Pages

Monday, August 20, 2012

Week 24-25

Pwera Usog

Nung isang araw habang naglalakad papasok sa opisina e nakita ko na naman yung lola na palaging nag-aabang sa daan ng kung sinuman ang dadaan. May isang pangyayari noon na may dala siyang aso at pinagmamalaki niya sa lahat ng nakakakita na ang cute daw ng aso niya. Astig nga si lola e. Kulay royal blue ang salamin. Pansin ko na maraming ganung klaseng matanda dito. Sabik sa kausap. Malayo pa lang alam kong kakausapin niya ko. Tuwang-tuwa siya nung napansin niya na anlaki ng tyan ko. Tinanong niya kung kambal ba sila at kung alam ko na kung babae o lalaki. Ilang months na at kelan ako manganganak. Hawak din siya ng hawak sa tyan ko. Pag daw lumabas si baby  ipakita ko sa kanya. Gustuhin ko mang magtagal para kausapin pa siya e kailangan ko ng umalis dahil papasok pa ako at nagdurugo na rin ang ilong ko sa pagintindi at pagsalita ng Nihongo. Naalala ko tuloy ang aking yumaong lola.

Pagkalipas ng 2 araw nakita ko naman sa supa (supermarket) yung pilipina na dati naming ka-street. Hindi na niya ako maalala kaya ako na ang unang bumati sa kanya. Malilimutin din si Ateng sa pangalan. Pero hindi naman ako madaling ma-offend sa ganung bagay. Konting chika-chika dahil nagmamadali rin siya. Tinanong niya ko kung kambal daw ba ang anak ko kasi anlaki ng tyan ko. Iwasan ko raw pagkain ng kanin at kumain palagi ng isda at gulay. Baka kaya pagdating ng aking ika-walaong buwan ng pagbubuntis e mukha na siyang 12 buwan (0_o)

kinuwento ko sa nanay ko yung lola na chumika sakin...

ako: lam mo may nakasalubong ako na matanda kanina....blah blah blah
mother dear: naku nag-pwera usog ka ba?
ako: hindi
mother dear: kapag ganyang may nakakausap ka na hindi mo kilala at natutuwa sayo mag pwera usog ka. kaahit sabihin mo lang. mahirap na.
ako: ok

kinagabihan biglang sumakit ang tyan ko. humilab at bigla na lang ako nagtae. ninerbiyos nga ako dahil akala ko si baby na yung sumasakit. hindi ko alam kung may kinalaman ito sa pwera usog na sinasabi ng nanay ko.

1 comment:

fiel-kun said...

According to some doctors, hindi naman daw totoo ang "usog"...

Pero in my case, feeling ko madalas akong mausog nung bata ako. Yung tipong naglalaro ako sa labas ng teks or holen, then may babati sa aking strangers. After that, pagka-uwi ko, ayun masama na ang pakiramdam ko at nasusuka na rin ako.

Baka naman japanese version si lola ng "tiktik"? lolols

Anyways, stay safe sa inyong dalawa ni baby!