I have been feeling a lot of movement from bibi this week. Actually yung latter part ng week18 may mga nararamdaman nako pero di ako sure kung baka guni-guni ko lang or baka gas lang sa tyan ko na naipit.
Na-stress yata si bibi kapag na-stress ako sa work kasi napansin ko galaw siya ng galaw. Gusto ko ng awayin yung circuit designer ko kasi antigas ng ulo. Ayaw makinig. Gusto yata gawan ko pa siya ng power point para makita niya yung kamalian niya. Tapos sasabay pa yung mabagal na connection. Anyways, I have to remind myself always to calm down pag nastress sa work kasi baka napapano na si bibi.
Medyo consistent na yung movement na nararamdaman ko in terms of time. Sa gabi nararamdaman ko na siya na para bang telling me na kumain na kami ng dinner. May time na kung kelan ako magna-nap tsaka naman biglang galaw ng galaw si bibi. E di hindi ako nakapag-nap hehe.
May 3, 2019 3:30pm - Scheduled date for my morphology scan. Sa Radiology SA Campbelltown ako nagpa-sched para walang bayad. Hindi ni-recommend ni ateng midwife Liz ang Adelaide MRI kasi di naman daw nila trained yung mga tao dun. Sana sinabi nila kagad sakin anesh. Inom ulit ng 500mL ng tubig an hour before the scan. Maulan during this day. Bale first time na lalaki ang sonographer ko. Carry lang naman. Matagal-tagal din yung scan kasi andaming mineasure ni Koyang. Tapos he confirmed tungkol sa unang pregnancy ko na emergency CS and anong week ko ipinanganak si Miko noon and ano yung reason bakit ako bigla na-CS. Pagkatapos ng ilang check sinabi niya sa amin ni Basuraman na lahat ng measurements ni bibi is okay but he found out that I have a short cervix. At this point of my pregnancy they are expecting my cervix to be around 25mm. Pero based sa scan, nasa 13mm lang yung sakin. Less than half. So tinanong nako ni Koyang sonographer if ok lang daw ba na mag-undergo ako ng transvaginal scan to make sure of the measurements. Hindi naman na ako maselan when it comes to this kind of scan kaya go lang. Kebs na kung lalaki. Pero nagdala siya ng 'chaperone' or kasamang babae to monitor the scan.
Pinaghintay muna kami saglit ni Basuraman after the scan kasi they will try to call WCH (Women's and Children's Hospital) para marefer kagad ako for a check-up kasi nga mukhang need nila macheck yung short cervix. Unfortunately hindi daw sila maka-connect so inadvise nila na pumunta sa WCH as soon as possible. Sinabi kasi ni Koyang sonographer na yung doctors sa WCH ang makakapagsabi kung ano ang pwede gawin sa situation ko. Binigyan na din nila ako ng copy ng result just in case dederecho na ako ng hospital para maibigay ko na sa OB. At this point I am trying to be calm. Wala pa naman yung nerbiyos ko. Siguro hindi ko na lang talaga inentertain yung nerbiyos kasi alam ko naman na makakasama lang sa amin yun ni bibi. After nga ng scan mag-go-grocery pa kami.
5:30~6:00 pm - Eto na nga mga mumshies. On the way sa grocery, as in papasok na kami ng building, e nag-darna si watashi. SUSMIOMARIMAR! Dahil madulas ang daan, nagslip ako ng hindi ko namamalayan at nadislocate na naman po ang aking left knee cap!!! Natumba na ako kasi sobrang sakit. Buti na lang naalalayan ako ni Basuraman kaya medyo na-soften yung pagbagsak ko and sa right side ako napahiga. Hindi ko kaya tumayo sa sobrang sakit kaya ilang minutes akong nakahiga sa daan. Buti na lang huminto na sa pag-ulan and water resistant yung jacket ko kaya hindi ako masyado nabasa kahit nakahiga ako sa sahig.
