Pages

Wednesday, October 6, 2010

gintong pasaporte

45 na araw daw ang aking bibilangin bago dumating ang gintong pasaporte ko. sa ngayon resibo lang muna ang hawak ko.


versus the 950 php passport fee in the philippines

nagbayad na nga ako ng mahal sinungitan at pinagalitan pako ng isang staff ng embahada. may kulang sa place of birth ng current passport ko. bakit kailangan ako ang pagalitan? they can tell me naman about the error in my passport without being masungit. i just don't get it kung bakit kailangan niyang ulit-uliting sabihin ang bagay na iyun. may magagawa pa ba ako? bakit hde sila magtanong sa DFA Manila. ako ba gumawa ng pasaporte ko? as far as i know bago nila iprocess ang passport e chinecheck nila ang information. and as far sa i know e tama at sapat lahat ng impormasyon na inilagay ko. it just so happened na hde ko na sha nacheck dahil kinabukasan ang flight ko after kong makuha ang bago kong passport. i've been using my current passport for 1 year and traveled twice pero hindi naman ako nagkaproblema. at bakit ako kailangang sungitan at pagalitan aber. ha???? bakeeeeeeeet?????

anyway kailangan ko pa tuloy gumawa ng affidavit at magbayad ng another fee dahil kulang ang information na nakalagay sa current passport ko regarding my place of birth. sumatutal nagbayad ako ng 8,245yen para sa renewal/amendment ng aking passport. do the conversion. sumasakit ulo ko. buset.

sabi ni kuya mylo dapat sinagot ko daw si Mamang masungit. para saan pa ang embahada ng Pilipinas kundi sa mga Pinoy na katulad ko na andito sa Japan. Mas pinili kong makatapos kagad kesa makipagdiskushunan dahil papasok pako sa opis.

++++++

lurker mode muna ang drama ko ngayon. wala sa mood. tamad. dala siguro ng pagbabago ng panahon.

7 comments:

Traveliztera said...

woah...

hayyy... ganyan tlaga e noh ? i hope maging okay ka soon!

khantotantra said...

over sa kamahalan ang passport mo.... tsk tsk... gusto lang ata nila makadelihensya.

Benh said...

Dapat sinapak mo.. chos! haha! Chillax lang.. pero ang mahal nga ng passport mo.. hehe!

Xprosaic said...

Dapat binanatan mo rin tapos sabay walk out pagkatapos para di na makaganti...lol

sikoletlover said...

@travelistera - tenchu :) waiting mode sa aking gintong passport hehe

@khanto - sobra noh? nakakadismaya.

@benh - di pwede. baka ihold nila passport ko. hde ako makauwi sa december :P

@xprosiac - baka gantihan yung passport ko LOL

Newlyweds said...

sorry to hear that, galing din kaming embassy, sa tokyo a few weeks ago. renew passport ni hubby, medyo may kasungitan nga ang ibang staff.. : ( sad no.. hope maging ok na...

Ishmael F. Ahab said...

Tsk tsk...service oriented dapat ang mga taong gobyerno. Dapat magalang at mabilis kumilos. Pero binastos nila ikaw at isa ka sa mga boss. Tsk tsk...dapat sa taong yun pinapadaan uli sa government service seminar.