According to Pregnancy + app nga din pala, e kasinglaki na ng isang Maltese puppy si bibi. ^_^ So para na akong may tuta sa loob ng aking tyan. And this week naramdaman na ni Basuraman na gumagalaw si bibi. Usually pag sinasabi ko kasi na gumagalaw si bibi, susubukan hawakan ni Basuraman yung tiyan ko pero wala naman siya naramdaman. So internal lang talaga. Pero this time nalakas ang galaw ni bibi kaya natyempuhan niya na habang hawak ang tyan ko e nagtambling yata ng bongga si bibi. Nagpakitang gilas yata. Pero pansin ko once na humawak na si Basuraman sa tyan ko, dumadalang paggalaw niya. Nararamdaman kaya niya na may ibang tao na nakikihawak sa tyan ng nanay niya?
May 21, 2019 - Two weeks after my cerclage procedure. 12:30PM appointment para sa scan to check the stitch. Kasama namin si Miko kasi hindi pumasok dahil sa sipon at ubo. Actually Monday pa lang naghalf day na siya sa school kasi tumawag ang school office at hindi na daw maganda ang pakiramdam ni Miko. We decided to bring her home early kesa makahawa pa sa school. During this time sa ibang kwarto nako natutulog kasi baka mahawa ako kay Miko. I know si Miko dapat ang humiwalay kaso naman ang dakilang bata laging lumilipat sa higaan namin. So I decided na ako na lang ang hihiwalay. Start na rin kami mag-honey lemon drink ni Basuraman kasi nagstart na sumakit lalamunan namin.
Sabi naman ni Ateng Sonographer e the stitch looks fine. Medyo nahihirapan pa nga ako kay Ateng kasi may kasama siyang trainee/new employee (yata) so hindi ko alam minsan kung ako ba or si koyang ang kausap niya.
After the scan derecho na kami sa MFM para sa check ni Ateng Amanda. According to Ateng Amanda the stitch looks good naman and after two weeks iche-check ulit siya. Tapos nakita nga niya na nagkaroon ako ng Gyne appointment noong Friday and pati yung swab test. Sinabi ko sa kanya na I confimed naman the hospital kung kailangan ko siya kasi nagchange na nga yung circumstances ng pregnancy ko. Need pa rin daw so go naman si watashi. Thankfully I had the Gyne appointment kasi the swab test showed na meron akong infection. Eversince nagstart ako magtake ng progesterone meds for my cervix ay nagkaroon nako ng discharge. According to Ateng Amanda is side effect siya sa pagtake ko ng progesterone sa pagkakakaalala ko. Actually hindi naman talaga siya bacterial infection kundi yung balance ng bacteria in my vajayjay is not balanced. Kumbaga mas marami yung bad bacteria versus good bacteria. Parang sa cholesterol. I think they call it bacterial vaginosis. So niresetahan niya ako ng antibiotics to take kasi it needs to be treated. Sa June 5 ang next check-up ko (2 weeks after). I just hope by that time nagwork na yung antibiotics and wala na yung infection.
Right now I am taking Elevit (pregnancy supplement), Vitamin D (last dosage ko na this month. bale 4 months ako nagtake), progesterone (for my cervix) and antibiotics (for my bacterial vaginosis). Minsan naiisip ko na baka mapano si bibi sa mga tinetake ko na gamot. Pero I just have to remind myself na the doctor won't be giving those meds if she thinks it will badly affect bibi. And above all, I am raising everything to God. I believe na hindi Niya kami pababayaan lalo na si bibi. ^_^
We love you so much bibi gurl! Grow healthy sa tummy ni Mummy ha. Okay lang kahit gawin mong punching/kicking bag ang tyan ko basta ba alam kong nasa mabuti kang kalagayan. Fighting!
No comments:
Post a Comment