Feb 4-10, 2019 - Steady lang. Steady lang ang nausea ko maghapon, magdamag. Malaking tulong ang lemon ginger tea at crackers. Pero sobrang wasak ng appetite ko. So far nakakakain pa naman ako 3 times a day. Napipilit ko para kay bibi. Kaso hindi ako masyado nakakakain ng fruits and veggies. Yung backpains hindi nawawala pero tolerable naman.
Sabi dun sa pregnancy app na ginagamit ko e 'take a photo' daw ng aking baby bump. Gustuhin ko man e parang hindi naman din tama dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi baby bump itong bukol sa tyan ko kundi taba bump. Hindi pako buntis e ganito na kalaki talaga ang tyan ko. So baka pagdating ng 4-5 months. Siguro naman by that time e si baby bump na talaga. Bale taba+baby bump.
No comments:
Post a Comment