Feb. 11, 2019 - Nakatanggap ako ng mensahe na naka-schedule na ako for my NIPT (non-invasive prrenatal test). According to www.pregnancybirthbaby.org.au, NIPT analyses the genetic information contained in this DNA to screen for a number of abnormalities. The test is particularly sensitive to Down syndrome. Sa Feb 26. ako naka-sched for my blood test. First time kong mag-undergo sa ganitong test kasi during my pregnancy in Japan with Miko wala pa namang ganito.
Feb. 16, 2019 - Saturday. Around 3pm pagkaalis ni Basuraman ng bahay para pumasok sa work e kinuha ko yung mga damit sa sampayan. Pagkatapos nun nagpunta ako ng kasilyas para umihi. Tinamaan ng magaling pagtingin ko sa tissue merong dugo. Not the usual brownish or pinkish blood na common during start ng pregnancy due to implantation, growing uterus, etc. Bright red siya mga ateng kaya ang nerbiyos ni watashi abot mula Aparri hanggang Jolo. I immediately informed Basuraman and we decided to have a checkup sa aming GP (General Practitioner). Wala pa akong OB kaya lahat GP muna. Kaso sa Tuesday pa ang earliest available sched ni GP so walang magagawa kundi maghintay. After the incident, humiga lang muna ako sa kama ng mga 1 oras and refrained from doing any activity. Noong kay Miko nagkaroon rin ako ng bleeding pero mas malakas ang flow kaya mega iyak and derecho ako clinic kahit oras pa ng trabaho. Polyps naman ang reason ng bleeding ko noon and right there and then tinanggal siya ni Lola OB ko sa Japan.
After nung bleeding nung Sabado ng hapon hindi naman na naulit.
Feb. 19, 2019 - Ni-refer ako ni GP for an ultrasound scan para macheck kumg ok si bibi. Pinagpa-urinalysis din niya ako to check baka sa wiwi galing yung dugo. I rang MRI Adelaide for obstetric ultrasound appointment. Since hindi siya regular scan and somewhat emergency, I was able to do the scan the same day (at 2pm). At eto na naman po tayo sa 'drink 1L of water and hold it for an hour before your appointed check-up". Literal na napakasakit Kuya Eddie. Kakalerkey. Pero lahat gagawin para kay bibi. Sabi naman ni ateng sonographer e ayos lang naman si bibi pero need ko bumalik kay GP para sa details ng result at kung anek-anek.
***commercial break***
Feb. 20, 2019 - Scheduled date ng citizenship exam and interview ni Basuraman. So siyempre kasama si yaya na nagleave pa sa work para makasama. Akala ko nga nung una bawal ang may kasama kasi halos lahat ng dumarating/may appointment nag-iisa. Baka kako bigla paalisin yung extra. Pero hindi naman nangyari. At dahil magaling si Basuraman, sandali lang niya natapos ang interview at exam (100% siya na!). Narinig ko pa na sinabing "Congratulations!" bilang ang lapit ko lang kasi dun sa area kung saan ininterview si Basuraman. At alam naman nating lahat ang tenga ng chismosa wehehehe. Waiting na lang si Basuraman ng confirmation email and invitation letter for oathtaking. Yezzz mga shizzzums, magkakaroon na ako ng asawa (at mga anak) na porenjers. LOL
*Mga anak kasi si bibi automatic Hostrelyen paglabas since dito siya ipapanganak and permanent resident si watashi.
Feb. 21, 2019 - Balik GP si watashi. Ayun nga ayos naman si bibi based dun sa ultrasound and wala naman daw infection yung wiwi ko based dun sa urinalysis. Binigyan na niya ako ng form para sa 12week scan ko plus blood test form din para sa NIPT. Pero around mid-March ko pa siya gagawin. Tapos binigay din ni GP yung number na need ko tawagan para malaman ko kung saan ako pwedeng magpa-sched ng antenatal care. Eto na yung appointment sa OB. Pero need na 12 weeks na si bibi pero sabi nga ni GP better na magpa-book na daw ng maaga. Mukhang may lakad ang lola mo at mawawala siya ng 2-3 weeks yata kaya binigay na niya sa akin lahat ng forms.
According sa mga nababasa ko e kapag buntis daw you tend to have crazy/weird dreams. Which is kinda true in my case kasi madalas. Before kasi out of the blue bigla mo na lang mapapanaginipan yung ganito pero madalang. Ngayon almost everyday labo-labo. Noong isang gabi napanaginipan ko si Lola ko. 1st year death anniversary daw ni Lolo. Pero sa totoong buhay unang pumanaw ang Lola ko sa Lolo ko. Iyak daw ako ng iyak kasi wala ako dun nung pumanaw si Lolo and dahil miss na miss ko na si Lola. Ayun lungs.
Kapit lang tayo to the max bibi!
No comments:
Post a Comment