Pages

Thursday, May 23, 2019

Week 20 (Banana)

May 6, 2019: Around 9:30AM, habang naggo-grocery sa Asian store, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang private number. Usually hindi ako sumasagot ng call na hindi ko kilala ang number pero dahil nga sinabihan ako na baka tawagan ako ng MFMS (Maternal and Fetal Medicine Service) ng Women's and Children's Hospital (WCH) e sinagot ko yung call. Buti na lang. Nakausap ko si Amanda and tinanong niya ako kung pede daw ba ako pumunta sa hospital that day around 2PM para macheck ako. We believe urgent siya kaya hindi na kami nagpa-resched and sinabi namin na pupunta kami on the said time. Buti medyo maaga pa kaya nakapagpaalam pa si Basuraman na hindi siya makakapasok. Tumawag na rin ako sa school ni Miko para ipasok siya sa OSHC (Out of School Hours Care). kasi hindi namin kung anong oras matatapos yung checkup.

1:45PM - Mag-isa ko ng pumunta sa MFMS ng WCH kasi naghahanap pa ng parking area si Basuraman. Kahit mahina ako sa direction e nakita ko naman siya kagad. Bale pinapunta muna ako ng receptionist sa digital imaging centre para sa scan tapos tsaka ako babalik sa Doctor.

Si Ateng sonographer na yata ang pinaka-lively at pinakamdaldal na sonographer na nameet ko. Nagpasabi naman siya na madaldal siya and she won't stop talking. Nakakatuwa lang yung mga comments niya while checking baby. She also did transvaginal scan to check my cervix and to confirm yung length niya based sa ginawang scan sakin last week. Medyo hirap lang si watashi sa pagtayo at paghiga kasi nga masakit pa rin yung kaliwang tuhod ko. Bumalik na kami sa MFMS para makausap yung doktor pagkatapos ng scan ko.

Sobrang antok ko mga mumshies habang naghihintay sa doktor. E tutal andun naman si Basuraman e umidlip ako habang naka-upo. Huwag kayong mag-alala kasi na-master ko na ang pagtulog habang naka-upo hehe. Kaso bigla akong ginising ni Basuraman kasi daw para akong napo-possess. Malay ko na ganun pala nangyayari habang ako'y nakatulog ng naka-upo.

4PM - Finally Ariel happened to me (I know anluma na nung commercial.) at tinawag na kami ng doktor. Ayun inexplain samin ni Ateng Amanda yung sa short cervix ko and kung ano ang pwede nila gawin. Nakapag-basa-basa naman na ako sa internet  regarding short cervix so may idea na ako. Bale hindi daw enough mga mumshies yung progesterone meds na iniinom ko. Need ko mag-undergo ng isang procedure called cervical cerclage. Bale maglalagay sila ng stitch sa cervix ko para to make sure na hindi kagad lalabas si bibi. Mga mumshies half-way pa lang ako sa aking pagbubuntis. Inexplain rin niya sa amin yung risks nung procedure. Tapos biglang sabi niya mga Mumshies na better na mai-admit nako that night para sa operation kinabukasan.

Like mga 14.34 seconds yata ako napatulala kasi hindi ko inexpect na ora mismo na dapat gawin yung procedure. Like cheka cheka cheka, tama ba rinig ko? Ayun na nga sinabi ni Ateng Amanda na ito na yung best time to do the procedure kasi baka daw if patagalin pa eh hindi natin alam baka bigla na lang bumuka ang cervix ko. Since 20 weeks pa lang si bibi e hindi siya makakasurvive kung bigla siya lumabas. Tinanong na namin what time need namin bumalik ng hospital. As soon as possible daw. After ko pirmahan mga need na papers umuwi na kami ni Basuraman to prepare my things. Pero nasa elevator pa lang may na-receive akong tawag. 8:30PM pa daw magiging available yung room kaya no need to rush. Pede naman daw kami pumunta ng maaga pero maghihintay pa rin kami. Buti na lang nasabihan kagad ako. Makakapag-shower pa ako then dinner pa kami plus makakapag-ayos ng gamit. Si Miko naman during that time e na kila Madam and we are planning to leave Miko ulit pag ihahatid nako ni Basuraman sa hospital kasi baka what time na siya makauwi. May pasok pa kasi si Miko sa school kinabukasan.

8PM - Nasa hospital na kami ni Basuraman. Waiting na lang na matawag for admission.  Nasa Women's Assessment Service kami kaya andaming ganap. Naintindihan namin kung bakit kailangan namain maghintay kasi for sure mas may emergency cases silang inaasikaso. Past 9PM na yata ako natawag.

Waiting game ulit sa isang room kasi need muna ako i-speculum test bago umakyat sa kwarto ko. Hindi na ako nahintay ni Basuraman na madala sa kwarto kasi mag-10pm na at wala pa yung doctor na titingin sakin. E kailangan pa niyang kunin si Miko mula kila Madam. So sabi ko umuwi na siya kasi carry ko naman mag-isa. Hindi ko na rin siya prinessure na pumunta ng hospital during the procedure kasi wala naman siyang gagawin kundi maghintay. Around 8:30AM yung procedure. During that time inaaayos na niya si Miko para pumasok sa school. I-message ko na lang siya kapag tapos na yung procedure.

