Pages

Monday, November 1, 2010

remember when

tandang-tanda ko pa nung maliit pa ako...... manahimik ka LA Lopez!

anyhoo noong unang panahon ang undas ang sa isa sa mga inaabangan naming araw bukod sa pasko dahil sa kumikitang kabuhayan sa pagbebenta ng tulo ng kandila. 3pesos per kilo yata nun. sa 3pesos kasi may mabibili ka ng samalamig at fishball. oha solb! basta dumating ang araw ng undas e yung samu't-sari bagay na pwede kong mabili at makain ang nasa isip ko. kaya panalo kapag binigyan kami ng nanay ko ng 20 pesos na baon :D

mga nagrorondang mga bata na may dalang plastic or lata at kung anong pedeng pangkutkot. karaniwan na ang mga ganito sa public cemetery. diko alam kung may ganito sa mga private. malamang wala. para kasing ang sososyal ng mga tao dun. para lang silang nagpipicnic sa damuhan. kulang na lang mga magshutang naghahabulan at mga batang nanghuhuli ng mga tutubi at paruparo.

pero nung lumaki tumanda na ako e iba na ang ginagawa ko tuwing sasapit ang undas. kung dati puro pagkain lang ang nasa isip ko ngayon e ipinagdadasal ko na ang mga kaluluwa ng mga kamag-anak namin na nakahimlay sa mga puntod na aming dinadalaw. kapag sinipag e nagrorosaryo pako. though paminsan-minsan nakikikutkot pa rin ng tulo ng kandila para sa mga maliliit kong pinsan. diko matiis eh!

sana kahit anong araw maalala natin ang mga yumao nating mahal sa buhay. hindi naman natin kelangan ng puntod para lang maipagdasal sila. yun lang.

o sha magsisindi lang ako ng kandila at magpe-pray miya-miya.... mahirap na baka may dumalaw...

*may wento akong nakakatakyut pero sa ibang entry na lang yun. pag di na uso halloween hihi

8 comments:

halojin said...

hahaha mura pa ang mga bilihin nung mga panahong iyon.. pero aus ah magandang business yun pag undas.. haha kulet.. ikwn2 mu na din yung nakakatakot mung kwn2..hehe hindi malalaos ung halloween.. -halojin

Renz said...

HAHA.
nakakamiss mag kutkot ng kandila sa mga ganyan. Di ko na magawa kasi pawholesome ako eh nakakahiya sa mga chickas XD XD
BTW
magandang post kasi may realization. MEGANON! :]

Benh said...

Hi Sikoletlover! taas pa ng value ng peso nun no? hehe! Naalala ko pa tumatambay kami sa sementeryo para maglaro ng UNO cards.. haha! Bad namin.

Poldo said...

Yun naman ang totoong essence kung bakit sini-celebrate ang UNDAS.. hindi para magtakutan kundi ipagdasal at bisitahin ang mga mahal nating yumao nahh..

kaya dun sa mga di nagdadasal...


"andyan na silaaaaaaaaaaaaaaaaaa.."

Anonymous said...

naguiguilty tuloy ako kasi hindi ako nakapunta ng sementeryo nung undas.

sikoletlover said...

@Halojin - pag di nako tinamad :D

@Renz - haha ganun talaga masabi lang na may sense yung entry XD

@Benh - bad benh benh bad. joke. kami yata taguan haha

@Poldo - buti na lang pinagpray ko na sila hehe tenchu bossing

@Will - hi will! gusto ko lang mag-Hi. pagpray mo sila anywhere you want. ok na yun :)

daphne sy said...

I love it. .It's funny! lol totoo lahat ang isinulat mo at ako'y namangha. Galing mo chong! Happy Halloween, ayt belated na pala=)
my blog, healthy flat

Ishmael F. Ahab said...

Tama ka d'yan Tsikoletlover!!!

Kahit saan at kahit anong oras eh pwedeng pwede mong ipagdasal ang mga minamahal mong namayapa na.

Hindi palusot yung malayo ka sa sementeryo para kalimutan sila.