Happy New Year! February na pero new year pa rin pagbati ko. Osha. Happy Year of the Pig! na lang. (^_^)
Bale yung Day 2 and Day 3 ng aking Noto vacation noong ako ay nasa Japan pa e tsaka ko na lang ipo-post. Mga after 2 years ulit. Napakahusay ko talaga.
Anyway highway, ayun na nga, magiging apat na kami here sa land down under. We never announced it in social media but only to family and very super over close friends. Dito ko na lang inannounce tutal e 3 lang yata ang nagbabasa/nakakaalam ng blog na itey. At baka magtampo si "Piglet" (yeah I know...year of the pig bwehehe) kung di ko ibo-blog ang kanyang paglaki sa aking sinapupunan katulad ng ginawa ko noong ipinagbubuntis ko ang Ate Miko niya. We have been praying for this blessing for a long time and eto na nga! Maraming thank you Lord! (^o^)
Early January, I remembered ranting about my circuit designer. (Oo mga mumshies, pinalad akong magkaroon ng part time jobs ditey na same work tapos work from home pa.) E kasi naman si circuit designer ko apakatagal magparamdam tapos pag magrereply kala mong adik na kung anu-ano pinagsasabi. Sabi ko nga sa sarili ko ang hormones ko heightened na naman kasi magkaka-period na ako kaya ang emotional ko. Hanggang makalipas ang 2 linggo e napansin ni Basuraman na hindi pa ako nagkakaroon, na hindi ko rin naman napansin kasi ang busy ko rin sa work. Baka kako nadelay lang kasi madalas naman ganun. Kaso kasi mga mumshies may mga kakaiba nako nararamdaman like yung soreness ng aking nips e ibang level. Dumaan ang ilang araw at walang period na dumating. At si Basuraman nag-start na ma-stress wehehehe.
Jan 21, 2019 - Bumili si Basuraman ng pregnancy test kits (2 sets) para daw mawala na ang aming (ehem siya lang naman talaga) agam-agam. Kaso afternoon na noon pero sabi naman sa kit puwede siyang gawin anytime. Ang resulta: yung isa positive at yung isa negative. Sabi ko tomorrow morning ulit para sure.
Jan 22, 2019 - I did the test early morning. Bale 3 sila (yung isa digital). Kapag eto pumalya ewan ko na lang. Ang resulta: 3 positive! We want to make sure na na nakapagpa-ultrasound na ako and may heartbeat na si bibi before anouncing it to our families. Pero binanggit na namin kay Miko. Kaso 'di pa masyadong nag-sink in sa kanya yung pangyayari.
Miko: Where did you buy the baby????? And why is Mummy's tummy not that big???? (Hektwali malaki tiyan ko kaso alam niya na taba lang yun.)
Jan 23, 2019 - Schedule check-up sa GP (General Practitioner). Kaibahan dito at sa Japan e lahat dadaan muna sa GP bago pumunta sa espesyalista. Unlike sa Japan (or sa Pinas I think) e derecho ka na sa OB-Gyne. So kinuhanan muna mey ng dugo for blood test and ihi for urine test. After a week ang result and after that doon pa lang niya ako bibigyan ng referral for ultrasound. So kinda nabitin kami kasi akala namin pede nako ma-ultrasound that day. And based sa computation ni GP e around 6 weeks na daw si Piglet. So wait pa ng 1 week for ultrasound para sa dating scan and most probably by that time makikita na kung may heartbeat si bibi.
Jan 29, 2019 - Based on blood and urine tests, jontis nga mey. Masaya si GP sa iron level ko (which was my problem before na pinaayos muna niya sa akin bago daw ako magbuntis) pero mababa na naman ang aking Vit D. Overall good ang result ng aking blood test. I got the referral para sa ultrasound and ang earliest day na may available slot for the scan is Jan 31.
Jan 31, 2019 - Ay jeskelerd. Ang pinakamasakit na ultrasound na na-experience ko. Not the procedure itself but the preparation! I had to drink 1L of water and had to hold it for one hour! Hindi pa kasama yung time nung procedure na umabot yata ng 30mins. E mga mumshies naman kasi, may pantog yata ako ng bata. Inom lang ng konti naiihi nako. Tapos pagdating sa clinic malamig pa. As in literal na kinikilig ako kasi ihing-ihi nako. Pelvic ultrasound lang naman pero jeskelerd ulit! Siyempre naman ihing-ihi nako tapos panay ang push sa puson ko. Pero lahat kakayanin para kay bibi. (^_^) Tapos may point pa na pinabawasan ng konti yung wiwi ko. Nakakalerkey! Ang jirap kaya nun pero kinaya naman. Siguro sa sobrang kapal ng taba ko sa tiyan hindi makita si bibi kaya kung makahagod si Ate sa lechon belly ko e wagas. Susme nung pede nako umihi gusto ko yakapin yung sonographer. Pinakita rin pala ni Ateng Sonographer yung heartbeat ni bibi. I was relieved kasi si Miko noon Week 8 na namin nakita yung heartbeat.
Feb 1, 2019 - Balik ulit kay GP. According sa dating scan 6 weeks na si Piglet. Pero kung ibabase sa sinabi kong LMP dapat 7 weeks na. Though sinabi ko naman na hindi ako sure sa date. So ang susundin namin is yung 6 weeks. Immune pala ako sa chicken pox pero borderline sa Rubella so sinuggest ni GP na magpa-vaccinate ako ilang weeks after ko manganak kung may plan pa ako magbuntis ulit. Sa 12th week ni Piglet I'll be having the NIPT or Non-Invasive Prenatal Test for chromosomal abnormalities like Down Syndrome, etc. It will be a blood test and ultrasound.
Ngayon tolerable pa ang aking morning sickness pero super weird ng panlasa ko. Isang araw gusto ko ng ganito. The next day iba naman. Most of the times ayokong kumain pero napipilit ko pa sa ngayon. Nagpabili nako ng crackers para sa mga panahon na diko talaga feel kumain. Back pains medyo persistent lately lalo kasi lagi akong nakaupo dahil sa work.
Praying for a safe and healthy pregnancy. Kung hindi niyo ipagdadamot e pakisama naman kami ni Piglet sa inyong panalangin palagi. (^_^) God bless ebribadeh!
P.S. So far wala pa kaming ginagastos sa checkup and ultrasound dahil sa medicare. Pero yung NIPT hindi covered which costs $500 yata. yun lungs.
No comments:
Post a Comment