Happy 4 months bibi! Konting-konting-konti na lang ubo ko mga Mumshies! Halos wala na talaga. Salamat po Lord. Nawa'y hindi napo maulit kasi napakahirap.
This week e medyo iritable ako kay Miko. As in. Lalo na kapag nagsasalita siya habang kumakain. Naiirita ako na nakikita ko yung pagkain sa bibig niya. O dili kaya kapag bigla siya umutot sa harap ko. Naku inis na inis ako. Ewan ko kung bakit. Feeling maarte ako this week. Napagalitan nga ako ni basuraman kasi hindi ko napapansin na sobra ko na pala napapagalitan yung anak ko. Konting kibit lang daw ng bata nagagalit na kagad ako. I'm thankful na andyan si Basuraman para pagsabihan ako.
May pasundot-sundot na nausea. Eto na nga bang sinasabi ni Basuraman na na-overpower lang yata ng ubo ko yung all-day sickness ko. Pero hindi na kasing lala noong mga naunang linggo.
Still picky sa pagkain pero hindi na katulad ng first sem ng aking pagbubuntis na hindi ako halos makakain. Still trying to incorporate veggies and fruits sa pagkain ko.
April 12, 2019 - 8:30AM ang scheduled GTT (Glucose Tolerance Test) ko. Pero 8:15AM andun nako kaya nasalang kagad ako ng maaga (konti lang). I did fasting for 10hrs at buti na lang di nako mashado inaatake ng morning sickness ngayon kasi sinabi ni Ateng na I might throw up and if nangyari yun, they have to cancel the test. So Ateng tested me first if my blood sugar is in the 'safe range'. So far so good. Kinuhanan na niya ako ng dugo then pinainon ng glucose solution for 5 mins. Tapos hintay ulit ng 1 oras para sa next take ng blood. Nagdala pako ng laptop kasi akala ko makakapagwork ako habang naghihintay kaso wala namang table. Nakakahiya naman kung magrerequest pako. And Ateng advised na pede akong mag-toilet and uminom ng tubig pero bawal masyado mag-gagagalaw para hindi makapagburn ng energy AKA hindi maapektuhan yung test. After ilang minutes medyo feeling ko masusuka ako pero slight lang naman kaya carry boom boom pa. Miya-miya dumating na si Basuraman after ng kanyang physio appointment. Sabi ko kasi balikan na lang niya ako after the test kasi 2 hrs yung paghihintay kaso hindi rin naman daw niya ako matiis na nag-iisa. Naglalaban mga Mumshies yung gutom at suka na nararamdaman ko .
Lumipas ang isang oras at kinuhanan na naman ako ng dugo. Hintay ulit ng isang oras para sa final take ng blood. Napansin ko lang sa SA Pathology na ang busy hour niya is from 8;45AM to 9:30 AM. Ayun napansin ko lang.
Finally after 1 hour kinuha na yung last sample ng blood. Kinda masakit na nga yung tusok sa left arm ko. Sabi ni Ateng tawagan ko na lang yung midwife ko for the result. Pero may appointment naman ako sa OB sa May 3 so dun ko na lang tanungin. And I think if may nakita silang problem dun sa test ay tatawagan naman nila ako immediately.
April 13, 2019 Pumunta kami sa Pregnancy Baby and Children's Expo (Adelaide). Nagbabakasakali na may makitang items for bibi. Wala pa naman talaga kaming plano mamili kasi parang ang aga pa kasi. Actually si Miko yung masaya talaga kasi may face painting tapos kumain pa ng fairy floss (cotton candy). Tumingin-tingin lang kami ng products/services for bibi.
May nabili naman kami na 3 swaddle cloths tsaka thermometer. Tsaka yung parang mattress (pero smaller than mattress ng mga cots) na may guards sa gilid. Like if you have a portacot pede na siya para di na bumili ng mattress hehe. And if like mo na sa bed lang si bibi or sa sala pedeng dun muna siya. May kasama siyang cushion that will serve as parang guard sa head or body to keep bibi still. Sabi ko nga kay Basuraman huwag na kaming bumili ng crib/cot. Pede na yun hehe. Diko na mapicturan kasi nasa taguan na siya at tinatamad ako kuhanin para lang sa picture. Tinatamad din akong hanapin sa net kung ano tawag dun.
May mga nakuha rin kaming freebies like pregnancy-related brochures and booklet, ballpens, skin care products for bibi, ballpens ulit tsaka yung snack for babies na hindi nagustuhan ni Miko.
Lunch time umalis na kami and nagpunta na sa city para puntahan yung Fossil Fest sa SA(South Australian) Musuem. Sakto may nadaanan kaming parang food event sa Victoria's Square (Tasting Australia) kaya doon na kami chumicha for lunch. Naglaro rin saglit sa fountain si Miko bago kami sumakay ng tram papuntang museum. Buti na lang libre ang sakay sa tram within the city. Sa kalagayan ko now medyo madali na kasi sumakit likod ko and nag-iingat din kami baka duguin na naman kasi ako.
Pagdating namin sa museum, para ng kiti-kiti si Miko na hindi mapakali. Sa hilig ba naman ni Miko sa dinosaur e feeling niya siguro nasa cloud 9 siya.
Sobrang saya lang namin kasi nakita namin kung gaano kasaya ni Miko noong araw na yun lalo noong nasa museum kami. Mga bandang 3:30PM nagyaya nakong umuwi. Actually may need pa kami bilhin sa Daiso and kailangan ko pa silang i-libre ng milk tea. (^_^)
Kinagabihan masama na pakiramdam ko. Nasobrahan yata ako sa paglalakad. Nagkaroon din ako ng spotting (dark brown). Feeling namin ni Basuraman baka masyado akong natagtag sa paglalakad/paglilibot. Slight lang naman yung spotting. Pero minonitor ko pa rin.
April 14, 2019 - Medyo masama pa rin pakiramdam ko pagkagising. May konting spotting pa rin na dark brown pero konting-konting na lang. Parang smear na lang siya everytime na magwipe ako after magwiwi. Nagpahinga lang ako maghapon kasi kinakabahan na naman ako baka mimiya magbleed na lang ako bigla. Nawala naman na yung spotting later that day pero masakit pa rin katawan ko.
Kapit lang tayo bibi. We are always praying for your healthy growth. Welabyuberimachi!
P.S. I decided to put the name of the fruit or veggie na ka-size ni bibi during this week. Reference from the two baby apps that I am using right now: Baby Center and Pregnancy +.
No comments:
Post a Comment