Huli man daw ang matsing, ginigiling pa ang sinaing.
Better later than laterererererer.......
September 26, 2014. Farewell party ng kasama namin sa grupo na si Koketsu-san.
Madam: Punta daw tayo sa Fuji-Q Highland.
Ako: Tara!
(Pagkatapos ng 3.1415 segundo......)
Ako: Teka kelan tsaka sino kasama? Tsaka pano tayo pupunta dun?
Ganyan ako madalas pag nae-excite. Oo kagad kahit hindi ko alam ang mga kondisyon. Kaya madalas rin ako napapahamak.
September 30, 2014
Walang pasok dahil walang network sa office. Nabili kasi ng isang American company ang kumpanya na pinagtatrabahuhan ko and need lumipat ng lugar. Buti na lang katabing building lang yung lilipatan. Pero temporary lang. By March 2015 lipat ulit pero dun na sa totoong location. Anyways diko alam kung perstaym ba nila pero 2 days kaming walang pasok dahil walang network. Kesa naman tumunganga kami sa opis at mag-aksaya ng kuryente e hindi na lang kami pinapasok. Paid leaves. Yeboi!
Since kasama namin ang Japanese friend namin na si Hayakawa-san e wala kaming naging problema sa pagbili ng tickets for the theme park and bus. We rode the highway bus and it took us 2 hours to reach our destination.
Hayakawa-san and I paid an additional 1,000 yen for the 'fast pass' of the TAKABISHA ride. Naturingang weekday pero napakahaba pa rin ng mga pila. Ewan ko ba sa mga Hapon. Kaya advise ng aming kaibigan e bumili ng isang fast pass ticket para sa ride na gusto ko talagang masakyan. Isang fast pass ticket lang binili ko kasi konti lang pera ko e hehe.
FIRST RIDE: EEJANAIKA (the 4th dimension coaster)
Noong panahon na sinakyan namin ito ni Hayakawa-san e ito ang Guinness World Record holder ng coaster with the greatest number of inversions. Wala akong pakialam kung hard kagad ang first ride ko. Bahala na si Lord.
WAITING TIME: 2hours
|
Picture muna bago ako natae sa salawal ko. Shempre joke lang yung natae. Naipot lang. Ganern. Joke ulit. |
Susme. Diko na alam kung ano ikukwento ko kay Hayakawa-san. Nasagad yung baon kong Japanese. Nung nakita ko na ng malapitan kung pano nag-ooperate yung ride e parang gusto kong mag-backout. Tanginadis. Suspended ang mga paa sa ere. Tapos may mga 1 million mysterious ways na iikot ka habang nasa ride. Walang halong eklavoo. Pagkatapos nung ride nagkaroon ako ng short-term amnesia. As in hindi ko alam kung sino ako, nasaan ako at kung anong ginagawa ko dun. Tapos hinahanap ko rin kung saan napunta yung balun-balunan, baga, bato, puso, small and large intestines ko. Ganun lang naman nangyari sakin.
|
Image from google. Parang nasusuka ko pag nakikita ko na ganyan itsura ko nun. |
|
Image from google |
NEXT: Great ZABOON/Cool Jappaan
WAITING TIME: Saglit lang
Nag-request ako na medyo pahinga muna kami ng konti. At para makasakay naman si Madam. Medyo refreshing kasi may involved na tubig. Parang Jungle Log Jam ng Enchanted Kingdom. Pero eto basa kung basa. Hindi siya yung basang wisik lang. May available rain coat na pwedeng bilhin. Meron ding mga lockers na pwedeng pag-iwanan ng gamit. Bumili kami ng rain coat kasi ayaw naming matulad dun sa mga nauna samin na ultimo yata mga underwears nila e basa.
|
Picture ulit bago sumakay. |
NEXT: Shining Flower (Ferris Wheel)
WAITING TIME: Saglit na saglit lang
Nag-request ulit ako ng pahinga. Ako na matanda. 2 roller coasters din yun kahit sabihin mong mababa lang yung isa. Maganda ang view. Maganda ang panahon. Kaso cloudy kaya hindi namin nakita si Mt. Fuji. Sobrang lapit na lang kasi niya. Zayangnesss. Tapos parang nahihilo ako kapag nakikita ko yung unang sinakyan ko na Eejanaika. Tapos parang gusto ko ng mag-backout dun sa ride na binilhan ko ng fast pass. Malamang uulit ako ng ferris wheel mimiya.
Lunch time! Maling-mali talaga yung timing. Nagpakabusog muna talaga ako bago sakyan yung TAKABISHA ride.
THIS IS IT PANSIT: TAKABISHA
WAITING TIME: 3 hours. Pero dahil meron kaming fast pass ticket WALEY! Bwahahahahaha! Ang ganda ng lakad ko sa express line habang binebelatan yung mga buryong na buryong na sa pila. Pero shempre joke lang yung belat. Peaceful akong tao. Ayaw ko ng gulo. At ayaw ko bigla ma-deport.
