February 26 - 5AM. Bumangon ako para magwiwi. May pinkish stain sa tissue pero hindi naman ako nabahala.
5:30AM. Parang may kakaiba akong naramdaman and pagsilip ko sa underwear ko dinudugo nako. As in period level. Ginising ko kagad si Basuraman. He was thinking of bringing me to the GP pero sa heavy ng bleeding ko I asked him to bring me to the Emergency Department of Women's and Children's Hospital (WCH). An hour later we reached the hospital and I am still bleeding. I was having a backpain pero nothing excruciating.
7AM. We went straight to the Women's Assessment Service of WCH. Tumawag na si Basuraman prior to our arrival and they advised to bring me to the hospital anytime. Crying lady na si watashi. Basuraman filled out a patient form in my behalf and I was given a patient tag later. Una inassess muna ako ng midwife, kung ano'ng nagyari, kung kumusta ba ako. She even checked my pad for the bleeding and kahit ako nagulat kasi half of my pad was already soaked in blood (and I was still bleeding at that time). We waited and sinundo ulit ako ng another midwife para pumunta sa isang room together with Basuraman and Miko. After some physical checkup and questions, the midwife told me that an OB will come to the room soon. The OB did a pelvic ultrasound and praise God bibi is fine. First time nakita ni Miko si bibi and they were able to hear bibi's heartbeat. After the pelvic ultrasound, the OB did an internal check. Carry boom boom lang naman kasi I've done pap smear before and sa Japan ilang weeks din na puro transvaginal ang ultrasound ko kay Miko. It was uncomfortable pero lahat kakayanin para kay bibi. Nakakalerkey lang mga Mumshies kasi habang nakabukaka si watashi e tatawagin lang daw ni Ate OB yung isang doctor kasi meron siyang need ipa-consult e. With the clamp in my vajayjay na hawak ni Midwife e hinintay namin si OB no. 2. Check dito, check doon. Kalkal dito, kalkal doon. I even changed my position kasi meron daw silang di makita. They can't seem to figure out kung ano yung cause ng bleeding kaya I needed a transvaginal ultrasound scan, which unfortunately e hindi daw available sa WCH kaya need ko magpa-appointment outside. (I know right? Anong klaseng ospital naman yun.) After the scan balik daw ako sa hospital for the reading ng result. Nag-agahan muna si Basuraman and Miko sa cafeteria ng hospital habang naghahanap ako ng diagnostic center na may available slot that day. And luckily merong available ng 2pm sa Radiology SA sa Memorial Hospital na nasa tapat lang WCH.
Ako: Miko did you see baby during the ultrasound scan? You even heard baby's heartbeat.
Miko: Yeah. The baby's not cute.
2PM. Iniwan muna namin kay Madam J si Miko. So need na naman uminom ni watashi ng tubig an hour before the scan. Pero this time diko na sinunod yung 1L. Mga 750mL na lang para naman hindi ako mahirapan ng bongga. Kinda naghintay kami ng konti kasi di naman ako nasalang by 2PM. So ayun pelvic ultrasound muna bago yung transvaginal. Okay naman si bibi sa pelvic ultrasound. After ng transvaginal scan kinda kinabahan ako kay Ateng sonographer kasi meron daw siyang need itanong sa doctor niya bago niya daw ako irelease. E di andami ko ng naiisip. Tapos antagal pa niya bumalik. Pagbalik niya tinanong niya ako kung babalik daw ba ako sa hosp./clinic. Sabi ko oo. I-forward na lang daw niya yung result dun and kinonfirm ko kung kelan marerecieve yung result sa WCH. Mga after 1 hour daw. Hinintay na namin ni Basuraman para di na kami bumalik kinabukasan. Mahal parking e tsaka hirap makahanap ng slot.
3:30PM Balik WCH. Hintay ulit sa Women's Assessment Service ng WCH. Andaming ibang pasyente. Merong crying lady and merong anytime manganganak na yata. Tapos tinawag na kami ni Basuraman sa room. Ibang doctor na yung humarap samin kasi Natapos na yung shift nung 2 OB na tumingin sakin kanina. At ang resulta......
May fibroid silang nakita between my uterus and wall ng tyan ko pero it has nothing to do daw with my bleeding. And she also informed us that there's nothing wrong with the fibroid. It's normal. Ayun na nga mga mumshies they really don't know the cause of the bleeding. She just assured me na baby is doing fine. Shempre nag-alala lang ako na pano kung maulit ulit di ba? Ang hirap naman kasi ng ganun. Tawag na lang daw ako sa hospital or pumunta dun if there will be heavy bleeding and pain.
After ilang days meron pa rin akong konting bleeding pero I think residue na lang yun ng ginawa nilang pagcheck sakin and ininform naman kami ng doctor.
Hay anak, lakasan lang ang kapit ha!
No comments:
Post a Comment