May mga lumapit kagad to help us and to check me. Hindi ko na naiintindihan yung nangyayari during that time kasi sobrang sakit mga mumshies. It took a while bago naibalik ni Basuraman sa tamang position yung knee cap ko. May isang concerned citizen na isang nurse ang hindi kami iniwan. She kept on telling me to calm down and breathe. Tapos dumating na rin yung staff/managers ng grocery store. Nung tinanong nila ako kung kaya ko gumalaw or tumayo, inalalayan na nila ako papunta sa covered entrance nung building para umupo.
Sobrang alalay samin nung 2 staff ng Woolies. Sila pa mismo yung tumawag ng ambulance lalo kasi nalaman ni na buntis ako. Just to make sure lang daw na macheck ako. They gave me blankets while sitting kasi anlamig mga mumshies. Ayun nga lang medyo natagalan bago dumating ang ambulansya. More than an hour din kaming naghintay kasi nga walang available na pedeng umattend samin. Gusto ko na ngang umuwi nun kasi nga lamig na lamig nako and ang sakit na ng tuhod ko. Panay nga ang tawag ni Ateng para matanong kung kelan darating yung ambulansya. I understand naman na baka mas may life-threatening cases na nagaganap during that time.
Past 7pm dumating na yung ambulansya with the paramedics. Tinanong ulit ako kung anong nangyari and ano daw ba gusto ko mangyari at bakit daw ako nagstay ng ganun katagal para sa ambulansiya. Nalerkey ako ng slight mga Mumshies sa mga tanong ni Koyang. Buti na lang at mabait naman si Koyang kaya nawala na yung konting inis ko sa kanya. Kwento-kwento, sagot-sagot and napagdesisyunan na sa WCH ako dalin na hospital dahil gusto kong macheck si bibi kagad para mawala na yung agam-agam ko kung naapektuhan ba siya sa pagbagsak ko.
Buti na lang mga Mumshies e luma yung leggings na suot ko kasi ginupit siya ni Koyang paramedic
para macheck yung knee ko.
Pagdating ng WCH chineck naman kagad nila si bibi via ultrasound scan and everything's fine naman daw. Unfortunately wala daw silang magagawa sa tuhod ko dahil obstetritian lang daw ang meron sa hospital. Binigyan lang nila ako ng pain reliever. The doctor advised din i-rest ko lang yung tuhod ko then ice pack. If hindi nawala yung pain after a few days and hindi pa ako makalakad e need ko na pumunta sa ibang hospital para ipa-check yung tuhod ko.
Nabanggit ko na rin pala yung result ng morphology scan ko and nakita naman na nila yung result. According to the doctor baka kontakin daw ako ng MFMS (Maternal and Fetal Medicine Service) anytime para macheck ako regarding my short cervix. They specialises in this kind of situation sa mga pregnant women. Sinabi pa ng doctor na "We don't want you giving birth at 19 weeks because the baby will definitely not survive.". Natakot ako ng slight kasi ganun pala ka-seryoso yung short cervix ko.
Around 9pm nakauwi na kami ng bahay ni Basuraman. Mabait naman yung mga tao sa WCH at nag-offer sila na i-wheelchair na lang ako palabas ng hospital dahil alam nila hindi ko kaya maglakad. Sobrang namamaga na rin kasi yung tuhod ko. Hinatid naman ako hanggang kung saan naka-park yung sasakyan.
Buti na lang disabled friendly yung bahay na nirerentahan namin ngayon. As in may railings from banyo to front proch. Halos nakahiga lang ako buong Saturday pero pagdating ng Sunday nakakalakad na ako paunti-unti. Nababawasan na rin yung swelling sa left knee ko. Binilhan din ako ng knee support (with patella/knee cap support) na susuotin ko during my pregnancy. Mahirap na baka maulit na naman. And baka mangyari pa na hindi ko kasama si Basurman or mas malaki na tiyan ko.
Siyanga pala, we are having another baby girl! Yey! \(^0^)/
Thank you Lord for keeping us safe. We lift up everything to You. (^_^)
No comments:
Post a Comment