Better late than latererererererer.....
Dahil malapit na ang halloween. Meron akong kwentong nakakatakot....nakakatakot sa bulsa...
December 2014
A week bago ang aking nalalapit na christmas vacation sa Pinas e naisipan kong i-update ang IOS ng aking iphone 5s. Updated it via wifi. Katulad ng ginagawa ko dati. Nang biglang huminto ang paga-update at need ko na itong i-connect sa itunes. Pagdating ng bahay tinuloy ko. Dito na nagsimula ang kalbaryo ng telepono ko. Ayaw magtuloy nag paga-update. Sinubukan ko na lahat ng naka-saad sa help support ng Apple. Kahit hindi naka-back-up ang files ko ni-restore ko ito sa default factory setting. Goodbye files. Ayaw ng mag-turn on ng telepono ko. Inisip ko nung una baka naman kako may problem lang internet sa bahay. Sinubukan ko sa PC ko sa opisina. Nung una bumukas pa siya tapos biglang lumabas na ang "Blue Screen of Death".
Image from google. For reference purpose only. bow. |
At first di ako aware kung ano ibig sabihin ng paglabas ng kulay na yun sa screen ng aking telepono. Sinubukan ko ulit itong i-ON kaso pagkabukas lalabas na ulit ang blue screen. Sinubukan ko sa ibang PC sa office kaso wala pa ring pinagbago. Tumawag nako sa customer support ng Apple. Shempre pahirapan pa kasi antagal bago ako naka-connect sa customer service representative na marunong mag-english. At ang ikinagulat ko pa e nasa Australia kausap ko. Oo nagulat ako. As in silent 'Nye!'.
At bago nga pala tuluyang na-deds ang telepono ko e sinapian muna siya ng espiritu ng zebra.
Image from google. For reference parpos onli. |
Tanong dito. Sagot doon. Hanggang sinabi ko na lang na nagawa ko na lahat including yung nakalagay sa website ng Apple. He advised me to visit the nearest Apple Store which is located in Shibuya. Binigyan na rin niya ako ng appointment. Buti na lang may available slot bago ang flight ko pauwi ng Pinas. Dahil ayokong mag-bakasyon ng may inaalala. At sa kasamaang palad e 13 days ng out of warranty ang aking telepono. 13 FREAKIN' DAYS! Aaaargh! Tinanong ko na rin yung customer rep kung magkano ang gagastusin ko para naman makapaghanda ako. Kasi based sa assessment niya (at sa mga nabasa ko) e for replacement na yung telepono ko. Actually binigyan pa nga ako ng pag-asa. Baka daw maging lenient yung Apple pipol sa Shibuya and hindi na nila ako pagbayarin tutal ilang days pa lang naman out of warranty. At umasa naman si tanga.
Salamat sa google maps and jorudan (Japanese Train Route Finder) madali ko lang nahanap ang Apple Store. Akyat sa second floor and I was immediately asked if I have any appointments. Shempre hintay na naman ng marunong magsalita ng English. Hindi naman sa nagmamagaling ako (at hindi naman talaga ako magaling) pero nagsearch lang si kuya sa website ng Apple. Nagawa ko na yung nagawa niya. Pati yung error na sinabi niya alam ko na rin. And board problem nga daw and for replacement na yung telepono. So mega ask naman ako kung pwedeng di nako magbayad kasi ilang araw pa lang naman na out of warranty yung phone tsaka nag-update lang naman ako ng IOS tapos sira na kagad phone ko. Sagot ni Kuya e kung pagbibigyan nya nga naman ako e di lahat na ng out of warranty na phones e pagbibigyan na rin nila. Which is may point naman talaga. May point din si Kuya nung sinabi niya na lahat naman ng gadgets masisira kaya hindi niya ma-assure na hindi na ulit mangyayari yung nangyari sa phone ko. It just so happened lang talaga na ako yung natapatan. Ang saya di ba? After 5mins nakuha ko na yung bagong unit. Nagbayad ako ng 31, 104 Japanese Yenssssssssssss. SHET.
Mag-iisang taon na pero nakatago pa rin yung resibo na yan. Ang nakakaiyak na resibo. |
Ganito madalas ang lumalabas pag ginagamit ko yung function na camera kahit sa mga apps. |
Hanggang ngayon 1 beses pa lang ako nag-update ng IOS sa takot na ma-encounter ko na naman si blue screen of death. Sobrang nerbyos ko nung nag-update ako kasi nga baka maulit na naman yung nangyari sa telepono ko. Ayoko ng makita muli ang 'blue screen of death'.
No comments:
Post a Comment