na nga pala ako ng hulmahan para mas kaengga-engganyo ang itsura.


tuna mayo onigiri



japanese rice + rice vinegar + tuna with mayo for filling salt and pepper to taste. yung pepper nirequest ni Basuraman

eto yung mayo na ginagamit ko. i use this mayo in yakisoba, hash brown, picadillo at kung anu-ano pang pwedeng lagyan ng mayo ^_^

akala tuloy ng mga opismeyts ni Basuraman e ang galing-galing ko magluto. ang hindi nila alam magaling lang ako sa presentation.

isingit ko lang...nag-materialize naman nung new year ang pangarap naming makagawa ng california maki. i bought some of the ingredients and materials here in Japan (sushi mat, nori, japanese rice). luckily available ang japanese rice vinegar sa suking tindahan. we used crab sticks, ripe mango and cucumber for the filling (with mayo). avocado sana kaso wala sa panahon.

for the sushi rice we just combined the cooked rice, rice vinegar, salt and sugar.

the proud maker of the maki

Basuraman's california maki ^_^
sa awa ng poong maykapal e pumatok naman ang california maki ni Basuraman.

hay namiss ko tuloy maging misiS :( yun lang. oyasumi nasai!

Friday, December 10, 2010

gudmurrrrneng ebribadeh!

dear manay charo,

isogashii mode na naman si watashi kaya 11:40 na ng gabi e nagluluto pa akesh ng babaunin para bukas. habang kinakain ang ramen na tira ni ate joy na tira ni kuya roel e napaisip ako kung bakit nagshi-shrink ang meatballs na aking piniprito. mula sa size ng pimpom bols e naging kasinglaki na sha ng jolens. anyhoo dadamihan ko na lang ang sweet&sour sauce para kunwari marami....

hanggang ngayon hindi pa ineemail sakin ang naknampuchang bagong itinerary ko. ilang beses kong kailangan tumawag sa PAL? one hundred times? bat kasi hindi nila gayahin ang Delta pwede online...

sa shokudo (canteen) kami kumakain ng dinner kapag nagre-render ng overtime. hindi na namin mahintay na makauwi ng bahay para kumain dahil kadalasan past 10pm na kami nakakalabas ng office. dati kasi magtitinapay kami sa hapon tapos sa bahay na ang hapunan kahit abutin pa ng 11pm. eto nga pala yung ilang sa mga kinakain ko.


yakisoba and yoghurt drink with pambura sa ibabaw

shempre di mawawala ang nudols. light para sa mga health konshus kuno nyarharhar

coffee jelly plus biscuits. wala na kasi pambali ng kanin :)
onigiri - rice on the go :)
obento 1 - fish/salmon and sausage with kung anik-anik plus rice

dambuhalang tonkatsu and rice with macaroni salad
eto yung kinain ko kanina. 2 mini-onigiri, boiled mushroom and carrot, meatball, and 2 tofu-covered rice chenes.
dahil bonggang-bonggang overtime ang aking haharapin sa mga susunod na araw e hindi ko na alam kung saang parte ng mukha ko mapupunta ang aking mga eye luggages. nasabi ko tuloy kay mommy joy "antaba ko na nga ampangit ko pang uuwi ng pinas"...

natutuwa ako sa nabili kong celpown holder. buti na lang napagkasya ko ang aking nyelpown. 100 yen lang yan ^_^


bumukol sa gilid. napghahalatang pinilit XD
hanggang sa muli. paalam!


lubos na gumigiling,
sikoletlover

Tuesday, November 23, 2010

homemade onigiri (ang gawa ng tamad)

saberdey night ng gumawa kami ni mommy joy ng onigiri para baunin namin sa aming lakad kinabukasan. perstaym! convenient magbaon ng onigiri kasi.....

-madaling kainin. hindi kailangan ng spoon fork and plate.
- kanin at ulam in one!
-since compact at maliit hindi na kailangan  ng naglalakihang taperwers para sa lalagyan.

da ingredients:
-gohan (rice)
-spam
-ginisang corned beef with patatas
-tira-tirang pritong salmon
-cling wrap

*hindi na namin nilagyan ng nori kasi ayaw namin. nalalansahan kami.

da procedure:
1. pumutol ng cling wrap. ilatag.
2. lagyan ng kanin. i-flat ng konti.
3. lagyan ng ulam sa gitna (bahala na kayo sa kumbinasyon).
4. patungan ng kanin ulit. ihulma.
5. ibalot ng tuluyan ang cling warp sa nahulmang kanin.
6. tapos! oo wala ng kasunod. yun na town....

waaaaah! nag-moist ang lente ng camera ko :(



finished product
may nakalimutan kami. nakalimutan namin lagyan ng asin yung rice. matabang tuloy. at yan ang bersiyon namin ng onigiri. dahil sa katamaran wala kaming panahon sa kung anech-anech na nagbo-bonggahang presentation na nakikita niyo sa totoong paggawa ng onigiri. kung yun ang hanap niyo e naliligaw kayo ng site.

itadakimasu! ^_^