- From Kodaira our workplace was transferred to Nakano (still in Tokyo). (End of March)
After more than 5 years ng paglalakad/pagbibisikleta mula bahay hanggang opisina e kailangan na naming sumakay ng tren dahil nalipat ang aming opisina. Nabili ng isang American company ang kumpanyang pinagtatrabahuhan namin at kinailangang lumipat ng building/lugar. Ang simula ng aming kalbaryo. Dahil hindi biro ang kalagayan ng mga tren dito during rush hours. Siksikan kung siksikan. Walang halong exaggeration yung mga makikita niyo na videos na kung saan yung akala mong impossibleng makapasok sa loob ng tren e totoong nagkakasya. Personal experience! Nakakaloka ng walang halong eklavoo! Pumasok kang fresh na fresh sa tren tapos pagdating mo sa destinasyon mo e daig mo pa ang inapi ng 1 million times sa pagka-haggard. Walang patawad ultimo pag-uwi.
Na-experience ko na rin yung nakarating ako sa iba't-ibang lugar sa loob ng tren ng hindi lumalakad. Oha! Kasi wala ka ng magagawa kundi sumunod sa agos ng buhay. At dahil maliit ako madalas e ginagawa akong patungan ng kili-kili ng mga nakakatabi ko na matatangkad.
Sabi nila baka medyo maayos pag sa "women's car" sumakay. Ay hindi ito totoo! Dahil mas balahura pag nagsama-sama ang mga babae. Dito ako nasaktan ng bongga. Pramis.
Tip: Huwag sasakay sa car ng train na malapit o tapat ng hagdanan. Dahil asahan mo pagbaba mo e mukha kang sinakluban ng langit at lupa ng 645 times tapos binugbog ng 30 sumo wrestlers.
- 1 week vacation in Adelaide. (May).
Goldeen week sa Japan kaya napag-isipan kong magbakasyon saglit sa Adelaide. Tsaka kailangan kong lumayo saglit dahil may ginawa akong desisyon na alam kong ikaka-stress ko ng 1 buwan.
At Hhandorf |
- New company. New workplace. (Wala na pala ako sa Tokyo ngayon. Nasa Yokohama na.) (June)
Pangako dito. Pangako doon. Dahil gahaman sa pera, goodbye former company. Hello new company! Ayoko na lang pagsisihan ang ginawa kong desisyon. Iniisip ko na lang e may dahilan kung bakit nangyari ang lahat. ^_^
- Hokkaido Trip! (August)
Ay ito gagawan ko ng separate entry. Promise! Spent 3 days and 2 nights at Hokkaido with friends.
At the top of Mt. Hakodate |
- 3rd birthday ni Miko (September)
Ang bilis ng panahon. 3 years old na si Miko. And we decided na umuwi si Basuraman sa Pinas para i-celebrate ang birthday ng aming unica hija. Masaya ako na kahit si Basuraman man lang e kasama ang anak namin nung birthday niya. Shempre hindi naman papayag ang anak kong napakahilig sa mga parties na walang masayang pagdiriwang ang kaarawan niya. Will make a separate post for this. (Susme dalawa na yung kailang kong gawan ng posts.)
Miko at 3! |
- 1 month work from home in Adelaide. (October)
Naranasan ko magwork from home ng 1 buwan. Mahirap din pala mag-work from home. Partida kasi wala pa si Miko sa lagay na yun. Ang daming distractions. At nakakaloka ang internet ng Australia. Susme pang third world country ang bilis. Naturingang first world country.
At Victor Harbor |
- Christmas and New Year in Japan (December)
For the second time around e dito ako sa Japan nag-pasko at nag-new year. Kung maaga lang sana nilabas ang work schedule namin e di sana sa Pinas ako nakapag-bagong taon. Kabwisit lang. Sa awa ng Diyos e matiwasay naman naming nai-celebrate ang pasko at bagong taon.
Fish be with you ^_^ |
Yun lang. Hanggang sa muli. Paalam!
No comments:
Post a Comment