Pages

Friday, December 31, 2010

akemashite omedetou gozaimasu!

sa tagalog......

Manigong bagong taon! ^_^

thank you Lord for 2010 and thank you for 2011.
2011 will be a great year. i just know. i believe ^_^

positivity! cheers!

Tuesday, December 28, 2010

hindi lahat ng kulot salot

got my hair (digitally) permed at tony and jackey (sm north edsa) last sunday. thank you to my beloved husband basuraman for accompanying me (and for paying the bill as well hihi). ang pangarap kong maging kulot ay natupad din!

4.5 excruciating hours! ugh!

and today we went to zoobic safari....

close encounter with the tigerrrr. btw headband courtesy of my sis elotte :D

look at the humongous paws and scary teeth! andaming laway!
group picture ^_^
@aristocrat... kami'y tao lang na napapagod at naguguom din :D
goodnight pilipins!

Wednesday, December 22, 2010

bongbong identity

buti na lang hindi pako nakikita ni poldo ng akalain niyang lalaki ako. kung hde......
ahmmmm.....howkei......

++++++

perstaym sa tanang buhay ko ever dito sa earth na napagkamalan akong lalaki. partida hindi pa nila ako nakikita bwahahahaha (subukan mong makitawa kakalabitin ka ng mumu)

kaya paguwi ko ng pinas e magpapatingin ako sa OB-gyne.

para mahanap ang nagtatago kong matris na natabunan na daw ng taba sabi ng nanay ko kaya hindi daw ako mabubuntis.
o kung talagang may matris ba ako!

++++++

ang lalaking dumamay at umaliw sakin sa mg panahong subsob na subsob ako sa overtime.
i know you are so last last year pero pagkatapos kong marinig ng 100 times ang iyong mga kanta lalo na ang Bar-ba-sol napagtanto ko na....
mahal na kita....



Tuesday, December 21, 2010

pasko na sinta ko

i'm coming home

i'm coming home

tell the world

i'm coming home.....

-narinig ko habang pinapanood ang "The Townie" episode ng Gossip Girl ^_^

++++++

ilang tulog na lang jabi na naman.... at dahil walking distance ang jabi sa bahay nila basuraman e paniguradong everyday jabi ito! yeahboi ^0^

++++++

at dahil mabagal ang internet connection sa third world country e baka pagbalik ko na ulit dito sa nihon makapagblog.

++++++

Merry Christmas and Happy New Year!

hindi ko pa flight bukas. ilang days pa. excited lang ^_^V

Monday, December 20, 2010

bonenkai

The direct meaning of bonenkai is "forget-the-year party". Basically it has the meaning to forget the unpleasant memories of the passing year and to prepare oneself to welcome the new year.Just like the year end parties in the Philippines. It is not a Christmas party since Christmas is not a really big event/celebration for Japanese because most of them are not Christians. 

Discrimination. Bonenkai 1

So we had our group's bonenkai last Wednesday. We had dinner at this place where we had our "Uchiage" party (party after finishing a project). Shempre tabehodai (eat-all-you-can). Kasama namin si Leader na magaling mag-nihonggo at siya ang tumawag sa resto para sa reservation. We had our reservation at 6pm. Upon reaching the place we're kinda surprised by the not-so-warm welcome that the staff showed us. Very unlikely for Japanese.

While waiting for our orders Leader told us something. At ito ang nakapagpawalang-gana saming lahat. Tumawag ang resto nung afternoon to ask kung malakas daw ba kaming kumain. Like "duh????". They shouldn't have offered a tabehodai service if they can't afford. nagkaroon daw kasi ng incident na may foreigners na kumain dun at naubos daw yung stocks nila. hindi na nabanggit kung anong lahi. kaya mejo cautious na daw sila sa pagtanggap ng foreigners na customers.

at lalong nawalan kami ng gana kasi inaabot ng 1000 years bago dumating yung orders. pakiramdam namin sinasadya nila. meron lang kaming 2 hours para lumamon. so kung tatagalan nga naman nila ang pagseserve e di konti lang makakain namin. kaya ekis na sila.

hindi nako nakakuha ng mga litrato sapagkat naiwan ko ang memory card (na naman) ng aking cam pati na rin ang aking nyelpown. galing ko talaga.

Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part A

December 17, 2010. Bonenkai naman ng company. at hindi totoo na libre lahat kapag bonenkai ng company. nagbayad kaya kami. anyhoo first time naming umattend dahil last year e nasa pinas na kami nung dinaos ang companybonenkai.  sulit naman dahil sobrang nag-enjoy kami.


tables. liqours. foods. but no chairs. ganyan ang setup nung party. advantage na rin samin para derecho kagad sa talampakan ang kinakain. at dahil kami ay mga dakilang KUMPU kids (KUMPUmulutan parang nasa picnic lang) madaling naubos ang pagkain sa aming hapag kumapara sa mga inumin. aba'y kailangang sulitin ang binayad!


natutuwa ako sa presidente namin dahil talagang lumapit sha samin para makipag-usap. hindi sha yung usual high-ranking official na nasa isang lugar lang kasama ang mga taong ka-level niya. ayun sa sobrang galak niya at marahil ay sa kalasingan na rin e pinagsalita niya kaming lahat na Firipin-jin (Filipino) sa harap. over a microphone.

minna-san konbanwa! (magandang gabi ebribadeh!) watashi o-namae wa マリア desu. (My name is *****.) Thank you for havin' us here. Enjoy the night.

panauhing pandangal??? hello???? ang engot lang. yan yung sinabi ko. wala na kasi akong maisip na matino. nagsisimula na kasing umikot ang paligid ko nung ako na yung magsasalita.

meron ng lasing kaya orange juice na ang tinitira.
at nanalo nga pala ako sa bingo. yun nga lang consolation prize. pero pwede na rin ^0^


pampainit ^o^ tanpo yata ang tawag dito.


Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part B
Karaniwan na dito na after ng party e merong 2nd party. usually umaatikabong kantahan sa karaoke. on the way na kami sa aming suking karaoke station ng biglang nayaya si bossing ng ibang group for another session ng inuman for second party. since kasama kami ni bossing at dahil mabait kami go go go na lang.

the crazy Harada-san
bossing is second from right
sino ang tuwang-tuwa?

edamame (green beans)
skewered things ^_^ forgot the name
pren prays!
lasang fishball



since nomihodai(drink-all-you-can) toma lang ng toma. Kanpai!

Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part C

It was already 12mn when we decided to go home. tama na sobra na bibigay na ang aming katawang lupa. punta na kami sa train station para habulin ang last trip. BUT WAIT! THERE'S MORE! si bossing nagyaya naman mag-karaoke. nanangkupo. ituloy daw yung naudlot na plano. sabi namin next time na lang kaso mapilit talaga. kung hindi lang siya mabait hindi siguro namin pagbibigyan. jusmio marimar. umabot kami ng 3rd party @_@



Hindi napo ako ulit uulit. Bonenkai 2. Part D

Oo may Part D pa. joke. pero muntik na. after an hour umuwi na kami. final answer. magtataxi na sana kami ni mommy joy kaso ang haba ng pila kaya sumabay na lang kami dun sa 2 na naka-bike. at naloka kami ng bonggang-bongga dahil nakita namin si bossing na bumabalik! mag-ramen daw kami. during that time tumanggi na kami ng totoong-totoo dahil kung papayag pa kami e malamang hintayin na lang namin ni ate joy yung first trip ng train. at sabi ko nga baka isuka ko na yung kakainin ko if ever. pumayag naman si bossing and next time na lang daw pero kita mo ang lungkot sa kanyang kaliwang mata...awwww...LOL

nakauwi na kami ng bahay: 2am.
kinbukasan: nagtatae ako

pramis. hindi napo ako uulit....

Wednesday, December 15, 2010

ang anak ni simon

'tis the time of the year when i am able to indulge in one of my favorite fruits... say hello to persimmon ^_^


katulad ng grapefruit  perstaym kong makatikim ng persimmon o kaki (in Japanese) dito sa Nihon. The texture of the flesh reminds me of kaimito (star apple) but not that soft/mushy. And it is sweet! kaya nga naging peborit ko sha ^_^



una ko shang natikman nung pinadala ako ni former company sa probinsha ng Gifu (Japan) last 200(?). sakto naman autumn/winter at sila ang star of the season. magmula nun kada balik ko sa Japan para magtraining at saktong autum/winter e nakakakain ako ng kaki.


sa lahat na lang yata ng bakuran dito e merong puno ng persimmon. ang nakakainis lang hinahayaan lang nila mabulok. e kung ibigay pa nila sakin e di nakatulong pa sila sa nangangailangan ^0^

pero ang gusto ko talagang matikman e yung melon na worth 10,000 yen! oo isang bilog na melon na halos nagkakahalaga ng 5,000 piso. pag tumama ako sa lotto isang linggo ako kakain nun ^0^

Sunday, December 12, 2010

one good thing about my workplace

I can see Mt. Fuji everyday as long as the sky is clear. ^_^ A very good stress reliever.

