Pages

Tuesday, November 23, 2010

homemade onigiri (ang gawa ng tamad)

saberdey night ng gumawa kami ni mommy joy ng onigiri para baunin namin sa aming lakad kinabukasan. perstaym! convenient magbaon ng onigiri kasi.....

-madaling kainin. hindi kailangan ng spoon fork and plate.
- kanin at ulam in one!
-since compact at maliit hindi na kailangan  ng naglalakihang taperwers para sa lalagyan.

da ingredients:
-gohan (rice)
-spam
-ginisang corned beef with patatas
-tira-tirang pritong salmon
-cling wrap

*hindi na namin nilagyan ng nori kasi ayaw namin. nalalansahan kami.

da procedure:
1. pumutol ng cling wrap. ilatag.
2. lagyan ng kanin. i-flat ng konti.
3. lagyan ng ulam sa gitna (bahala na kayo sa kumbinasyon).
4. patungan ng kanin ulit. ihulma.
5. ibalot ng tuluyan ang cling warp sa nahulmang kanin.
6. tapos! oo wala ng kasunod. yun na town....

waaaaah! nag-moist ang lente ng camera ko :(



finished product
may nakalimutan kami. nakalimutan namin lagyan ng asin yung rice. matabang tuloy. at yan ang bersiyon namin ng onigiri. dahil sa katamaran wala kaming panahon sa kung anech-anech na nagbo-bonggahang presentation na nakikita niyo sa totoong paggawa ng onigiri. kung yun ang hanap niyo e naliligaw kayo ng site.

itadakimasu! ^_^

11 comments:

Ishmael F. Ahab said...

Onigiri! Hehe lagi kong nakikita yan sa mga anime.

Mero si Roronoa Zolo na technique, ang tawag "Onigiri Demon Cut."

khantotantra said...

ang onigiri ba ay parang giant version ng konti ng sushi pero walang hilaw na isda?

Tong-tong said...

so thats onigiri pala.. now you know.

sa tv ko lang nappanood this food. swete naman you

pagluto mo ko pls.

BatangGala said...

haha:)) ang cool! gusto ko din pong i-try yan! ayos na ayos, lalo na kapag mabilisang paghahanda! :)

Poldo said...

anong lasa?? parang gusto kong matikman yan.. kakaiba yung mga japanese food eh..

at so far wala pa akong nagugustuhan hihihi..

Super Balentong said...

curious ako sa lasa nyan...

nyabach0i said...

ang onigiri ba ay rice ball? hehe.

Anonymous said...

Type ko ang lasa ng Nori. LOLOLOL. Subukan ngang gumawa niyan. :D:D:D

sikoletlover said...

@ishmael - diko kilala si Roronoa Zolo hehe

@khanto - hindi yata. rice ball ang onigiri. kung sa sushi nakapatong sa rice yung ibang ingredients like raw fish, sa onigiri nasa loob. pagkakaalam ko lang :)

@tong-tong - sure. pag na-master ko na how to make the shape of onigiri tatsulok

@batangG - food on the go. karamihan sa mga office workers may mga bitbit na onigiri. minsan sa daan pa lang kinakain na.

@polding at SB - lasang kanin na may ulam. yun lang yown :D though mas masarap kasi ang japanese rice. kanin pa lang solb na solb ka na. may iba ding lasa kapag may kasamang nori.

@nyabachoi - may tama ka :)

@michael - good for you :) make sure to use japanese rice :D

goyo said...

bakit bigla akong nagutom kahit hindi naman mukhang masarap. hehehehe. biro lang. :)

bigla akong nagutom.. konti kasi ng breakfast ko..

Ishmael F. Ahab said...

Sa mga anime addict sikat si Roronoa Zolo. Siya yung pinaka astig na swordsman sa anime na One Piece