Isang maubong linggo mga mumshies! Oo whole week akong inuubo. At mukhang magtatagal pa siya. I am not taking any medications (puro home remedies lang) kaya diko alam ang kung gaano magtatagal ang ubo ko. Pero sana naman gumaling na ako. Para na rin kay bibi.
March 26 - Nagkaroon ako ng slight bleeding. Napansin ko lang siya after ko mag-toilet. Bright red na naman kaya kinabahan na naman si watashi. Pero once lang siya nangyari this day and di naman naulit. Naisip ko baka dahil sa pag-ubo-ubo ko.
Worst ubo ever kasi hindi nga ako makapagtake ng gamot. At ang worry ko talaga yung epekto ng ubo ko kay bibi. Nahihirapan ako matulog kasi bigla na lang kakati lalamunan ko. So yung mga ginagawa kong home remedies para sa ubo ko ngayon ay ang mga sumusunod:
- Lemon Ginger Tea with real lemon and honey. Every moning and bago matulog. Di ako pumapalya mga mumshies kasi nga hirap na hirap na mey sa ubo ko.
- Gargle ng warm water with salt pagkagising sa umaga. Minsan kapag nagigising ako ng madaling araw nagmumumog nako at gumagawa ng tsaa kasi diko na keri boom boom yung kati ng lalamuanan ko. Ito nga pala galing sa tatay ko. May time kasi na sinabi ko sa tatay ko before na masakit lalamunan ko and pinayuhan niya nga ako magmumog ng warm water na may asin and epektib. Sana ngayon din maging epektib.
-Prutas like mansanas at kahel. Yung mansanas medyo nakaka-soothe ng lalamunan. Yung kahel para lang merong something citrus-y.
-At kapag to the maximum level na yung kati ng lalamunan ko e umiinom ako ng freshly squeezed lemon juice. Todo na 'to mga mumshies. Sobrang sama na ng pakiramdam ko kaya nakuha ko uminom ng pure lemon juice.
-Pag feeling ko nasosobrahan nako sa lemon ginger tea papalitan ko naman ng peppermint tea tapos lalagyan ko rin ng lemon juice and honey. Katulad noong sinamahan ko si Miko sa birthday party ng kaklase niya sa Mcdo. May baong tsaa ang lola niyo kasi nakakahiya naman kung bigla akong ihitin ng ubo. Baka layuan ako ng mga tao baka akala kung anong sakit ang meron ako.
Natapos ang weekend pero may ubo pa rin ako. :( Sana talaga mawala na yung ubo ko. Sa April 3 ang scheduled appointment ko for my antenatal care with a midwife. Medyo curious ako kung pano pag midwife ang magbabantay sa pagbubuntis ko. Sa Japan kasi nasanay ako sa OB.
Ubo ubo go away! Never come back again puhlizzz! Kapit pa rin tayong mabuti bibi kahit sigurong hilong-hilo ka na dahil sa pag-ubo ni Mummy.
No comments:
Post a Comment