I was already in the brink of giving up last night because of my workloads. Aside from the module that I have to design I was given another task. Fortunately email list management already solved my problem on how I am going to disseminate the information (with corresponding time of sending) to the contact persons my supervisor has given me.


I took the pictures this morning. Since it is Saturday and I was the first to come to the office I was able to take some pics. I get shy with my Japanese colleagues who are present in the office every time I wanted to take a picture of Mt. Fuji.

Say hello to Fuji-san ^_^


The weather was better yesterday. Clearer than today.


See you on Monday Fuji-san ^_^

Friday, December 10, 2010

gudmurrrrneng ebribadeh!

dear manay charo,

isogashii mode na naman si watashi kaya 11:40 na ng gabi e nagluluto pa akesh ng babaunin para bukas. habang kinakain ang ramen na tira ni ate joy na tira ni kuya roel e napaisip ako kung bakit nagshi-shrink ang meatballs na aking piniprito. mula sa size ng pimpom bols e naging kasinglaki na sha ng jolens. anyhoo dadamihan ko na lang ang sweet&sour sauce para kunwari marami....

hanggang ngayon hindi pa ineemail sakin ang naknampuchang bagong itinerary ko. ilang beses kong kailangan tumawag sa PAL? one hundred times? bat kasi hindi nila gayahin ang Delta pwede online...

sa shokudo (canteen) kami kumakain ng dinner kapag nagre-render ng overtime. hindi na namin mahintay na makauwi ng bahay para kumain dahil kadalasan past 10pm na kami nakakalabas ng office. dati kasi magtitinapay kami sa hapon tapos sa bahay na ang hapunan kahit abutin pa ng 11pm. eto nga pala yung ilang sa mga kinakain ko.


yakisoba and yoghurt drink with pambura sa ibabaw

shempre di mawawala ang nudols. light para sa mga health konshus kuno nyarharhar

coffee jelly plus biscuits. wala na kasi pambali ng kanin :)
onigiri - rice on the go :)
obento 1 - fish/salmon and sausage with kung anik-anik plus rice

dambuhalang tonkatsu and rice with macaroni salad
eto yung kinain ko kanina. 2 mini-onigiri, boiled mushroom and carrot, meatball, and 2 tofu-covered rice chenes.
dahil bonggang-bonggang overtime ang aking haharapin sa mga susunod na araw e hindi ko na alam kung saang parte ng mukha ko mapupunta ang aking mga eye luggages. nasabi ko tuloy kay mommy joy "antaba ko na nga ampangit ko pang uuwi ng pinas"...

natutuwa ako sa nabili kong celpown holder. buti na lang napagkasya ko ang aking nyelpown. 100 yen lang yan ^_^


bumukol sa gilid. napghahalatang pinilit XD
hanggang sa muli. paalam!


lubos na gumigiling,
sikoletlover

Sunday, December 5, 2010

how sweet it is...

An 10-degree-celsius temperature won't stop me from eating this...


i didn't eat them both. i had the dolce fondant au chocolat. but daddy roel let me taste the truffe chocolat. walang lamig-lamig sa taong mahilig sa ice cream lalo na sa sikolets ^_^ may heater naman sa kwarto.

as usual sira na naman ang diet. (diet na never nag-exist hehe)

Saturday, December 4, 2010

emdee

dahil kabirthday mo si britney spears para sayo ang post na itey.

'pibertdei boi ^_^

yun lang. tekker.


ang 2 siraulo

P.S. oo may leeg ka pa nung mga panahon na yan at size M pa ang damit ko ^0^

Thursday, December 2, 2010

dabaks

convo with a transtech agent

ako: hi mag-avail lang sana ako ng balikbayan box serice ninyo...
agent: ok ma'am. meron nga din po pala kaming ibang services na inooffer like blah blah blah blah
ako: *yawns* ho hummmm.....


ng tumigil sa kadadakdak si agent after 100 years....

ako: a ok. yung balikbayan box service lang.
kinuha na ni agent ang aking name, postal code, street number and name & no. ng apartment.

