Nakakainis manood ng balita ngayon sa Pinas. Kadalasan tinitignan ko lang ang headline. At kadalasan hanggang headline lang talaga ako. Turo dito. Turo doon. Andaming Ponsho Pilato!
Noong nakaraang Hunyo bumaba sa pwesto bilang Prime Minister ng Japan si Yukio Hatoyama sa kadahilanang hindi niya natupad ang kanyang pangako na matanggal ang isang US marine base sa katimugang isla ng Okinawa. May mga opisyales ng gobyerno din dito na kapag nasasangkot sa mga iskandal (corruption, etc.) or kahit kamag-anak nila ang nasasangkot e kusang loob na silang bumababa sa kanilang mga pwesto.
Baka magkaroon na ng matris ang mga bakla e hindi pa nangyayari ang ganito sa gobyerno ng Pilipinas. Tsk.
++++++
BER month na! Ibig sabihin....
Simula na ng Christmas countdown sa Pinas!
September na!
Tatanda na naman ako (T_T)
6 comments:
malapit na ang pasko..
malapit na ang new year...
hmmmm..... sept. siguro bday mo... happy birthday
@Arvin - yup. malapit na :)
@khanto - first to greet :D tenks!
19 days to go bertdey ko na haha
Sikoletlover!!!
Kumusta? I am delighted that you dropped by my blog.
Turo turo...mas maganda yun kung pagkain yung tinu turo turo nila. Ewan ko ba? Walang gustong umako ng responsibilidad.
Ber months na nga. Merry Christmas sa iyo.
Haha, naku sadyang kapal muks lang talaga ng mga opisyal ng gobyerno dito kaya ganun. Hihintayin pa talaga nilang ma-impeach sila bago bumaba sa pwesto XD
Yay, kelan ba ang beerday mo this September?
@Ishmael - Ok naman :) sabi nga nila kung nakaligtas lahat ng hostages e malamang naguunahan na sila ngayon sa pag-angkin ng credit. Merry Christmas din!
@fiel-kun - Martial law declaration ;)
Post a Comment