Pages

Monday, July 16, 2012

Isang Sulyap sa Loob ng Banga

Matagal ko ng gustong gawin ang entry na ito pero ngayon ko lang nagawa. Wahleylung. Ang init kasi. Lunes na lunes walang pasok. Holiday kasi. Kainez...choz! Anyway ano nga ba ang nasa loob ng banga na araw-araw kong dala sa opisina? Hindi ko na sinama ang aking lunchbox at bottle with powdered milk(Anmum). 


1. Gigantic notebook - feeling ko may kulang pag wala akong dalang notebook. ewan ko ba.
2. Itim na libro ni hudas. juk. Memo book - ang listahan ng aking mga utang at mga importanteng chenes sa buhay. Pag ito ang nawala..patay!
3. Tissue - yung pinapamigay lang sa daan na may kasamang advertisement. Back-up pag wala ang number 8.
4. ID plus access card.
5. Nyelpown 
6. Nyelpown charger with batteries - dahil madalas kong makalimutan na icharge ang aking nyelpown sa bahay
7. Player and earphones - na madalang ko gamitin dahil sa No.9.
8. Bimpo - Hindi ako mapakali kapag wala akong bimpo. Hindi kasi sapat ang tissue. Iritado ako maghapon kapag wala akong bimpo.
9. Bracelet Rosary - Recently instead na makinig ng sounds habang naglalakad papasok sa opis or pauwi or habang naghihintay ng bus e nagdadasal ako ng rosary. I feel comfort  in praying the rosary.
10. Suica card -  Salamat kay mareng Wikipedia at ngayon ko lang nalaman na may ibig sabihin pala ang Suica (Super Urban Intelligent Card). It is a rechargeable contactless smart card used as a fare card for transportation. Pwede rin siyang pambayad sa mga convenient stores and pambili ng kung anik-anik sa mga vending machines.
11. Ballpen
12. Maternity and Child Handbook/boshitechou/booklet from the pharmacy - kahit hindi araw ng check-up ko nakaugalian ko ng dahil ito palagi in case na kailangan ko bigla pumunta ng hospital. Kasama na rin dito ang aking yellow coupons for discounts on my check-ups.
13. Ang wallet na maswerte kahit hindi siya seiko. Actually di naman siya maswerte. Gusto ko lang sabihin.
14. The keychain which serves as my pass to priority seats in trains and buses. Ang parpol banga na regalo sakin ng aking mommy joy and daddy roel. Pahinga muna ang pulang bag ni little red riding hood dahil masyado na siyang gamit na gamit.

Hindi na ako nagdadala ng alcohol, lotion and oil blotting paper dahil nasa cabinet ko na siya opis. Minsan kapag maaraw or maulan nagdadala ako ng payong. Magkaiba ang payong ko kapag maaraw lang at kapag umuulan. Arte lang ^_^

Hindi ko mapalitan ang aming table-cloth-inspired bed sheet. Kahit chaka ang itsura komportable kasi.

At dahil nagawa ko na ang entry na ito sana lang magawa ko na yung CDR ko na 2,000 years na in the making. Malapit ko ng ipukpok ang ulo ko sa bato!

Happy Monday ^_^


4 comments:

paolotte said...

bakit walang vanity kit? hehehe

sikoletlover said...

nasa drawer ko sa opis :)

Hack To The Max said...

ang kapal nung number 13... ang daming lapad... :D

sikoletlover said...

andaming resibo! haha