Sobrang saya kasi shempre hindi kami naghintay para lang masakyan ang ride na ito. Pero ninenerbiyos at the same time kasi kababalik ko lang ng internal organs ko sa tamang positions nila e matatanggal na naman.
|
Image from google |
|
Image from google. The steepest coaster with a drop angle of 121 degrees. Shet di ba? |
Magbabayad na rin lang naman ako ng extra e di dun na sa Guiness World Record holder.
|
Picture ulit muna bago matae sa salawal ulit. |
Edi yun pagkalagay ng gamit sa locker (ang convenient lang talaga) sumakay na. Tapos tapos na. Ganun lang. But wait! Hindi ganoon ang nangyari. Kada trip 8 persons lang ang sakay. Dumagdag siya sa nerbyos ko actually. Parang "Shet pag may nangyaring masama 8 LANG kaming mamamatay." Ganung level ng nerbyos hehe. Pasensha na sa may planong sumakay sa ride na ito for the first time pero hindi lang naman kasi kinaya ng puso ko yung sa simula ng ride e wala kang makikita. As in parang papasok ka sa isang tunnel na walang ka-ilaw-ilaw. Hindi ko inexpect yun. Dun pa lang sa part na yun nasira na yata ang eardrums ng mga kasama ko sa kakasigaw. At ang masakit pa e ako lang sumisigaw. E di sila na matatapang!!!
At nang muli kong nasilayan ang liwanag e nakahiga nako. Papaakyat sa langit. Pero hindi pako patay. Paakyat na yung cart/car para sa 121degree-drop. Siguro inakala ng mga kasama ko e miyembro ako ng kulto sa dami ng orasyon na nabanggit ko. Ang ganda lang talaga sa ride na ito e bago yung 121 degree-drop e hihinto muna kayo sa itaas ng matagal. Namnamin baga yung view bago ka mamatay. Shempre walang clue kung kelan ka babagsak. Teka hanapin ko lang puso ko. Tumalon nung naalala ko yung moment na yun. Ikot. Ikot. Sigaw. Ikot. Himatay. Sigaw. Ikot. Sigaw. Himatay. Ikot. Hinto.
Nakalakad pa naman ako papunta kay Madam nun. Shempre nakakahiya naman kay Hayakawa-san. Pero sabi ko CR lang ako. Medyo nag-stay ako ng matagal sa toilet kasi akala ko masusuka ako.
NEXT: Fuji Airways (4D theatre)
WAITING TIME: Nakalimutan ko na. Pero Saglit lang.
Maganda sana itong attraction na ito kung hindi ako nahihilo. Kumbaga dapat normal lang ang aking kalagayan para ma-enjoy ko talaga siya. Actually akala ko marerelax ako sa attraction na ito kaso lalo ako nahilo. Hindi ko kayang manood ng 3D achuchiching dahil sa mata ko. Yung saglit OK lang. Kaso nga simula pa lang di nako OK.
Since natuwa si Madam at Hayakawa-san sa attraction na itwu e umulit pa sila. Ako nagpaiwan na sa bench para magpahinga. Kasi hindi ko na talaga kaya. As in anytime masusuka na talaga ako. Ngayon napatunayan kong hindi na talaga ako bata. Dati kasi maning-mani sa akin ang Anchor's Away at Space Shuttle ng Enchanted Kingdom. Ngayon bokya na.
OTHERS: THOMASLAND
WAITING TIME: Waley
Oo pinatos namin ang Thomas Land kahit pambata. Wapakels kahit kami lang ang matatanda na sumakay sa train. Kailangan naming magpahinga lalo na ako. Sobrang enjoy for sure ng mga bata (at matanda) na fan si Thomas and friends.
Nung medyo OK nako e umulit kami sa Great ZABOON tapos dahil mejo basa na rin lang kami e eto na yung sinunod naming ride:
NEXT: NAGASHIMASUKA
WAITING TIME: Nakalimutan ko na. Siguro mga 120minutes.
Parang Rio Grande ng Enchanted Kingdom. Gusto ko sanang ulitin itong ride na ito kaso ang haba ng pila.
|
After the Nagashimasuka ride. Maiba naman. 'Di laging before. |
At dahil padilim na nag-ferris wheel ulit kami bago umuwi. Bukas na ang mga ilaw kaya ang ganda ng view. Kumbaga sa exercise e nasa cool down period na kami.
Meron akong gustong attraction na hindi na-try. Yung 'Super Scary Labirynth of Fear'. Gusto ko lang sanang subukan kung kakayanin ko ba. Kaso wala ng time, 3 hours yata ang waiting time and hindi na sila nag-aaccept pa ng papasok. Sayang talaga! Siguro sign na rin yun. Baka kung natuloy kami ambulansya na maghatid sakin sa bahay. Ang tapang ko kaya!
SUMMARY:
Oo may summary talaga! Ang haba ng post na ito ha. Biro lang yung summary. Conclusion ito dapat. I really enjoyed Fuji-Q Highland. Medyo bitin kasi sobrang dami ng attractions and hindi enough ang isang araw. Siguro para sa ibang makakabasa nito e OA yung reactions ko sa ilang rides. Wala e. Ganun talaga. Basta ako masaya na ako sa mga attractions/rides na nasakyan ko. Lalong-lalo na yung EEJANAIKA and TAKABISHA!
*Ang chaka ng pictures. Yan lang kasi ang meron sa instagram ko. Nasira kasi ang hinayupak na fon ko and hindi ko na-back-up ang aking mga files. Kapag may time ikukwento ko sa susunod na post kung panong natyempuhan ang telepono ko ng 'The Blue Screen of Death' dahil lang sa paga-update ko ng IOS.
Good day ebribadeh! ^_^