Pages

Showing posts with label passport. Show all posts
Showing posts with label passport. Show all posts

Wednesday, October 6, 2010

gintong pasaporte

45 na araw daw ang aking bibilangin bago dumating ang gintong pasaporte ko. sa ngayon resibo lang muna ang hawak ko.


versus the 950 php passport fee in the philippines

nagbayad na nga ako ng mahal sinungitan at pinagalitan pako ng isang staff ng embahada. may kulang sa place of birth ng current passport ko. bakit kailangan ako ang pagalitan? they can tell me naman about the error in my passport without being masungit. i just don't get it kung bakit kailangan niyang ulit-uliting sabihin ang bagay na iyun. may magagawa pa ba ako? bakit hde sila magtanong sa DFA Manila. ako ba gumawa ng pasaporte ko? as far as i know bago nila iprocess ang passport e chinecheck nila ang information. and as far sa i know e tama at sapat lahat ng impormasyon na inilagay ko. it just so happened na hde ko na sha nacheck dahil kinabukasan ang flight ko after kong makuha ang bago kong passport. i've been using my current passport for 1 year and traveled twice pero hindi naman ako nagkaproblema. at bakit ako kailangang sungitan at pagalitan aber. ha???? bakeeeeeeeet?????

anyway kailangan ko pa tuloy gumawa ng affidavit at magbayad ng another fee dahil kulang ang information na nakalagay sa current passport ko regarding my place of birth. sumatutal nagbayad ako ng 8,245yen para sa renewal/amendment ng aking passport. do the conversion. sumasakit ulo ko. buset.

sabi ni kuya mylo dapat sinagot ko daw si Mamang masungit. para saan pa ang embahada ng Pilipinas kundi sa mga Pinoy na katulad ko na andito sa Japan. Mas pinili kong makatapos kagad kesa makipagdiskushunan dahil papasok pako sa opis.

++++++

lurker mode muna ang drama ko ngayon. wala sa mood. tamad. dala siguro ng pagbabago ng panahon.

Friday, July 31, 2009

pass da pasaporte

and again i'm putting a lot of stress in myself.

mas na-stress ako sa ibang bagay kesa sa trabaho dito.

ang lecheng passport na yan.

mag-eexpire na sha by january next year.

at pag nga naman sinuswerte e starting August 1 ang Philippine embassy sa Tokyo e open na lang from Monday-Friday (before Sunday-Thursday). madapakers. 6,500 yen for renewal plus 500 yen para sa envelope na magme-mail ng passport sa bahay (ang uutak talaga) plus pamasahe tapos absent pako ng 1 araw. isama pa yung pagpapakuha ng picture sa loob ng embassy kasi usually e nirereject nila yung dala mo na kagad. namaaaaaaaan >:( eto pa. in case naisin kong bumalik ng pinas anytime e kailangan ko na namang mag-apply ng re-entry permit sa immigration (na bukas lang mula lunes hanggang byernes. ang tanga kasi hde pa multiple yung re-entry permit na kinuha ko. leave na naman. ano na natira sa sahod ko :(

kung magbabakasyon ako sa pinas ng 10 araw alanganin naman din magparenew dahil 7 working days ang pinakamabalis. e kung matataon pa na yung 4 na araw na pamamalagi ko sa pinas e sabado at linggo e di patay. nagpatanong ako kay basuraman sa POEA (meron kasing OFW assistance program ang POEA regarding sa pagpaparenew ng passport). at ang tumataginting na sagot e POSSIBLE daw. possibleng pwede pero possibleng hde rin pwede. kailangan kong pumunta sa opisina ng kung sino mang direktor na yun para maki-usap at mag-eksplika kung bakit kelangang ipa-rush ang renewal ng passport ko. sabihin nating pwede pero sa tingin nyo mapapanatag ang kalooban ko na makukuha ang pasaporte ko bago ang flight date ko? HINDE.

torn between 2 chenes...kung saka-sakali e parang mas gusto ko pa ring itry ang pagpaparenew sa pinas dahil sa gastos at hassle pag dito naman sa japan. ang trade off naman e parang hde rin ako nagbakasyon kung ganun naman. at ang pangamba na hde ko makuha ang passport ko sa tamang oras. tsaka nabababagabag ang loob ko sa mga nababasa ko sa timog forum na may mga instances na umaabot ng 3 months bago nila makuha yung passports nila. shet. e paano kung kelangan kong umuwi kagad??? di ba? sa pilipinas lang din naman kasi ipo-process yung passport e.

++++++

hinahayblood ako (#_#)

help!