Pages

Tuesday, April 19, 2016

Wattpad

Naririnig ko na siya before pero hindi ko naman siya masyadong pinapansin. Tapos biglang naging movie yung Diary ng Panget na galing din Wattpad. Pero hindi ko pa rin sinubukan i-visit yung site. Lately wala kami masyado work kaya medyo boring. After reading the news and showbiz chismax in the morning e wala na akong ibang alam basahin. Mahilig ako magbasa pero halos lahat in English. Walang Tagalog. Feeling ko kasi parang ang korni pag Tagalog. Alam niyo yung "romance" pocketbook sa Pinas na maninipis and minsan pina-parent ng 5 pesos? Feeling ko ganun yung binabasa ko hehe. Andami kong books na nakatengga ngayon at hindi ko na natapos basahin. Andali kong ma-distract kasi. Pati yung libro na binigay sakin ni Elotte nung pasko. (Sorry Sis! Malapit ko na siya basahin promise. Nakabili nako bookmark ahahahaha) Anyhoo lately na-intriga ako sa mga Text-serye na nakikita ko sa facebook kaya pati yun pinatulan ko basahin. Na-realize ko OK din pala magbasa ng mga love stories in Tagalog. Merong maganda, merong tsaka. After ilang stories medyo nakukulangan nako sa mga text-serye. Kaya naisipan kong i-try magbasa sa Wattpad.

The Tinedyer in me.

Nakakahiya mang aminin pero yung binabasa ko sa Wattpad puro teen fiction. I know I know. Pwede niyo kong husgahan na ambabaw kong tao. E ganun talaga. Antanda ko na para sa ganyang mga stories. Doblehin mo yung edad ng isang teenager e ganun na yung edad ko ngayon. Kahit ganito nako katanda e may konting space pa rin sa puso ko para sa mga kilig moments ng teen love stories. Minsan feel na feel ko na teenager pa rin ako kapag nagbabasa ako ng ganitong genre ng stories with matching feeling ko rin ako yung bidang babae. Ganyan talaga pag tinamaan ng kabaliwan. Minsan lang naman. Pagbigyan niyo na.

At dahil nga bago pa lang sa Wattpad yung unang story na nabasa ko e hindi pala kumpleto! (The Devil + The Angel = Love?) Actually nasa kalagitnaan nako nung paalalahanan ako ni Madam na i-check ko kung completed ba yung binabasa ko or on-going or under hiatus. E kinda na-hook nako sa story. Tapos ayun nga on-going ang status ng pucha! At ang huling update? February 2015!!! Anong petsa na ngayon di ba???? April 2016! More than a year nang hindi naga-update yung author. So malamang wala na talaga yung story. Kahit alam kong hindi tapos tinuloy ko na lang yung pagbabasa kasi nanghihinayang ako sa naumpisahan ko. Sayang talaga kasi para sa akin ang ganda mag-construct ng story nung author.

Yung nababasa ko pa lang na stories ngayon e puro related sa bad boy na na-inlove sa isang nerdy nerdy girl. Ang childish ko lang. I know right? Naalala ko tuloy na minsan sinabihan ako ng tatay ko na para akong bata kasi kahit matanda na ako ang hilig ko pa daw sa cartoons. Anyways may nabasa na rin akong story na hindi kagandahan to the point na maraming part na iniscan ko lang yung page masabi lang na natapos ko siya. Kaya kinda nilevel-up ko yung criteria ko sa pagpili ng stories sa Wattpad na babasahin ko. Kailangan nasa millions na yung count ng mata and more than 500K na yung stars niya. Oo na hindi ko alam kung ano ba yung mata and star. Views ba yun and likes? Ah basta yun na yun. At ngayon nga gusto ko lang ikwento ang unang Wattpad story na nakapag-paiyak ng bonggang-bongga sakin. Iyakin talaga ako kaya pwedeng ako lang naiyak sa story na ito hehehe.

The Good Girl's Revenge - iyan yung title ng story. Pero bago ko siya binasa, nauna ko ng basahin yung Book 1 which is The Four Bad Boys and Me. Base dun sa nakalagay sa description e published na yung 2 stories na yun. Kaya naisip ko malamang maganda kasi nga published na nga. Hindi naman siguro mag-aaksaya ng time and resources yung publisher kung hindi maganda. At hindi naman ako nagkamali. Tapos ko na yung Book 1 and kasalukuyang nasa kalagitnaan na ako ng Book 2. Bakit ako gumawa kagad ng post? E kasi naman nasa denial stage na naman ako ng pagbabasa. Yung stage na alam mong matatapos na yung book na binabasa mo and ayaw mong matapos kasi nga maganda kaya kinda dinedelay mo yung pagbabasa. Ganyan madalas nangyayari sakin kaya andami kong mga sinimulan na basahin na books na hindi ko pa rin tapos. Hanggang sa tuluyan ko ng makalimutan.

Nagandahan talaga ako sa point na muntik na akong mag-iwan ng message sa author or mag-comment dun sa story. Kaso profile ko sa Facebook yung nakalink sa Wattpad kaya nahiya naman ako. Anyways ang galing mo talaga Ms. A! Tagos sa buto yung iyak moments. Pati puso ko sumakit! Oo ganyang level ahahahahaha! At dahil magiging busy na kami next week e tatapusin ko na yung binabasa ko. Yun lungs.

Hanggang sa muli! Bow.

2 comments:

nyabach0i said...

Wattpad! eto ang portal ng mga gusto magstart na writer. kasi alam mo na, dahil panahon na ng technology ngayon, mahirap magstart. wala lang. haha.

sikoletlover said...

@nyabachOi - Ako dakilang tagabasa lang. Dahil kapag ako ang nagsulat...wag na nakakatakot ahaha. Uy malapit ka ng magkaroon ng premyo dahil lately ikaw lang nagco-comment sa posts ko. Salamat ng marami! ^_^