Past 10PM na dumating si Ateng Shine. Kung nasusundan niyo itong pregnancy journey ko with bibi #2, si Ateng Shine yung isang OB na tumingin sakin noong nagpunta ako sa hospital because of bleeding. Naalala naman niya ako. After the speculum test hintay ulit si watashi ng magdadala sakin sa 1st floor para sa aking kwarto.

11PM - Finally Ariel happened na ulit at nakapagsettle na ako sa aking kwarto. May ka-share ako sa room pero may divider naman kaya hindi ko siya nakikita. May sariling toilet and shower area yung room. Mga past 12PM nako nakatulog kasi namahay pako (kunwari haha) at tsaka ang ingay ni room mate. Walang earphones kaya rinig na rinig ko yung pinapanood/pinapakinggan niya.

May 7, 2019 - Fasting nga pala ako since 12MN. 5AM gising nako. Till 6AM ang last inom ko ng tubig. Around 7:30AM dumating si Ateng Amanda. Pinuntahan niya ako para kumustahin and para inform ako na kung magiging available kagad ang theater ay masasalang na ako by 8:30AM. Buti na lang maaga ako nagising at naayos ko na kagad ang sarili ko. Binigyan nako ng gown na pang-sagala este na susuotin ko during the procedure. Yung lawit puwit. Sakto naman nakaayos nako nung dumating na si Koyang Annie (anesthesiologist). Inexplain niya sakin hindi naman need na full anesthesia ang gagawin sakin kasi hindi naman bubulatlatin ang tyan ko. so kalahati lang. from waist pababa. Pinapirma na rin niya ako ng papers. Huwag mag-alala mga Mumshies na-explain naman sa akin lahat bago ako pumirma. Miya-miya from my room dinala na ako papuntang third floor yata yun kung hindi ako nagkakamali papuntang theater. Nagworry pa nga ako mga Mumshies kasi inisip ko kung saan ko iiwan yung tsinelas ko. Yun pala hihiga na ako sa bed ko then tsaka nila ako dadalhin papunta kung saan man gaganapin ang procedure. Toinks lang.

8:40AM - I was admitted in the theater to start my cervical cerclage operation. Nalula lang ako sa laki ng room tapos andaming tao. Naalala ko lang kasi nooon kay Miko na anliit lang ng OR tapos 4 lang yata yung nasa loob nun. Si Koyang Annie ang chumichika sa akin habang ginagawa ang procedure. The procedure lasted for about an hour. Masaya naman si Ateng Amanda at successful yung ginawa nilang cerclage. From theater dinala na ako sa recovery room. After 30minutes of monitoring ibinalik na nila ako sa room ko.

Ateng Midwife: Do you feel nauseous or light-headed? Do you feel like vomiting? They are some of the effects of the anesthesia.
Me: I am just so hungry right now. ^_^


10:30AM - Hinanapan ako ni Ateng Midwife ng makakain sa kitchen. 12:30 pa daw kasi magse-serve ng lunch. Nakakatuwa nga siya kasi siya pa naglagay ng jam and butter sa toast ko. Naintindihan naman nila na gutom na gutom nako kasi naman 10:30AM na. Ang huling kain ko is 7:30PM last night.

By this time numb pa ng konti yung puwet ko and vajayjay ko. As in di ko siya maramdaman. Nakakatakot din pala yung ganung feeling mga Mumshies. Naisip ko tuloy yung mga paralisado. Pano pa yung nararamdaman nila knowing na forever na nilang di mararamdaman yung parte na yun ng katawan nila.

4PM - Pagkasundo sa school ni Miko sa school dumerecho na sila sa hospital ni Basuraman para dalawin ako. Hapon ko na sila pinapunta para masabayan nila ako magdinner then tsaka sila uuwi after.

Continuous monitoring then mineasure din yung amount ng wiwi ko after the procedure and tanggalin yung catheter. Pinuntahan nga pala ulit ako ni Ateng Amanda to check me and inform me na kung wala naman magiging problem overnight most probably is makakauwi nako kinabukasan.

May 8, 2019 - Maaga ulit ako nagising pero 6AM nako bumangon. Dumaan ulit sa Ateng Amanda sa room ko para icheck yung kalagayan ko and para iinform ako na makakalabas na ako by 11AM. By the time na dumating si Basuraman sa room ko nakapagayos nako at nakaligpit na lahat ng gamit ko.

Dislocated left knee cap last Friday then cervical cerclage nung Tuesday. Grabe yung mga ganap ko sa pagbubuntis kay bibi number 2. Pero sobrang thankful kami na ayos ang lagay ni baby ngayon at  nagawan kagad ng preventive measure yung nakita nilang short cervix ko. Lahat naman kakayanin ko basta mapanatili lang na healthy and safe si bibi.

We are also thankful sa lahat ng tao sa Women's and Children's Hospital kasi naalagaan naman ako ng mabuti during my stay sa hospital. And since it is public, wala kaming binayaran ni singkong duling para sa operation and stay ko sa hospital.

Kapit pa rin tayo ng mabuti bibi ha. Kumpletuhin natin yung term mo. ^_^ Thank you Lord...

No comments: