Pages

Friday, April 22, 2016

Hanami 2016

At dahil magiging busy na ako next week ay ihahabol ko na ang post na ito. Actually meron pa akong isang ganap na nangayari nung weekend (April 16-17) na ipo-post ko sa mga susunod na araw. Ang gala namin ni Madam sa Noto. Anyways....

Last year nasa Tokyo pa ako kaya sa Inokashira Park ako nagpunta para kumuha ng litrato ng sakura/cherry blossoms. Ang aga ko umalis kasi mag-isa ko lang naman tapos umuulan pa.

Cherry blossoms at Inokashira Park. Spring 2015. Ang aga ko gumising atbumyahe para dito. ^_^
So this year balik ulit ako sa Shinjuku Gyoen National Garden. Meron kasi imi-meet na friends si Madam from Singapore na kakilala ko rin naman and dun sila pupunta. Tutal wala naman ako gagawin sa bahay kaya sumama na rin ako.

We were planning to do picnic under the cherry blossom trees (the usual na ginagawa ng mga Hapon pag hanami) pero dahil umuulan lumibot na lang kami.

April 3, 2016

Shinjuku Gyoen National Garden

From Shinjuku Station nilakad na lang namin papuntang park. Sobrang dami ng tao. Mankai(Full bloom) na kasi ang sakura this week kaya dagsa ang mga tao sa park. Sa entrance pa lang ang haba na ng pila sa ticket booths. Yup meron entrance sa park na ito. But I don't bother paying for an entrance fee because the park is really well kept. Yun nga lang bawal ang alcoholic drinks sa loob ng park. Kaya mas pipiliin ko ang park na ito over Ueno park pagdating sa hanami.

 At dahil nasa Japan kami ang organized lang kasi pagpunta pa lang sa ticket booths e may cut-off nang nangyayari para nga naman hindi mag-build-up ang number ng tao. Maraming tao pero hindi naman kami naghintay ng matagal kasi swabe lang mula pagbili ng tickets hanggang pagpasok sa loob ng park.





Cloudy ng araw na yun kaya medyo madilim yung mga kuha ko. Pero kahit anong panahon, mapa-maaraw man o makulimlim, ay hindi pa rin nawawala ang kagandahan ng mga sakura. Kung pwede lang sana ako magkaroon ng ganitong puno sa bahay namin saya ko lang.

Dahil sobrang lawak ng park hindi mo mafi-feel na sobrang dami ng tao. Walang gitgitan. Kung gusto magpakuha sa ilalim ng sakura trees walang problem. Kahit yung parang nakadungaw ka lang tapos buong paligid ng mukha mo napapalibutan ng sakura walang problema. Ganern. Parang ganito.

Hi duhrrrr!
Most of the times pinagmamasdan ko lang yung paligid. Appreciating the scenery ba. Habang yung mga kasama namin e nagkukuhanan ng litrato bilang first time nila dito. Sobrang ma-mimiss ko ito pag umalis nako ng Japan. I think this would be my last hanami. Malapit na kasi ako umuwi ng Adelaide and mag-settle doon for good. Andun na kasi ang mag-ama ko. Ako na lang ang kulang. ^_^

Meiji Jingu/ Meiji Shrine

Pinasyal rin namin yung mga kasama namin na galing SG sa Meiji Jingu or Meiji Shrine. Actually ako talaga nag-suggest na pumunta dito. Kasi naman sa 6 na taon ko sa Tokyo e hindi ko pa napupuntahan ito. Sobrang curious lang ako kasi karamihan sa mga artista na nagpupunta sa Japan at napapadpad sa Tokyo e pumupunta sa Meiji Shrine. So feeling ko kailangan ko rin siya mapuntahan. Kailangan talaga kahit hindi ako artista. :P

From Yoyogi Station nilakad na lang namin papunta sa shrine. Pero mas popular sa tourist yung kabilang daan. Mula sa Harajuku Station. Either way accessible naman siya pero mas malapit kung sa Harajuku Station ka manggagaling.


Uma-artsy chururut ;)

Mas nagandahan/ na-appreciate ko yung daan papunta sa shrine. Meron kasi siyang forestry feels. Ganern. Sobrang nakaka-relax. Ansarap mag-muni-muni habang naglalakad. Pwede ka ring mag-emote. Pede ring feeling mo nasa isang music video ka ganern.




Okay naman yung shrine. Madaming tao. Para sa akin nothing spectacular. Pero popular yata ito sa mga nagpapakasal. Ilang minutes lang kami nag-stay then umalis na kami.