ako: ah ok na yung info na binigay ko sa address? ok na yun? (e kasi naman puro number lang kinuha niya)
agent: ok napo ate. eto yung address niyo di ba blah blah blah blah.
ako: ok a...
agent: ate naman nasa japan tayo kaya automatic!
ako: haha oo nga no...


gustuhin ko mang mainis sa agent naunahan nako ng tawa. mabait and accommodating naman kasi si agent at may point sha ^_^


dabaks
jumbo size pa yung kinuha ko. then i just realized pano ko pupunuin ang naknampuchang box @_@
pakiramdam ko magpapadala ako ng relief goods
finished product
4.5 rolls of packaging tape. yung 1 nasa basurahan na. maygas. sumakit ang kasu-kasuan at likod ko.

pasensha na hindi ako Best in THE
sa almost 1.5 years kong pamamalagi sa nihon e ngayon ko lang naisipan magpa-box. dahil sa isang makasariling kadahilanan. gusto ko kasi paguwi ko this december hindi mabigat ang maleta ko. nakakatuyot ang magcommute mula sa bahay hanggang airport karag-karag ang 27-kilo luggage with hand carry! tama na. sobra na. ang arte ko lang. hinihiling ko lang sa poong maykapal e makarating ng matiwasay ang aking padala sa pinas. sayang naman ang nissin shifuds kap nudols ng nanay ko!

pakiramdam ko isa nakong ganap na OFW! yay! choz hahaha

++++++

OT: epektib yata yung drama ko kahapon hihi

Wednesday, December 1, 2010

jirita jackson mode: ON

sumasabay pa yung trabaho sa homesick (hindi na pala ako homesick) na nararamdaman ko. ayoko sanang isulat ang mga hindi magandang nangyayari sa akin/amin sa trabaho dahil gusto ko sana e happy memories lang ang nilalaman ng blog na itey (at tsaka baka mabasa ni #$%&@. mahirap na). anyhoo mejo jirita jackson mode ako ngayon dahil meron na namang ipinipilit sakin yung leader namin. hektwali matagal na itong bagay na ito and like it's so last year. hindi ako nagpakita ng interes and eventually bigla na lang nawala. kaso eto siya at nagbabalik! gusto kasi nila na ipahawak ang APR sakin at magfocus lang sa tool na yun. kesho ako na daw ang magiging "future" expert pagdating sa tool na yun blah blah blah. expert yer effin' face. pag nagkataon logic/digital circuits na lang palagi ang iha-handle ko. taliwas sa pagdedesign ko ng iba't ibang analog/digital/mixed modules na 5 years ko ng ginagawa. open naman ako sa pag-aaral ng bagong tool pero parang ayoko na ma-stuck lang ako sa iisang bagay. lalong nawawalan ako ng interes na mag-aral dahil naunahan na ako ng inis.

ang isa pang kinaiinis ko e sinabi na ni magaling na leader ko sa aming bossing na japon na kaya ko ng gamitin yung tool at pwede ng isabak sa paggawa ng product. haller?! can i just kill him right now? e ilang beses ko ng sinabi na hindi pa nga kaya. parang sinabi niya na pede na magtake ng college entrance exam ang isang grade 1 pupil. imbyerna!

meron naman ako choice na tuluyang tanggihan kaso baka isipin nila na hindi ako versatile at hindi ko pa mandin nasusubukan e umaayaw nako. nakakatakot na baka hindi ko magawa ng maayos at tama pero tsaka ko na iisipin yung bagay na yun. sa ngayon gagawin ko na lang muna ang kaya ng powers ko. kung ano man ang magiging resulta, sa bandang huli masasabi ko pa rin na "i tried...".

magagamit ko na ulit tuloy ang binili kong fenk na notebook para sa pag-aaral na itey. hay....

p.s. tinatamad akong i-elaborate pa ng husto ang ginagawa ko sa trabaho. tsaka ang rason naman talaga kung bakit ayaw ko yung tool kasi tinatamad ako mag-aral. oo ako na ang tamad. tamad tamad tamad tamad..... (~<>~)zzzzz

++++++

at ang isa pang kinakainis ko sa mga panahong eto: ang hirap humingi ng oras sa mga tao sa pinas. hindi naman anytime pede ako umuwi ng pinas, hindi naman ako ganun katagal magbakasyon sa pinas. maswerte na kung umabot ng 2 weeks! nakakawalang gana magplano ng bakasyon. basta najijirita ako! nakakainis! RAWRRRRRRRRRRRRRRR!