Since sa Harajuku Station naman daan namin papuntang Shibuya e pinakita namin sa mga kasama namin yung famous Takeshita Street. Harujosko. Walang pinagbago. Hindi mahulugan ng karayom sa sobrang dami ng tao. Kahit ako hindi ko nanainisin na pumasok sa street na yun. Dahil ayoko pang mamatay ahaha. Joke. Para hindi mashado morbid, ayokong paglabas ko sa street na iyon e may parte ng katawan ko na kulang o di kaya gula-gulanit na ang pagkatao ko. Pagkatao talaga ahahaha!

From Harajuku lipat kami sa Shibuya. Siyempre hindi nila pinalagpas na magpakuha kay Hachiko. Pati na rin ang pamosong Shibuya Crossing. Pero dahil weekend sobrang tao as usual. From there nagpaalam na kami ni Madam na uuwi na kami. At dahil mukhang pagod na rin naman na yung mga kasama namin e nagdecide na rin silang bumalik sa hotel nila. Grabe na-miss ko ang Shibuya. Na-miss ko ang Tokyo.

Sakura in Yokohama

No filter!
A week before ng gala namin sa Shinjuku Gyoen Garden (Easter Sunday) nakita ko yung sakura na ito malapit sa Yokohama Stadium. Yung church kasi na pinagsisimbahan namin (Yamate Sacred Heart Cathedral) e malapit sa Ishikawacho Station. After ng mass maglalakad na kami ni Madam from Ishikawacho Station papuntang Sakuragicho Station para bawas sa pamasahe hehe. Nadadaanan namin palagi ang Yokohama Stadium. Bago kami tumawid sa isang crossing nakita ko na siya. As in nag-iisa lang siya na puno na yun and sobrang pink. Sobrang pink gusto ko kainin haha.

A week after naman (ng gala namin sa Shinjuku Gyoen) e naglakad lakad kami ni madam. Exercise ba. Actually may pinuntaha kaming grocery store and kinda malayo pero para may exercise na rin kami nilakad namin. At bukod sa exercise may bonus pa kaming nakita.

Near Yokohama Internation Stadium/Nissan Stadium

Near Ikea
Hi durrrrr ulit!

Balakubak sa tubig ^_^
Pabagsak na rin ang mga talulot ng sakura kaya mukhang may balakubak ang paligid. Oo yun ang tawag ko sa mga nahulog na sakura petals. Habang nasa ilalim kami ng mga puno ng sakura biglang humangin. It's raining men este sakura petals! Ang sarap mag-emote ahahahaha. Feeling ko nasa isang koreanovela ako. Si Lee Min-ho na lang ang kulang! Landi.

Minsan talaga pag panahon ng Hanami mas makikita mo yung mga magagandang sakura sa mga lugar na hindi ganun kasikat. Yung mga tipong sa tabi-tabi lang. Mas konti ang tao. Mas maeenjoy mo. Parang sa buhay lang ng tao. Kakatingin mo sa mga bagay na sinasabi ng iba na maganda hindi mo na napapansin yung kagandahan ng mga bagay na nasa tabi mo lang. Oo epekto ng kakabasa ko ng Wattpad stories at pakikinig sa Stay ni Daryl Ong ahahahaha. Lintek.

Up next.... parang The Buzz lang.

Yung next post ko will be our Noto trip. Noto is a peninsula that projects north into the Sea of Japan from the coast of Ishikawa Prefecture in Central Honshuu, the main island of Japan (accdg. to Wikipedia). So bandang west side ng Japan. Hindi rin ako aware sa lugar na ito ng Japan. May nag-offer lang ng tour package kay Madam tapos ask niya kung gusto ko daw. Why not chocnut?!


Hanggang sa muli.
Bow.

Tuesday, April 19, 2016

Wattpad

Naririnig ko na siya before pero hindi ko naman siya masyadong pinapansin. Tapos biglang naging movie yung Diary ng Panget na galing din Wattpad. Pero hindi ko pa rin sinubukan i-visit yung site. Lately wala kami masyado work kaya medyo boring. After reading the news and showbiz chismax in the morning e wala na akong ibang alam basahin. Mahilig ako magbasa pero halos lahat in English. Walang Tagalog. Feeling ko kasi parang ang korni pag Tagalog. Alam niyo yung "romance" pocketbook sa Pinas na maninipis and minsan pina-parent ng 5 pesos? Feeling ko ganun yung binabasa ko hehe. Andami kong books na nakatengga ngayon at hindi ko na natapos basahin. Andali kong ma-distract kasi. Pati yung libro na binigay sakin ni Elotte nung pasko. (Sorry Sis! Malapit ko na siya basahin promise. Nakabili nako bookmark ahahahaha) Anyhoo lately na-intriga ako sa mga Text-serye na nakikita ko sa facebook kaya pati yun pinatulan ko basahin. Na-realize ko OK din pala magbasa ng mga love stories in Tagalog. Merong maganda, merong tsaka. After ilang stories medyo nakukulangan nako sa mga text-serye. Kaya naisipan kong i-try magbasa sa Wattpad.

The Tinedyer in me.

Nakakahiya mang aminin pero yung binabasa ko sa Wattpad puro teen fiction. I know I know. Pwede niyo kong husgahan na ambabaw kong tao. E ganun talaga. Antanda ko na para sa ganyang mga stories. Doblehin mo yung edad ng isang teenager e ganun na yung edad ko ngayon. Kahit ganito nako katanda e may konting space pa rin sa puso ko para sa mga kilig moments ng teen love stories. Minsan feel na feel ko na teenager pa rin ako kapag nagbabasa ako ng ganitong genre ng stories with matching feeling ko rin ako yung bidang babae. Ganyan talaga pag tinamaan ng kabaliwan. Minsan lang naman. Pagbigyan niyo na.

At dahil nga bago pa lang sa Wattpad yung unang story na nabasa ko e hindi pala kumpleto! (The Devil + The Angel = Love?) Actually nasa kalagitnaan nako nung paalalahanan ako ni Madam na i-check ko kung completed ba yung binabasa ko or on-going or under hiatus. E kinda na-hook nako sa story. Tapos ayun nga on-going ang status ng pucha! At ang huling update? February 2015!!! Anong petsa na ngayon di ba???? April 2016! More than a year nang hindi naga-update yung author. So malamang wala na talaga yung story. Kahit alam kong hindi tapos tinuloy ko na lang yung pagbabasa kasi nanghihinayang ako sa naumpisahan ko. Sayang talaga kasi para sa akin ang ganda mag-construct ng story nung author.

Yung nababasa ko pa lang na stories ngayon e puro related sa bad boy na na-inlove sa isang nerdy nerdy girl. Ang childish ko lang. I know right? Naalala ko tuloy na minsan sinabihan ako ng tatay ko na para akong bata kasi kahit matanda na ako ang hilig ko pa daw sa cartoons. Anyways may nabasa na rin akong story na hindi kagandahan to the point na maraming part na iniscan ko lang yung page masabi lang na natapos ko siya. Kaya kinda nilevel-up ko yung criteria ko sa pagpili ng stories sa Wattpad na babasahin ko. Kailangan nasa millions na yung count ng mata and more than 500K na yung stars niya. Oo na hindi ko alam kung ano ba yung mata and star. Views ba yun and likes? Ah basta yun na yun. At ngayon nga gusto ko lang ikwento ang unang Wattpad story na nakapag-paiyak ng bonggang-bongga sakin. Iyakin talaga ako kaya pwedeng ako lang naiyak sa story na ito hehehe.

The Good Girl's Revenge - iyan yung title ng story. Pero bago ko siya binasa, nauna ko ng basahin yung Book 1 which is The Four Bad Boys and Me. Base dun sa nakalagay sa description e published na yung 2 stories na yun. Kaya naisip ko malamang maganda kasi nga published na nga. Hindi naman siguro mag-aaksaya ng time and resources yung publisher kung hindi maganda. At hindi naman ako nagkamali. Tapos ko na yung Book 1 and kasalukuyang nasa kalagitnaan na ako ng Book 2. Bakit ako gumawa kagad ng post? E kasi naman nasa denial stage na naman ako ng pagbabasa. Yung stage na alam mong matatapos na yung book na binabasa mo and ayaw mong matapos kasi nga maganda kaya kinda dinedelay mo yung pagbabasa. Ganyan madalas nangyayari sakin kaya andami kong mga sinimulan na basahin na books na hindi ko pa rin tapos. Hanggang sa tuluyan ko ng makalimutan.

Nagandahan talaga ako sa point na muntik na akong mag-iwan ng message sa author or mag-comment dun sa story. Kaso profile ko sa Facebook yung nakalink sa Wattpad kaya nahiya naman ako. Anyways ang galing mo talaga Ms. A! Tagos sa buto yung iyak moments. Pati puso ko sumakit! Oo ganyang level ahahahahaha! At dahil magiging busy na kami next week e tatapusin ko na yung binabasa ko. Yun lungs.

Hanggang sa muli! Bow.